You are on page 1of 28

Modyul 7

Pagsulat ng
posisyong
papel
Ang pagsulat ng posisyong
papel ay isang paraan upang
ipahayag ang paninindigan.
Ang isang posisyong papel ay isang
salaysay na naglalahad ng kuro-kuro
hinggil sa isang paksa at karaniwang
isinulat ng may akda o ng nakatukoy
na entidad, gaya ng isang partido
pulitikal.
Nilalathala ang mga
posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa
batas, at iba pang dominyo.
Ito rin ay naglalayong maipaglaban kung
ano ang alam mong tama. Ito ay
nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap
ng karamihan. Ito ay nararapat na maging
pormal at organisado ang pagkakasunod-
sunod ng ideya.
Mahalagang ideya

Isa sa mahahalaga at
kahanga-hangang katangian
ng tao ang pagkakaroon ng
matatag na paninindigan.
Ano ang posisyong
papel?
Ang posisyong papel ay
sanaysay na naglalahad ng
mga opinion tungkol sa
partikular na paksa o usapin.
Ang layunin ng posisyong papel ay
kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain
sa kanila. Sa lohika, ang argumento ay
pahayag na ginagamit upang manghikayat at
mang-impluwensiya ng iba o upang
ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa
isang posisyon.
Ang posisyong papel ay maaaring nasa
simpleng anyo ng liham sa editor o kaya
naman ay sanaysay. Maaari din namang mas
masalimuot (complex) ang anyo nito, tulad
ng akademikong posisyong papel o opisyal
na pahayag na binabasa sa mga
pandaigdigang kumperensiya.
Mahalagang ideya

Isa rin sa layunin ng posisyong


papel ay maglahad ng mga
argumentongmakaiimpluwensia
sa pananaw o paniniwala ng mga
mambabasa.
Mga katangian ng
posisyong papel
Naglalarawan ng posisyon
sa isang partikular na isyu
at ipinapaliwanag ang
basehan sa likod nito.
Nakabatay sa fact (estadistika,
petsa, mga pangyayari) na
nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilalatag
naargumento.
Hindi gumagamit ng mga
personal na atake upang sirain ang
kabilang panig.
Gumagamit ng mga sangguniang
mapagkakatiwalaan at may
awtoridad.
Sinusuri ng mga manunulat ang mga
kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon
maging ang sa kabilang panig.
Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng
maaaring solusyon at nagmumungkahi ng
mga maaaring gawin upang matamo ang
layunin
Gumagamit ng
akademikong
lengguwahe
Mahalagang ideya

Saposisyong papel, gumagamit ng


mga makatotohang ebidensya,
hindi personal na atake, upang
pahinain ang mga argumento ng
kabilang panig.
Pagsulat ng posisyong
papel
Bago magsulat ng posisyong
papel, kailangan munang
tukuyin ang isyu o paksang
magiging tuon ng papel.
Simulan ang katawan ng posisyong papel
sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga
argumento ng kabilang panig at
pagbibigay ng mga impormasyong
sumusuporta sa mga pahayag ng mga
ebidensiyang sumasalungat sa mga ito.
Laman ng posisyong
papel
Ilahad ang matalino at pinag-
isipang opinion
Ilatag ang tatlo o higit pang
suporta o ebidensya
Ang pagbuo ng matibay na
argumento ay nakasalalay sa
pagkilala kung sino ang
mambabasa.
Sa kongklusyon, muling ilahad ang
mga pangunahing argumento at
patatagin ang introduksiyon at katawan
ng papel. Sa bahagi ding ito,
magmugkahi ka ng mga solusyon sa
nakikitang problema.
Kailangan ding isaalang-alang ang etika sa
bubuuing papel. Iwasan ang pag-atake sa
katauhan ng sinumang may salungat na opinion.
Maging lohikal at magtuon lamang sa isyu.
Maghain ng mga argumentong sinusuportahan
ng mga ebidensiya at iwasang baluktutin ang
mga impormasyon.
Sa pagsulat ng posisyong
papel, kailangan kilalanin
kung sino ang tagapakinig
upang mapag-isipan ang
argumentong ilalahad.
Wakas!

You might also like