You are on page 1of 11

POSISYONG PAPEL LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

Ito ay sulating naglalaman ng mga pinaninindigang palagay o saloobin patungkol sa  Makapaghayag ng mga kuru-kuro o paniniwala at rekomendasyon gamit ang mga
mahalagang isyung kinakaharap ng iba’t ibang larangan lalo na ang akademyia, politika, at iba batayang ebidensyang totoo.
pang dominyon. Karaniwang isinusulat ang posisyong papel sa paraang pagpapahayag na  Mamulat ang mambabasa sa maargumentong isyu na inihain ng manunulat o mga
maaring pinaghalo -halong paglalahad, panghihimok, pangangatuwiran, at maargumentong manunulat.
ideya.  Mahikayat ang isang tao, grupo o komunidad hinggil sa isang isyu.
 Upang maintindihan ang pinaninindigan ng isang tao o organisasyon.
Sa akademya, binubuksan pagkakataong talakayin ang mga isyung hindi dumaan sa
eksperimentasyon ngunit may mga inilatag itong mga ebidensya at mga kuru-kuro. Ang Mga Dapat na Isinsasaalang-alang sa Pagbuo ng isang Posisyong Papel (Xavier
Ipinalalawak nito ang talakayan ukol sa isang paksa nang obhektibo. University Library, 2014)

Sa pulitika naman, hindi maitatangging napakalaki ng pakinabang ng posisyong papel sa iba’t 1. Gumamit ng mga ebidensiya sa pagsuporta ng iyong posisyon tulad ng mga
ibang aspekto na may kinalaman sa pamahalaan. Sapagkat ang konteksto nito ay tumatalakay pangyayari, istatistikal, petsa at iba pa.
sa mahalagang pag-unawa ng mga opinyong magbibigay ng solusyon, mungkahi at mga tiyak 2. Alamin kung ang mga pinagkunan ng mga ebidensya ay tunay na kinikilala.
na mga opinyon para sa mabisang pagpapatupad nito. 3. Alamin ang mga kalakasan at kahinaan ng puntong iyong pinaninindigan.
4. Alamin ang mga posibleng solusyon o suhestiyon na maaaring gawin dito
Sa batas kapag may mga paksang dapat talakayin at mga isyung hindi nasang-ayunan. Ang
posisyong papel sa larangang ito ay tinatawag na aide memoire. Balangkas ng Posisyong Papel (Xavier University, 2014)

KAHALAGAHAN NG POSISYONG PAPEL  Introdruksyon


o Pagkilala sa isyu
 Komunikatibong pormal na pasulat na magbibigay linaw mula sa isang pangkat o o Proposisyon ukol sa paksa
organisayon.
 Pagkakaroon ng pormal at diplomatikong paglalahad ng mga ideya ng mga taong Sa bahaging ito ay dapat na malinaw na ipinakikilala ang isyu at inilalahad ng isang manunulat
sangkot o may pagpapahalaga. ang kaniyang ideya at saloobin ukol sa paksang dapat talakayin.
 Pagkakataon ng isang organisasyong makapagpaliwanag sa paraang di
 Ang Katawan
nangangailangan ng karahasan.
o Paglalahad ng ilang impormasyon ukol sa paksa
 Pagpapakita ng mga pagpapahalaga nang may respeto, dignidad at paninindigan
o Sumusuportang mga ebidensya o mga katotohanan
upang maging halimbawa o modelo ng mabuting pag-uugali pagdating sa
o Pagtalakay sa magkabilang panig ng isyu
pagbibigay ng opinion

KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL Ang katawan ng posisyong papel ay dapat na naglalaman ng maraming talata. At bawat talata
ay maglalahad ng pangunahing kaisipan na maglilinaw sa bawat bahagi ng pinupuntong
 Nabubuo mula sa pinakapayak gaya ng liham sa patnugot (letter to the editor) kaisipan at sinusuportahan ng mga impormasyong may katotohanan at mga ebidensya. Ang
hanggang sa pinakakomplikadong akademikong posisyong papel (academic position mga ebidensya ay maaaring makuha sa mga kilala at mga taong may kredibilidad, panayam
paper). sa mga eksperto, batay sa pag-aaral o estadistika, panahon at mga pangyayari. Ang paraan ng
 Naglalaman ng mga maiinam na mga konteksto para sa mas malinaw na paglalahad ay pa-induktibo. Mula sa pinakapangunahing ideya hanggang sa maliliit na
detalyadong impormasyon. ideyang susuporta rito. Ang bahagi na ito ay maaaring magsimula sa ilang impormasyon ukol
 Ang nilalaman ay may ipinararating na punto gamit ang mga ebidensya. sa isyu at pagtalakay sa magkaibang proposisyon.
 Maargumento ang nilalaman at paninindigan ngunit may paggalang sa kasalungat
na pananaw.
 May bahaging subhetibo ang ganitong sulatin sapagkat naglalabas ito ng saloobin
 Kongklusyon
o Suhestiyon na maaaring gawing aksyon
o Posibleng solusyon

Sa kongklusyon dapat ibuod ang pinakakonsepto, mga ideya at mga dapat gawin nang hindi
inuulit ang introduksyon o ang katawan ng posisyong papel. Maaaring ito ay mga suhestiyon
at mga posibleng solusyon ukol sa isyu. Maaari rin naman ang balangkas na ganito:

(Petsa)

(Pangalan ng pagbibigyan ng posisyong papel)

(Katungkulan ng taong iyon)

(Adres ng tanggapan)

(Lugar ng opisina)

(Panimulang bati)

 Introdruksyon
o Pagkilala sa isyu
o Proposisyon ukol sa paksa

 Ang Katawan
o Paglalahad ng ilang impormasyon ukol sa paksa
o Sumusuportang mga ebidensya o mga katotohanan
o Pagtalakay sa magkabilang panig ng isyu

 Kongklusyon
o Suhestiyon na maaaring gawing aksyon
o Posibleng solusyon

(Bating pangwakas)

(Tao o mga taong nagsulat at nagpatibay ng kanilang mga proposisyon kasama ang mga
lagda)
REPLEKTIBONG SANAYSAY 2. Katawan

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na
damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking
Sa pagsulat ng mga sulating pang-akademiko ay kailangang may kaalaman sa katangiang bahagi ng sanaysay,obserbasyon, realisasyon at natutunan. Ipimaliliwanag din ditto kung
taglay ng mga ito upang makabuo nang may tiyak na kaugnayan sa sulatin o paksa. anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Paraan ng Pagsulat ng Katawan

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari o  Pakronolohikal- nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
karanasan na hindi na nangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay  Paangulo- pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa.
sa mga puntong nilalaman nito na karaniwang nagmula sa karanasan ng manunulat o  Paghahambing- pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang
pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte, 1997) paksa.
 Papayak o pasalimuot- nakaayos sa paraanaang simple hanggang kumplikado at
Mga Katangian ng Replektibong Sanaysay
vice versa.
 Personal ang replektibong sanaysay
1. Kongklusyon- dito inilabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang
 Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa paglalarawan o
pangyayari o isyu. Ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at
paglalahad ng kuwento
kaalaman para sa lahat.
 Sa pagsulat ng akademikong repleksibong papel, mahalagang gumamit ng
deskriptibong wika Katangian ng Akademikong Pagsusulat

Bahagi ng Replektibong Sanaysay 1. Kompleks 6. Wasto 11. Lohikal na organisasyon


2. Pormal 7. Responsible 12. Matibay na suporta
1. Panimula 3. Tumpak 8. Malinaw na layunin 13. Malinaw at kompletong eksplanasyon
4. Obhetibo 9. Malinaw na pananaw 14. Epektibong pananaliksik
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring
5. Eksplisit 10. May pokus 15. Iskolarling istilo sa pagsulat
ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-
panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa mambabasa.
1. Kompleks-mas kompleks kaysa sa pasalitang wika,mas mayaman sa leksikon at
Paraan ng Pagsulat ng Panimula
bokabularyo,kompleksidad ng gramatika.
 Pasaklaw na pahayag- inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa
2. Pormal-hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.
mga maliliit na detalye
 Tanong na Retorikal- isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang 3. Tumpak-sa pagsulat,ang mga datos tulad ng fact and figures ay inilalahad nang walang
sagot sa sanaysay at para isipin niya. labis o kulang
 Paglalarawan- pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa.
 Sipi- isang kopya o copy galing sa ibang mga litaraturang gawa gaya ng libro, 4. Obhetibo-hindi personal.ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang
artikulo, at iba pang sanaysay mga argumentong nais gawin ,sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
 Makatawag Pansing Pangungusap- isang pangungusap na makakakuha ng atensyon
5. Eksplisit-responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang
ng nagbabasa.
iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.gumagamit ng “signaling words"
 Kasabihan- isang kasabihan makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong
sanaysay. 6. Wasto- gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat
 Salaysay- isang explanasyon ang iyong sanaysay nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat.
7. Responsible- ang manunulat ay kailangang maging responsible lalong –lalo na sa
paglalahad ng mga ebidensya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
Responsible sa hanguan impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang ng isang
playgyarista. Ang Replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksang
8. Malinaw na layunin- ang layunin ng akademikong pagsukat ay matugunan ang mga tanong maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makakabasa nito.
kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nagbigay layunin. Tatlong Bahagi ng Sanaysay
9. Malinaw na pananaw- akademikong pagsulat ay di lamang listahan ng mga katotohanan o  Panimula
facts at pag lalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay naglalahad ng ideya at - ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng
saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pagiisip “punto de atensyon ng bunabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay.
bista” ng manunulat.

10. May pokus- bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na  Katawan
pahayag kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at - dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag.
taliwas na impormasyon.
 Wakas/Kongklusyon
11. Lohikal na organisasyon- akademikong pagsulat ay may sinusunod na standard na - May mga katangian ding dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng kahit anomang
organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, sulating akademiko
katawan at konklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugay sa kasunod na talata.

12. Matibay na suporta- ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at ugnay na
suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito sa maaaring
kapalooban ng facts, figures, halimbawa diskripsyon, karanasan, opinion, ng mga eksperto at
siniping pahayag o quotations.

13. Malinaw at kompletong eksplanasyon- bilang manunulat, kailangang matulungan ang


mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang
kung magiging malinaw at kompleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

14. Epektibong pananaliksik- kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at


akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napapahalaga ng pananaliksik sa akademikong
pagsulat. Mahalagang maipamalas ang intelekwal na katapatan sa pamamagitan ng
dukumentasyon ng ay datos. Ang dokumentasyon iminumungkahe gamit ang istilo A. P. A.

15. Iskolarling istilo sa pagsulat- sinisikap ditto ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding
maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya’t napapahalaan na maiwasan
ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas, at bokabularyo. Pag nag kamali ay
nag papahiwatig ng kawalan ng pag iiingat o kakulangan sa kaalaman ng wika.
ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o
paksa. - Paquito Badayos, Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001:111)

Ang Sining ng Paglalahad

Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, ALEJANDRO ABADILLA
pook, o ideya - UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010) Ang salitang sanasay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Ito'y ay isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad na ang
"Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing. Ito ay hindi nagsasalaysay ng pangunahing katangian ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw.
kuwento, hindi naglalarawan ng isang bagay, at hindi rin nagpapahayag ng isang panindigan. Ipinahahayag niya ang sarili niyang pangmalas, kuro-kuro, at damdamin. Ang pagiging
Bagkus, ito ay nagpapaliwanag, isang pagpapaliwanag ng obhetibo, walang pagkampi, at may malinaw, mabisa, at kawili-wiling paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod
sapat na detalyeng pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang sa mga tuntunin ng kaisahan, kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na
lubos na maunawaan ng may interes. – Jose Arrogante, Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda.
Kakayahan at Kasanayan sa Komunikasyon (2000:217)

MGA PANGKALAHATANG URI NG SANAYSAY

Mga Sangkap o Elemento na dapat taglayin upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad: Ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Ito'y ay isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad na ang
1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay pangunahing katangian ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw.
Ipinahahayag niya ang sarili niyang pangmalas, kuro- kuro, at damdamin. Ang pagiging
2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
malinaw, mabisa, at kawili- wiling paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag sa mga tuntunin ng kaisahan, kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na
pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda.
4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali ang pag-unawa sa
ipinaliliwanag MGA NATATANGING URI NG SANAYSAY

5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao 1. Nagsasalaysay 7. Editoryal


2. Naglalarawan 8. Makasiyentipiko
-Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP, Manila) 3. Mapag-isip o Di praktikal 9. Sosyo-politikal
4. Kritikal o Mapanuri 10. Sanaysay na Pangkalikasan
5. Didaktiko o Nangangaral 11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
6. Nagpapaalala 12. Mapagdili-dili o Replektibo
SANAYSAY

Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay
Karaniwang nahahati ang kabuuan ng sanaysay sa tatlong bahagi:
"sumubok" o "tangkilikin". Mga taong unang nagpayabong at gumamit ng sanaysay:
1. Panimula- Dapat nakakatawag ng pansin o nakpupukaw sa damdamin ng mga
 Michael de Montaigne (1533-92)
mambabasa.
 Confucius - Analects
 Lao-Tzu - Tao Te Ching 2. Katawan- Ang pinka nilalaman ng akda. Kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at
 Yushida Kenko - “Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye nito.
Katamaran”
Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at 3. Wakas- Dito nababasa ang pangkalahatang impresiyon ng may- akda. Maaaring ilahad sa
komentaryo sa buhay. - Francis Bacon bahaging ito ang buod o kongklusyon ng sumulat.

Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan at mga


personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. Sa madaling salita, ito
REPLEKTIBONG SANAYSAY MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

- Michael Stratford  Tiyak na paksa o tesis.


 Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
 Ang replektibong sanaysay ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman  Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan
sa introspeksiyon na pagsasanaysay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga o katotohanang nabasa.
bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at  Gumamit ng mga pormal na salita.
kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito. Ito ay kadalasang  Gumamit ng tekstong naglalahad. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang
nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao gagawing pagpapaliwanag.
ng sumulat.  Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay.
Ayon kay Kori Morgan, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng  Gawing lohikal at organisado ang pagkaksulat ng mga talata.
isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
mambabasa ang kalaksan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o
nakuha. Sa pagsulat ng simula, maaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod na tanong:

 Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?


 Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
Kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapili ng paksa o pangyayaring  Bakit hindi ito makaaapekto sa aking pagkatao?
bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.  Sagutin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong
Narito ang halimbawa ng mga paksang maaring gawan ng replektibong sanaysay: magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan. Ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon
ng mga mambabasa. Maaring gumamit ng kilalalang pahayag mula sa isang kilalang
1. Librong katatapos lamang basahin. tao o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa.
 Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na
2. Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik. siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng buong sanaysay. Isulat ito sa loob
3. Pagsali sa isang pansibikong gawain. lamang ng isang talata.

4. Praktikum tungkol sa isang kurso.


 Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na
5. Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Maglagay sa bahaging ito
ng mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan. upang higit na
6. Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea.
mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
7. Paglutas sa isang mabigat na suliranin.  Makatutulong ng malaki kung gagamit din ng mga mapagkakatiwalaang mga
sanggunian bilang karagdagang datos na mapagpapaliwanag sa paksa.
8. Isang natatanging karanansan bilang isang mag-aaral.  Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga
natutuhan.
9. At marami pang iba....
 Gayundin, kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga karanasan o mga
gintong aral na napulot. Magbigay rin nga mga patotoo kung paano nakatulong ang
mga karanasang ito sa iyo.
 Sa pagsulat ng wakas o kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing
paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas,
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa
kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na
maari nilang pag isipan.
 Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa
isang paksang maaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga
taong makababasa sa ito. Sa susunod na presentasyon ay ang halimbawa ng isang
replektibong sanaysay.
LAKBAY-SANAYSAY MGA GABAY SA PAGSUSULAT NG LAKBAY SANAYSAY

Ang pagsulat ng anomang sulating akademiko gaya ng lakbay-sanaysay ay nangangailangan 1. Hindi kailangan pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng
ng pag-iisip na maaaring nakapokus sa maging nilalaman, organisasyon , pananaw o punto de paksang isusulat
bista, paggamit ng wastong bokabularyo at pagbuo ng pangungusap. 2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang
3. Ipakita ang kwentong buhay ng tao
Ito ay mga elementong kinakailangang nakikita sa mga napapanood na programang kagaya 4. Huwag magpakupot sa normal na atraksyon at pasyalan
ng pampaglalakbay. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Biyahe ni Drew, G Diaries at iba pa. 5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan
6. Alamin ang mga natatangin sa lugar
LAKBAY-SANAYSAY
7. Bisitahin ang maliliit na pook-sambahan na hindi gaanong napupuntahan at isulat
A. Kahulugan ang kapayakan ng pananampalataya rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay
 Ang Lakbay Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue sa Ingles.
 Ayon kay Seneca, “Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng Halimbawa ng Lakbay saynaysay
bagong sigla sa isip”
Kay-inam Mamasyal sa Ating Bayan
B.Travelogue
Naimbitahan kami sa isang kasalan sa Davao upang maging ninong at ninang. Matagal na rin
 Nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar at karanasan naman naming planong pumasyal sa iba’t ibang lugar ditto sa Pilipinas kaya nagpasiya kaming
- dokumentaryo mag-road trip mula Maynila hanggang Davao na dadaan sa Bicolandia at Silangang
- palabas sa telebisyon Kabisayaan at Pagbabalik naman ay dadaan sa Zamboanga, Dumaguete, at Nautical Highway
- Bahagi ng panitikan sa Iloilo at Mindoro.minabuti naming isama ang aming pamangking taga-Bicol para may
- Pelikula magbabantay sa aming anak sa araw ng kasal. Bago ito, kailangan muna naming daluhan ang
isang social obligation. Kaarawan n gaming kaibigan at kumara na idaraos sa Pansol, Laguna.
C.Travel Blogging Shooting two birds with one stone! Dadaan muna kami sa Laguna bago tumuloy papuntang
timog.
Sa pamamagitan ng travel blog, nabibigyanng ideya ang mga manlalakbay tungkol sa lugar na
nais nilang bisitahin. Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

- Itenerayo Ayon kay Dr. Lilia Antonio, may apat napangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay sanaysay
- Iskedyul
- Rebyu  Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat
 Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
Layunin  Maaaring itala ang pansariling kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa
malikhaing pamamaraan
Makapagbigay nang malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon.
Binubuo ito ng tatlong konsepto
PARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGSUSULAT HABANG NAGLALAKBAY (DINTY
MOORE, 2013) - Sanaysay
- Sanay
1. Magsaliksik
- Lakbay
2. Mag-isip nang labas pa sa ordinary
3. Maging isang manunulat
 Mga Travel Blog na itinuturing na libangan at gayundin ay maaaring pagkakitaan
 Ang mga blog na ito ay naglalaman ng mga pagsasalaysay ng mgay-akda ng
kanyang paglalakbay
 Napapaloob dito ang mga karanasan ng isang tao o kaya’y mga alituntunin sa kung
paano gawin ang mga particular na bagay. Samantala, ang isang vlog naman ay
katulad din ng isang blog. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang plataporma at paraan
na kung saan ito ipinapakita sa publiko.
LAKBAY-SANAYSAY
2. UPANG MAIDOKUMENTO ANG KASAYSAYAN, KULTURA, AT HEOGRAPIYA NG LUGAR SA
Tinatawag ding travel essay o travelogue MALIKHAING PARAAN

Ito ay isang uri ng lathaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagiging karanasan  Magandang halimbawa nito ay ang ginawa ni Antonio Pigafetta na tumungo sa
sa paglalakbay Pilipinas kasama ni Magellan. Siya ang nagtala ng mahahalagang datos na kanilang
nakita sa Pilipinas.
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang
 Mga datos patungkol sa hayop, klima, heograpiya at kultura ng sinaunang Pilipino.
terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:
 Gayundin ang pagtatalang ginawa ni Marco Polo sa kanyang librong “The Travels
Sanaysay, Sanay, at Lakbay of Marco”
 Ito ay bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at result ana rin ng kanyang paninirahan
Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakamabisang pormat ng sulatin upang maitala ang sa Tsina sa loob ng 15 taon.
mga naranasan sa paglalakbay
3. UPANG MAKALIKHA NG PATNUBAY PARA SA MGA POSIBLENG MANLALAKBAY
Aniya, nanghihinayang siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa
Europa at marami pang bansa dahil nakaligtaan niya o sadyang binalewala niya ang pagtatala  Sabi nga ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, kung nais mong higit na
makilala ang katangian ng kultura ng bansang iyong pupuntahan, mahalagang
Maaaring naikwento niya ang kanyang mga karanasan ngunit kalaunan ito ay nakakalimutan alamin mo muna ang taglay nitong kasaysayan.

Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop (Abril 2014) ay 4. UPANG MAITALA ANG PANSARILING KASAYSAYAN SA PAGLALAKBAY TULAD NG
kanyang winika sa kanyang mga tagapagkinig na sisikapin niyang isulat ang mga nangyari at ESPIRITWALIDAD, PAGPAPAHILOM O KAYA'Y PAGTUKLAS SA SARILI
kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalad gamit ang
sanaysay  Daily Journal o Diary.
 Ginagawa ito upang maitala ang maging bagay na kanyang nakita, narinig,
Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng taong naranasan at iba pa sa kanyang paglalakbay. Itinatala sa journal ang kanyang mga
nakaranas nito, kaya mahalagang matutunang magkaroon ng paglalakbay na maitatala realisasyon at natutunan sa proseso ng paglalakbay.
at maisusulat upang ito ay manatili at mapakinabangan ng mga taong makakabasa
Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang
naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor. Ang pagtatalang ito ay isang
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et. al. sa Malikhaing Sanaysay (2013) paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

MAYROONG APAT NA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat


2. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing
paraan
3. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
4. Upang maitala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili

1. UPANG ITAGUYOD ANG ISANG LUGAR AT KUMITA SA PAGSUSULAT


 Ito ay maaaring ibatay sa layunin o dahilan ng paglalakbay.
 Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal na paglalakabay.
 Maaari ring gawing paksa ang tunkol sa hayop, halaman, kakatwa, libangan,
kultura, pagkain at iba pa.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA LARAWAN

 Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na  Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang
isaisip ng taong naglalakbay na siya tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista panulat, kwaderno o dyornal at kamera.
kundi isang manlalakbay.  Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali at
 Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay at layunin. iba pa.
 Ang wastong detalye ay nagbibigday ng kredibilidad sa sanaysay.
 Makakatulong rin maglagay ng litrato o larawan. Mahalaga ito para sa wastong
dokumentasyon ng sanaysay.
 Ang isang turista ay karaniwang nagtatakda ng itinerary o talaan ng magagandang  Para sa mgalarawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa
pupuntahan. mambabasa. (Eksaktong lokasyon, maikling deskripsyon o kaya naman maikling
 Ngunit, para sa manlalakbay ay pangalawa nalamang ito. Sinisikap niyang kasaysayan).
maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay,pagkain at maging
uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA NATUTUNAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY

 Mahalaga ring maisama ang mga bagay na natutuhan habang isnasagawa ang
paglalakbay.
SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA  Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi ang gintong
 Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, aral mula sa paglalakbay.
 Maaaring talakayin kung paano nagbago ang buhay o pananaw, paano umunlad
naunawaan at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng
lakbay-sanaysay. ang kanyang pagkatao mula sa karanasan at ano ang mga karagdagang kaalaman
na nakuha.
 Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat ay ang erudisyon o ang
pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa paglalakbay
GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
 Mahalagang taglayin ng magy-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.
 Bukod sa matamang obserbasyon, mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang
Sikaping ang susulating sanaysay ay malinaw, organisasdo, lohikal at malaman.
mga bagay- bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang kahulugan ang
 Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma o matatalinhagang salita upang mas
pangyayari.
maging masining ang pagkakasulat nito.
 Sikaping maisali ang sarili sa bawat bahagi ito ng imersiyon sa paligid. Subukin ang
 Sa pangkalahatan, maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping
iba't ibang karanasan at hamon na maaaring gawin sa lugar.
mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng posetibo at negatibon
karanasan at maging ang kondisyon ng lugar na pinuntahan.
 Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan, kung hindi sa mahahalagang
TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING LAKBAY-SANAYSAY larawang kailangan upang mapagtibay ang sanaysay.
 Mahalagang matukoy ang pokus ng sulatin batay sa human interest.
 Tandaang iba iba-iba ang kinahihiligang paksang maaaring itampok sa paglalakbay
at maging pagsulat ng lakbay-sanaysay.
 Sa pagsulat, laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang
na ang lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahalagang
konsepto:
SANAYSAY
SANAY
LAKBAY

You might also like