You are on page 1of 17

Group 1

BUOD/SINTESIS
BUOD O SINTESIS
Ang sintesis o buod ay ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang
teksto. Ito ay isang bersyon ngpinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang
paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha
mula sa tekstong binasa na nasa yamang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.
Kailangan panatilihin ang mga binanggit na katotohano mga puntong
binibigyang diin ng may akda.
.

Buod/Sintesis 2
ANO ANG PINAGKAIBA AT PAGKATULAD NG
BUOD AT SINTESIS?
ANO ANG BUOD? 

 Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kaniyang


narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at
iba pa.
 Hindi nangangailang ng maraming batis upang makatas ang
pinakalaman ng isang akda o impormasyon.
 Pinaikling bersiyon subalit hindi nangangailang ng bagong ideya,
opinyon, o tesis ukol sa nabasang akda.
 Sa paaralan karaniwang ginagawan nito ang mga kwentong binasa,
balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik sa pinag-aralan,
palabas na sinubaybayan, pelikulang napanood, o leksiyong pinakinggan.
Buod/Sintesis 4
URI NG BUOD

A. Hawig – Ito ay paraphrase sa Ingles. Galing ito


sa salitang Griyego na “parapharis” na ang ibig
sabihin ay dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag.
B. Lagom – Ito ay isang pagpapaikli ng
pangunahing punto sa isang akda.
C. Presi – Buod ng buod.
Buod/Sintesis 5
KATANGIAN NG PRESI

1. Malinaw ang paglalahad.


2. Kompleto ang mga detalye.
3. May kaisahan ang ideya.
4. May pagkakaugnay ang mga ideya.
5. Dalawa hanggang tatlong pangungusap
lamang.
Buod/Sintesis 6
HAKBANG SA PAGGAWA NG BUOD

1. Kunin ang mga mahalagang punto.


2. Ipaliwanag ang mga detalye.
3. Ayusin sa lohikal na paraan.
4. Gumamit ng third-person.
5. Isulat ang buod.
Buod/Sintesis 7
ANO ANG SINTESIS?

 Malaman at pinaikling bersyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at


impormasyon.
 Pinagsama-sama ang iba’t ibang ideya na may magkakatulad at
magkakaibang punto-de-bista mula sa iba’t ibang sanggunian.
 Isang sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa
maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat
(Warwick, 2011).
 Sa akademinkong larangan, ito ay maaring nasa anyong nagpapaliwanag
o explanatory synthesis, o argumentatibo o argumentative synthesis.

Buod/Sintesis 8
HAKBANG SA PAGGAWA NG SINTESIS

1.Linawin ang layunin.


2.Maghanap ng mga sanggunian.
3.Bumuo ng tesis.
4.Isulat ang Sintesis.
Buod/Sintesis 9
MGA DAPAT TANDAAN HINGGIL SA
BUOD AT SINTESIS
1. Ang Buod at Sintesis ay parehong paraan ng paglalagom.
2. Ang Buod ay paglalagom mula sa isang sanggunian lamang,
samantalang mula naman sa iba’t ibang sanggunian ang sintesis.
3. Ang alinmang paglalagom ay higit na maikli kaysa sa orihinal na
pinaghanguan nito.
4. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
5. Tala ng indibidwal sa sarili niyang pananalita ukol sa narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa.

Buod/Sintesis 10
MGA KATANGIAN NG BUOD AT
SINTESIS
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa orihinal na teksto.
4. Gumamit ng mga susing salita.
5. Gumamit ng sariling salita.

Buod/Sintesis 11
ANO ANG KAHALAGAHAN NG
BUOD AT SINTESIS?
Mahalaga ang buod at sintesis sapagkat napapadali
nito ang pagunawa ng isang mambabasa ukol sa
isang akda sapagkat hindi na kailangang basahin o
panoorin ang buong akda.

Buod/Sintesis 12
MAIKLING
PASULIT
TAMA O MALI
1. Ang Sintesis ay sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya
mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat
(Warwick,2011).

2. Malaman at pinaikling bersyon ng iba't ibang batis ng kaalaman at


impormasyon ang sintesis.

3. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.

4. Hindi nangangailangan ang buod ng maraming batis upang makatas ang


pinakalaman ng isang akda o impormasyon.

5. Ang buod ay isang halimbawa ng pagbubuod kung saan kukuha ang isang
manunulat ng mga maliliit ngunit importanteng parte sa bauuan ng isang sulatin o
salaysay.
Buod/Sintesis 14
BUOD O SINTESIS
1. Pinagsama-sama ang iba't ibang ideya na may magkakatulad at
magkakaibang punto-de-bista mula sa iba't ibang sanggunian.
2. Pinaikling bersiyon subalit hindi nangangailangan ng bagong ideya,
opinyon, o tesis ukol sa nabasang akda.
3. Sa paaralan, karaniwang ginagawan nito ang mga kuwentong binasa,
balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik na pinag-aralan,
palabas na sinubaybayan, pelikulang napanood, o leksiyong pinakinggan.
4. Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba
pa.
5. Sa akademikong larangan, ito ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o
argumentatibo.

Buod/Sintesis 15
GROUP 1
Thank you
PRESENTATION
​ ​

Presentation title 17

You might also like