You are on page 1of 40

LESSON 9:

POSISYO
NG PAPEL
MGA LAYUNIN:
● Mabigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na
may kaugnayan sa pagsulat ng posisyong papel;
● Matukoy ang mga katangian ng posisyong papel;
● Matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel;
at
● Makasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang
posisyong papel.
Ano ang
Posisyong
Papel?
SLIDESMANIA
Ang posisyong papel ay
isang sanaysay na
naglalahad ng mga opinyon
tungkol sa partikular na
paksa o usapin.
Ang posisyong papel ay
naglalahad ng paninindigan
hinggil sa isang problema o
isyu.
Dito, kailangan
pumosisyon sa isang
panig.
Ipinapaliwanag ng posisyong
papel kung bakit mali ang
kabilang panig at kung ano ang
magiging ganansya sa pagpanig
sa posisyon ng sumulat ng
posisyong papel.
HALIMBAWA:
Naniniwala kang nakagagamot ang
marijuana, kaya isinusulong mo ang
paggamit nito sa medisina
Pro-choice ka kaya pabor ka sa
aborsyon
Anuman ang posisyon, kailangang
magbigay ng malinaw at matatag
na mga argumento at mga
makatuwirang ebidensyang
sumusuporta sa mga ito sa
kabuuan ng papel.
Layunin ng
Posisyong
Papel
SLIDESMANIA
Ang layunin ng posisyong papel
ay kumbinsihin ang mga
mambabasa na may saysay at
bisa ang mga argumentong
inihain sa kanila.
Halaga ng
Posisyong
Papel
SLIDESMANIA
Mahalaga ang posisyong papel
sapagkat sa ating lipunan, may
mga problema o isyung dapat
na tugunan ng marami.
Sa pamamagitan ng pagsulat ng
posisyong papel, naidedetalye ang
halaga ng isang posisyon upang
makapagpasya ang mga wala pang
alam o matibay na kaalaman ukol sa
isyu lalo na at apektado ang marami sa
mga isyung ito
Sa pamamagitan ng pagpapakalat ng
mga pampublikong posisyong papel,
nagkakaroon ng linaw ang mga
malabong usaping panlipunan, na
may sapat na ebidensya mula sa
ginawang pananaliksik.
Haba ng
Posisyong
Papel
SLIDESMANIA
Karaniwang may 500 –
700 na mga salita ang
isang posisyong papel.
Estruktura ng
Posisyong
Papel
SLIDESMANIA
Sa umpisa pa lamang ay dapat
nang malinaw ang tesis ng
papel. Unahin ang
pinakasimpleng dahilan
hanggang sa pinakamabigat na
dahilan o vice-versa.
KATANGIAN
NG
POSISYONG
PAPEL
SLIDESMANIA
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Naglalarawan ng posisyon sa
isang partikular na isyu at
ipinapaliwanag ang basehan sa
likod nito.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
 Nakabatay sa fact (estadistika, petsa,
mga pangyayari) na nagbibigay ng
matibay na pundasyon sa mga
inilalatag na argumento.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Hindi gumagamit ng mga personal
na atake upang siraan ang
kabilang panig.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Gumagamit ng mga sangguniang
mapagkakatiwalaan at may
awtoridad.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Sinusuri ng manunulat ang mga
kalakasan at kahinaan ng sariling
posisyon, maging ang sa kabilang
panig.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Pinaglilimianng manunulat ang
lahat ng maaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring
gawin upang matamo ang layunin.
MGA KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Gumamit ng akademikong
lengguwahe.
PAGSULAT NG
POSISYONG
PAPEL
SLIDESMANIA
PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
1) Bago magsulat ng posisyong papel,
kailangan munang tukuyin ang isyu
o paksang magiging tuon ng papel.
2) Kapag malinaw na ang paksa,
magpasiya kung ano ang magiging
PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
3) Simulan ang katawan ng posisyong
papel sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga argumento ng
kabilang panig at pagbibigay ng mga
impormasyong sumusuporta sa mga
PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
4) Pagkatapos, pahinain ang mga
argumentong ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
mga ebidensyang sumasalungat
sa mga ito.
PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
5) Ang susunod na bahagi ay ang laman
ng posisyong papel:
a) Ilatang ang unang argumento
b) Ilatang ang pangalawang argumento
c) Ilatang ang pangatlong argumento

Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinion at


PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
6) Isaalang-alang ang mga
mambabasa. Ang pagbuo ng
matibay na argumento ay
nakasalalay sa pagkilala kung
sino ang mambabasa.
PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
7) Sa konklusyon, muling ilahad ang mga
pangunahing argumento at patatagin
ang introduksyon. Hindi kailangang
magbigay pa ng bagong impormasyon.
Magmungkahi ka rin ng mga solusyon
sa nakikitang problema.
MGA DAPAT
TANDAAN
SLIDESMANIA
Kailangan isaalang-alang
ang etika sa bubuuing
posisyong papel.
Iwasan ang pag-atake sa katauhan
ng sinumang may salungat na
opinyon. Ang ganitong pag-atake
ay tanda ng kawalan ng respeto at
pagkakaroon ng mahinang
argumento.
Maghain ng argumentong
sinusuportahan ng mga
ebidensya at iwasang
baluktutin ang mga
impormasyon.
Sa kalahating papel (crosswise), sagutin ang mga tanong
GAWAIN: sa ibaba.

1) Bilang estudyante, ano ang nakikita mong kahalagahan


ng pagsulat ng posisyong papel?
2) Kung ikaw ay pagsusulatin ng iyong guro ng posisyong
papel at malaya kang mamili kung ano ang isyu,
tungkol saan ito at bakit?
3) Ano ang posisyon mo sa napiling usapin?
4) Paano mo hihikayatin ang iba na pumanig sa iyong
SLIDESMANIA

posisyon?

You might also like