You are on page 1of 16

Posisyong

Papel
Ipinresenta ng Unang Groupo : Raven La Torre
Jaywayne Avila
Leo Rivera
Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay nagsisilbing pagkakataon upang mailahad ang


sariling pananaw at pagtingin ukol sa isang isyung pinagtatalunan. Ito ay
sumasalamin sa personal na opinyon ng sumusulat at naglalayong
manghikayat, magpaliwanag, o magbigay ng katuwiran hinggil sa isang
partikular na isyu.
Ito ay naglalayong maipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang

Layunin tiyak na isyung kadalasan ay


napapanahon at nagdudulot ng
magkaibang pananaw sa marami
depende sa persepsiyon ng mga
ng Posisyong Layunin ng posisyong papel ay
mahikayat ang madla na ang
Papel pinaniniwalaan ang argumentong
ipinaglalaban gamit ang mga
ebidensiyang magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o
pinaninindigan
Batayang Katangian
Ayon kina Axelrod at Cooper, (2013) mayroong iba't ibang anyo ng posisyong papel at
ito ay maisusulat gamit ang mga batayang katangian:

Depinadong Isyu
Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga
kontrobersyal na isyu, mga bagay ng pinagtatalunan
ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang
partikular na okasyon o sa Isang nagaganap na
debate. Ano’t ano man ang pinagmulan na isyu,
kailangan maipaliwanag nang malinaw ng manunulat
ang isyu
Batayang Katangian
Ayon kina Axelrod at Cooper, (2013) mayroong iba't ibang anyo ng posisyong papel at
ito ay maisusulat gamit ang mga batayang katangian:

Klarong Posisyon
Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangan
mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang
posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay
kwalipayd upang maakomodeyt ang mga
nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari.
Batayang Katangian
Ayon kina Axelrod at Cooper, (2013) mayroong iba't ibang anyo ng posisyong papel at
ito ay maisusulat gamit ang mga batayang katangian:

Mapangumbinsing Argumento
Matalinong katwiran - Upang matiyak na masusundan ng mambabasa
ang Isang argumento, Kailangan malinaw na maipaliwanag ang mga
pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon
Solidong Ebidensya - Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng
iba't ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posison. Ilan
sa mga ito ay anekdota, awtoridad at estadistika.
Kontra-argumento - Kailangan ding isaalanq-alang ng awtor ang
mga salungatang pananaw na maaaring kanyang iakomodet o
pabulaanan.
Batayang Katangian
Ayon kina Axelrod at Cooper, (2013) mayroong iba't ibang anyo ng posisyong papel at
ito ay maisusulat gamit ang mga batayang katangian:

Angkop na Tono
Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong
papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na
nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin
at nang hindi nagsasara ng komunikasyon.
Hakbang sa Pagsulat

1 Pumili ng Paksa
May dalawang paraan upang makabuo ng paksa : Una, maaaring
ito ay isang reaksyon mula sa isang paksang pinagtatalunan
at pangalawa, maaaring pagbibigay ng sagot o opinyon sa mga
suliraning panlipunan. Dapat ang paksa ay isyung
napapanahon sa ating lipunan
Hakbang sa Pagsulat

2 Magsagawa ng Panimulang Pananaliksik


Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung
may mga ebidensyang sumusuporta sa iyong posisyon. Ang
pagbabasa ng mga aklat, dyaryo, journal, magasin,
pananaliksik at iba pang sanggunian ay higit na
makatutulong upang mas mapalalim pa ang pag-unawa sa paksa
at maipahayag ng malinaw at may pangangatwiran ang posisyon
ukol sa paksa.
Hakbang sa Pagsulat

3 Bumuo ng Posisyon o Pangangatwiran


Mula sa mga nakuhang mga impormason at datos sa
pananaliksik, tala ang mga argumento o pangangatwiran ukol
sa paksa. Maaaring gumawa ng isang talahanayan na
nagpapakita ng mga argumentong ayon sa iyong posisyon sa
paksa at mga argumentong tumitiwalag. Mula rito, makakagawa
ka ng paghahalintulad at pagkakaiba na magbibigay daan sa
mas malakas ng pangangatwiran ukol sa paksa.
Hakbang sa Pagsulat

4 Gumawa ng Balangkas
Introduksyon - Ipakilala ang paksa at ipaliwanag ang
konteksto ng usapin ukol dito.
Mga Katuwiran ng Kabilang Panig - Ilahad ang mga katuwiran
ng kabilang panig at ipaliwanag ito ng bahagya.
Mga Sariling Katuwiran - Ilatag ang mga sariling katuwiran
ukol sa paksa.
Hakbang sa Pagsulat

5 Gumawa ng Balangkas
Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran - Palawigin ang yong
katuwiran sa pamamagitan ng pagbibigay ebidensya
Huling Paliwanag - Sumulat ng isang buod ukol sa inilatag na
mga katuwiran at ipaliwanag kung bakit ito ang sariling
paninindigan ukol sa paksa.
Mungkahing Kilos - Matapos ilahad ang katuwiran ukol sa isyu,
maaaring magbigay ng mga mungkahing kilos o rekomendasyon na
kauganay ng isang paninindigan upang masolusyon ang
suliranin.
Hakbang sa Pagsulat

6 Isulat ang Posisyong Papel


Matapos na ihanda ang balangkas ay madali nang maisusulat ang
posisyong papel. Tandaan na kailangan na buo ang loob at tiwala
sa paninindigan ukol sa paksa. Kailangan na maiparamdam at
maihayag ng malinaw ang mga katuwiran
Katangian ng
Posisyong Papel

Naglalarawan ng Nakabatay sa Facts Hindi gumagamit ng Gumagamit ng mga


Posisyon Ukol sa (Pananaliksik, personal na atake sangguniang
isang Isyu Istatistika, mapagkakatiwalaan
Pagsusuri) Sinusuri ang Minumungkahi ang
Gumagamit ng kalakasan at
kahinaan ng mga solusyon na
Akademikong Nagpapaliwanag ng
dalawang panig dapat gawin tungkol
Legguwahe pundasyon ng isyu
sa isyu
Halimbawa:
Kahalagahan ng Posisyong Papel sa
Lipunan

Argumento 1 Patunay 1 Argumento 2 Patunay 2


Ang posisyong papel ay Ang kasalukuyang panahon ay Ang posisyong papel ay Ang mga mag-aaral at mga
nagpapakita ng pagtaas ng dami propesyonal ay madalas na
nagbibigay-daan sa nagbibigay-daan sa malalim
ng mga posisyong papel na nagbibigay ng mga posisyong
malayang pagpapahayag ng na pagsusuri at pagsasaayos papel bilang bahagi ng kanilang
inilalathala sa mga pahayagan,
opinyon at paninindigan ng blog, at iba pang mga online na ng mga ideya. Sa pagbuo ng mga kurso at mga propesyon. Ito
mga indibidwal. Ito ay isang plataporma. Ito ay nagpapakita posisyong papel, ay nagpapakita na ang posisyong
espasyo kung saan ang bawat na mas maraming mga indibidwal kinakailangan nating papel ay isang mahalagang
ang nagnanais na maipahayag ang kasangkapan sa paghubog ng
isa ay maaaring maipahayag maglaan ng sapat na panahon
kanilang mga saloobin at kritikal na pag-iisip at
ang kanilang sariling at pag-aaral sa isang
paglalabas ng mga pananaw sa
pananaw sa mga isyung
pananaw sa isang partikular partikular na isyu. loob ng isang propesyonal na
nakakaapekto sa ating lipunan.
na isyu konteksto.
Maraming Salamat
Maraming Salamat sa inyong pakikinig

You might also like