You are on page 1of 42

KAHULUGAN, LAYUNIN,

GAMIT, AT KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Paano mo
nilulutas sa iyong
isip ang iba’t
ibang isyu na
nangangailangan
ng iyong pasya
ng pagpanig?

2
PAANO
MAAARING
IPALIWANAG
ANG MGA
SALUNGATANG
PANANAW
UKOL SA ISANG
PAKSA?

33
ANG POSISYONG PAPEL

Ang posisyong papel ay sulating naglalaman ng


pinaninindigang pananaw hinggil sa isang
tiyak na mahalagang isyung may kinalaman sa
iba’t ibang larang—akademya, panlipunan,
ekonomiya, politika, at iba pa—na nakabatay
sa may pananaliksik na mga katwiran at
ebidensiya.
44
PAANO KA NANININDIGAN PARA SA IYONG MGA
PANANAW AT KURO-KURO HINGGIL SA MGA ISYUNG
PAMBANSA AT PANLIPUNAN?

5
POSISYONG PAPEL: LAYUNIN

● Makapagpahayag ng paniniwala,
pananaw, mungkahi, o matalinong kuru-
kurong ibinunga ng masikap na pag-aaral
ng mga konsepto at kaugnay na
impormasyon hinggil sa paksa.

66
POSISYONG PAPEL: LAYUNIN

● Makapagmulat ng mga mambabasa sa


pamamagitan ng mga inihaing argumento
hinggil sa isang napapanahong isyung may
pangkalahatang saklaw kung tutuusin.
● Makahikayat ng tao, pangkat, o komunidad na
magsagawa ng mga partikular at tiyak na
hakbang kaugnay ng isang isyu.
77
POSISYONG PAPEL: LAYUNIN

● Makapagpaunawa o makapagpalaganap
ng mga salaysay ng paliwanag ng
pinaninindigang pananaw ng isang tao o
pangkat kaugnay sa isang paksa o isyu.
● Makakalap ang tagapagpahayag ng
suporta mula sa mga target nitong
mambabasa.
88
ANO-ANONG ISYU SA
KASALUKUYANG PANAHON
ANG PINANINIWALAAN MONG
MAHALAGANG PAKSAIN NG
POSISYONG PAPEL?

9
GAMIT NG POSISYONG PAPEL

● Pormal na naratibo o talastas, sa anyong


pasulat upang magbigay-linaw hinggil sa
isang isyu
● Diplomatikong paglalahad ng mga ideya
—mula sa mga taong sangkot o may
pagpapahalaga sa usaping isinasaad ng
posisyong papel
10
10
GAMIT NG POSISYONG PAPEL

● Sandatang salaysay ng isang pangkat


upang makapagpaliwanag, makapaglinaw,
o makausig ng kinauukulan sa paraang
hindi marahas ngunit matalas

11
11
GAMIT NG POSISYONG PAPEL

● Katipunan ng mga pagpapahalaga,


salaysay, mungkahi, kuro-kuro, at/o
pananaw hinggil sa isang tiyak na isyu, nang
may respeto, dignidad, at paninindigan
upang maging isang huwarang paraan ng
pagpapabatid ng opinyon
12
12
Mahahalagang sangkap sa pagsulat ng isang
posisyong papel ang paksa o isyu, posisyong
pinaninindigan, mga argumento, mga
suportang ideya, at mga kaukulang katibayan.

13
13
PAANO KAYA MAAARING
GAMITIN ANG POSISYONG
PAPEL UPANG MABIGYANG-
BOSES ANG MGA MAG-AARAL
HINGGIL SA IBA’T IBANG
POLISIYANG IPINATUTUPAD SA
PAARALAN?
14
MGA KATANGIAN NG ISANG POSISYONG PAPEL

● Tiyak ang isyu.


● Malinaw ang posisyon.
● May mapangumbinsing argumento.
● May angkop na tono.

15
15
TIYAK ANG ISYU

Kailangan ng isang tiyak na isyung iikutan ng


talakayan at paglalahad sa loob ng isang
posisyong papel. Nabibilang dito ang mga
isyung pambansa, pandaigdigan, o anumang
may epekto sa maraming kasapi ng isang
pamayanan sa pangkalahatan.
16
16
MALINAW ANG POSISYON

Malinaw ang posisyon sa isyu kung may tiyak


na inaayunang panig gayundin ang
pinahihindian kaugnay ng paksang-isyu.
Mariing tinututulan ang hindi pagpanig sa
magkasalungat na posisyon sapagkat
napawawalang-bisa nito ang katuturan ng
pagsulat ng posisyong papel.
17
17
MAY MAPANGUMBINSING ARGUMENTO

Isa-isang tinutukoy ang mga konseptong


napapaloob sa paksa at nilalakipan ang mga
ito ng patunay bilang suporta sa
pinaninindigang posisyon at masinsing
ipinaliliwanag para mapagtibay ang panig.
Bahagi rito ang pagpapahina at
pagpapabulaan ng kasalungat na pananaw.
18
18
MAY ANGKOP NA TONO

Isang hamon ang pagpili ng tono ng


pananalita at paraan ng paglalahad na
gagamitin ng manunulat. Bagama't
nangungusap at nangangatwiran,
kinakailangang bukas ang sulatin sa mga
puna, pagsalungat, tunggalian, at mungkahi.
19
19
BATAYAN NG ISANG MAPANGUMBINSING
POSISYONG PAPEL ANG PAGKAKAROON NG
MATALINONG KATWIRAN, MATIBAY NA EBIDENSIYA,
AT KONTRA-ARGUMENTO.

20
PAANO MAAARING TINGNAN ANG ISANG
POSISYONG PAPEL BILANG ISANG PARAAN NG
DEBATENG NASA ANYO NG PANULAT?

21
GUMAMIT NG EBIDENSIYANG IBINUNGA NG PAG-
AARAL TULAD NG ESTADISTIKA AT MGA PANGYAYARI
SA KASAYSAYAN.
PAG-ARALANG MABUTI ANG PAREHONG MGA
KALAKASAN AT KAHINAAN NG SARILING POSISYON.

23
MAGSURI NG MGA POSIBLENG KALUTASAN SA ISYU
AT MAGMUNGKAHI NG MGA KAUGNAY AT TIYAK NA
AKSIYON.
GAWIN NATIN #2

Gamit ang concept map, magbigay ng mga


dapat isaalang –alang sa pagbuo ng isang
posisyong papel.

PANSININ TUKLASIN SURIIN 25


POSISYONG PAPEL
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
POSISYONG PAPEL
Ang pagsulat ay isang
kasanayan, larang, o
kaya’y gawaing
nahuhubog at
napagyayaman ng
mga kaugnay na
larangan.

PANSININ TUKLASIN SURIIN 28


Ano-anong
sangkap ng
sulatin ang inyo
nang napuna sa
posisyong papel?

PANSININ TUKLASIN SURIIN 29


Ano-anong partikular na kasanayan sa
pagsulat ang maaari mong magamit sa
pagsulat ng isang posisyong papel?

PANSININ TUKLASIN SURIIN 30


Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1.Pumili ng paksa.
2.Itakda ang posisyong paninindigan
kaugnay ng paksa.
3.Magsagawa ng panimulang
pananaliksik.
4.Hamunin ang sariling posisyon sa
isyu.TUKLASIN
PANSININ SURIIN 31
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

5. Ipagpatuloy ang pananaliksik.


6. Gumawa ng balangkas.
7. Isulat nang aktuwal ang posisyong
papel.
8. Isaayos ang unang burador para sa pinal
na kopya.
PANSININ TUKLASIN SURIIN 32
● Tiyaking may partikular na kaisipang
isinasaad ang bawat talata, na
nasususugan ng ebidensiya.
● Gumamit ng payak na pangungusap at
walang ligoy na pahayag.

PANSININ TUKLASIN SURIIN 33


●Huwag magsawang balikan ang
isinulat para sa pagsasaayos at
pagpapaunlad ng nilalaman.
●Kilalanin ang mga sangguniang
ginamit sa sulating inilahad.
PANSININ TUKLASIN SURIIN 34
● Paano maaaring magamit ang
posisyong papel bilang isang
larang at/o instrumento upang
mahubog ang isang taong may
paninindigan sa mga isyung
panlipunan?

PANSININ TUKLASIN SURIIN 35


Balangkas ng Posisyong Papel

●Panimula
●Ang katawan
●Pangwakas
PANSININ TUKLASIN SURIIN 36
PANIMULA

Ito ang bahaging ipinakikilala ang


isyu at inilalatag ang posisyong
pinananigan ng manunulat.

PANSININ TUKLASIN SURIIN 37


ANG KATAWAN

Ito ang bahaging naglalaman ng maraming talata.


Naglalahad ang bawat talata ng pangunahing
kaisipang maglilinaw sa mga ipinupuntong
kaisipan, at sinusuportahan ng mga impormasyong
makatotohanan at may katibayan. Tinatalakay rin
ang magkasalungat na posisyong nakaugnay sa
paksang-isyu.
PANSININ TUKLASIN SURIIN 38
Sa sariling pamantayan at kaparaanan ng
pagsulat, paano mo kaya itatakda ang uri
ng balangkas na gagamitin sa pagsulat ng
isang aktuwal na posisyong papel?

PANSININ TUKLASIN SURIIN 39


Ang argumentatibong sanaysay ay
isang sulating naglalahad ng sariling
pagkukuro hinggil sa isang isyu, na
maaaring nasusuportahan ng mga pag-
aaral kahit mas madalas na hindi kundi
lohika at pakikipag-ugnayang
emosyonal.
PANSININ TUKLASIN SURIIN 40
Ang posisyong papel ay inilalahad sa paraang
nasusuportahan ang pananaw ng manunulat ng mga
katotohanang ibinunga ng mga pag-aaral at
pananaliksik at ebidensiyang katanggap-tanggap
para sa karamihan, at napagtitibay ang wakas sa
pamamagitan ng mabisang pagsisintesis at
pagbibigay ng mga mungkahing aksiyon at
solusyong halaw pa rin sa mga pag-aaral.

PANSININ TUKLASIN SURIIN 41


GAWAIN 3
Magbigay ng 5 isyung pangkasalukuyan na
may kaugnayan sa mga mag-aaral o
estudyante. Magbigay ng sariling pananaw
kaugnay sa isyung iyong ibinigay. Binubuo
lamang ng 3 pangungusap kada isyu .
Gawin sa isang buong papel. Ipapasa
bukas!!!

PANSININ TUKLASIN SURIIN 42

You might also like