You are on page 1of 2

Pagsulat ng Posisyong Papel

POSISYONG PAPEL

> Isa itong detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatuwid o


nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos
> Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng
awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal.
> Ang mga posisyong papel ay inilalathala sa akademya, sa politikal, sa batas at ibang pang domeyn.
> Ang mga ito’y may iba’ibang anyo, mula sa pinakapayak na anyo ng liham sa patnugot/editor hanggang
sa pinakakomplikadong anyo ng akademikong posisyong papel.Ginagamit din ang mga posisyong papel
ng malalaking organisasyon upang isa publiko ang mga opisyal na paniniwala at mga rekomendasyon ng
pangkat.
MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

Ayon sa http://snowcrest.net (halaw kina Axelrod at Cooper,2013), ang iba’t-ibang anyo ng posisyong
papel ay may mga batayang katangiang ipinagkakatulad: depinadong isyu, klarong
posisyon, mapangumbinsing argumento at angkop na tono.

1. Depinadong Isyu
Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay ng
pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon o sa isang
nagaganap na debate.
Ano’t ano man ang pinagmulan ng isyu, kailangan maipaliwanag nang malinaw ng manunulat
ang isyu.

2. Klarong Posisyon
Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangan mailahad nang malinaw ng awtor ang
kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd upang maakomodeyt ang
mga nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong malabo o indesisyon.

3. Mapangumbinsing Argumento
Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kanyang paniniwala. Upang
makumbinsi ang mga mambabasa,kailangang magbigay ang awtor ng matalinong
pangangatwiran at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon.

a.Matalinong katwiran
- Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang argumento,kailangan malinaw na
maipaliwanag ang mga pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon.
b. Solidong Ebidensya
Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba’t-ibang uri ng ebidensyang
sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ay anekdota, awtoridad at estadistika.
c. Kontra-argumento
Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang pananaw na maaaring
kanyang iakomodeyt o pabulaanan.
4. Angkop na Tono
Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa
pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng
komunikasyon.

ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


1. Pumili ng paksa
Ang posisyong papel ay iinog sa iyong personal na paniniwala na sinusuportahan ng
pananaliksik.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik
Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung may mga ebidensyang
sumusuporta sa iyong posisyon. Hindi mo gugustuhing madikit sa isang posisyong guguho
kapag inatake.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
Kailangan alam mong hindi lamang ang iyong sariling posisyon, kundi maging ang
sasalungat sa iyo .Kailangang alam mo ang mga posibleng hamong iyong kakaharapin.

4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya


- Sikaping makakolekta ng iba’t-ibang suporta tulad ng opinyon ng mga eksperto at personal
nakaranasan. Ang pagsangguni sa mga kaugnay na aklat at babasahin, maging sa mga
telebisyon na may mabuting reputasyon at pakikipagpanayam sa mga awtoridad ay
makakatulong ng lubos.

5. Gumawa ng balangkas
a. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kauting kaligirang impormasyon. Gawin ito
hanggang sa iyong tesis na pahayag na naggigiit sa iyong posisyon.

6. Isulat na ang iyong Posisyong papel.


Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang maipamalas ang tiwala sa sarili(confidnce).
Sa sulating ito,kailangang maipahayag ang iyong opinyon ng may awtoridad. Tandaan, ang
layunin mo ay maipakita ang iyong posisyon na tama.

You might also like