You are on page 1of 22

POSISYONG PAPEL

AKADEMIKONG SULATIN
KAHULUGAN
Isang detalyadong ulat ng polisiyang
karaniwang nagpapaliwanag,
nagmamatuwid, o nagmumungkahi ng
isang partikular na kurso ng pagkilos
(http://www.thefreedictionary.com)
Isang sanaysay na naglalahad ng
opinyon hinggil sa isang usapin,
karaniwan ng awtor o ng isang tiyak
na entidad tulad ng isang partidong
politikal
Inilalathala sa akademya, sa
politikal, sa batas, at ibang
pang domeyn
May iba't ibang anyo, mula sa
pinakapayak na anyo ng liham sa
patnugot/editor hanggang sa
pinakakomplikado nitong anyo
Ginagamit din ng malalaking
organisasyon upang isapubliko ang
mga opisyal na paniniwala at mga
rekomendasyon ng pangkat
MGA BATAYANG
KATANGIAN
http://snowcrest.net
(halaw kina Axelrod at Cooper, 2013)
1. DEPINADONG ISYU
 Hinggil sa mga kontrobersyal na isyu,
mga bagay ng pinagtatalunan ng tao.
 Kailangan maipaliwanag nang malinaw
ng manunulat ang isyu.
2. KLARONG POSISYON
 Kailangan mailahad nang malinaw ang
posisyon ng awtor.
 Hindi maaari ang posisyong malabo o
indesisyon.
 Madalas idinideklara agad ng awtor sa
tesis na pahayag sa simula pa lamang ng
sulatin.
3. MAPANGUMBINSING
ARGUMENTO
 Matalinong pangangatwiran
 Solidong ebidensya
A. Matalinong Katwiran
 Kailangang malinaw na
maipaliwanag ang mga
pangunahing puntong sumusuporta
sa posisyon.
B. Solidong Ebidensya
 Maaring gamitin ang anekdota (mga
testimonya ng awtoridad na maalam sa
isyu).
 Ang estatistika ay dapat na malinaw na
pinaghanguan ng impormasyon.
C. Kontra-Argumento
 Dapat isaalang-alang ang mga salungat
na pananaw.
 Upang pabulaanan, dapat ipakita ng
awtor kung paano naging mali ang
argumento.
4. ANGKOP NA TONO
 Maaaring palakaibigan, seryoso, o
matapang ang tono.
 Dapat isaalang-alang ang bigat ng isyu,
target na mambabasa, at layunin ng
manunulat.
ANG
PAGSULAT
1. Pumili ng paksa
• Iinog ang papel sa personal na
paniniwala na sinusuportahan ng
pananaliksik.
2. Magsagawa ng panimulang
pananaliksik
• Kailangan upang malaman kung may
mga ebidensyang sumusuporta sa iyong
posisyon
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
• Kailangang alamin din ang mga
sumasalungat na posisyon.
• Dapat makontra ang salungat na
argumento sa pamamagitan ng mga
kontra-argumento
4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng
mga sumusuportang ebidensya
• Opinyon ng mga eksperto at personal
na karanasan
• Pagsangguni sa mga kaugnay na aklat
at babasahin
• Mga site na may mabuting reputasyon
• Pakikipagpanayam sa mga awtoridad
5. Gumawa ng balangkas
a. pagpapakilala ng paksa
b. paglilista ng mga posibleng pagtutol sa posiyon
c. pakikiisa at pagsuporta sa ilang salungat na
argumento
d. pagpapaliwanag kung bakit ang iyong posisyon
ng pinakamainam
e. lagumin ang argumento at ilahad muli ang iyong
posisyon
6. Isulat ang iyong posisyong papel
• Kailangang maipamalas ang tiwala sa
sarili.
• Kailangang maipahayag ang iyong
opinyon nang may awtoridad.
• Tandaang ang layunin mo ay
maipakitang ang iyong posisyon na
tama.

You might also like