You are on page 1of 12

POSISYONG PAPEL

 Sulatin na nagpapahayag ng tiyak na


paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng katwiran o ebidensya
para suportahan ang paninindigan.
 Mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at
mga katuwirang kataliwas o katunggaling panig.

 Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel.

 Isa hanggang dalawang pahina lamang upang


mas madali itong mabasa at maintindihan ng
mambabasa at mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posiyong papel.
Ayon kay Jocson, et. Al, sa kanilang
aklat sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
pananaliksik (2005) ang pangangatwiran
ay tinatawag na pakikipagtalo o
argumentasyon na maaring maiugnay sa
mga sumusunod na paliwanag:
-Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga
dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami.
-Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil
sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan.
-Ito ay isang paraang ginagamit upang
mabigyang katarungan ang mga opinion at
maipahayag ang opinyong ito sa iba.
Mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang
pangangatwiran:
 Alamin at unawain ng paksang ipagmatuwid.
 Dapat maliwanag at tiyak na pagmamatuwid.
 Sapat na katuwiran at katibayang
makapagpapatunay.
 Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan
at katuwiran upang makapanghiyat.
 Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at
bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang
ilalahad.
 Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad
na katwiran.
 Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular
na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod
nito.
 Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga
pangyayari) na nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
 Hindi gumagamit ng mga personal na atake
upang siraan ang kabilang argumento
Mga katangian ng posisyong papel

 Hindi gumagamit ng mga sangguniang


mapagkakatiwalaan at may awtoridad.
 Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at
kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa
kabilang panig..
 Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng
maaring solusyon at nagmumungkahi ng mga
maaring gawin upang matamo ang layunin.

 Gumagamit ng akademikong lenggwahe.


Mga mungkahiing hakbang sa pagsukat ng
posisyong papel

 Tiyakin ang paksa


 Gumawa ng panimulang saliksik
 Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran.
 Gumawa ng mas malalim na saliksik.
 Bumuo ng balangkas.
Mga mungkahiing gabay sa pagsulat ng posisyong papel
1. Mga maaring gamiting huwaran sa pagbuo ng balangkas ;
2. Introduksiyon
3. Mga tuwiran ng kabilang panig
4. Mga sariling katuwiran
5. Mga pansuporta sa sariling katuwiran
6. Huling paliwanag kung bakit ang napiling paninindigan
ang dapat
7. Muling pagpapahayag ng paninindigan at/o mungkahing
pagkilos.
8. Sulatin ang posisyong papel
9. Ibahagi ang posisyong papel.
Maraming Salamat po

You might also like