You are on page 1of 7

YUGTO, URI, ESTRATEHIYA, AT TEORYA 

 
PAGBASA 
 
"Becoming a Nation of Readers" (Anderson, et.al., 1985) 
Pagbasa - pagbuo ng kahulugan mula sa binasa na teksto.  
 
"New Directions in Statewide Reading Assessment" mula saThe Reading Teacher (Wixon, et.al., 1987) 
- interaksyon ng umiiral na kaalaman, impormasyon mula sa teksto, at konteksto sa pagbabasa.  
 
Schema = Prior Knowledge  
      + 
Content = Impormasyon 
      + 
Objective = Konteksto/Sitwasyon 
 
Unang Hakbang ng Pagkatuto(Alejo, C. et.al) 
Psycholinguistic Guessing Game (Kenneth Goodman) 
Pagtatanong at Pagsagot(Frank Smith) 
Katiyakan ng Katotohan (Curry at Palmunen) 
 
YUGTO NG PAGBASA 
 Bago, Habang, Pagkatapos Pagbasa (Vicki A. Jacobs, Harvard Graduate School of Education) 
 Sikolohiyal = Paraan ng pag-iisip 
 Pisikal = Tao & Lokasyon 
 
YUGTO  GAWAIN 
Bago  Pisikal at sikolohikal na mga paghahanda 
Habang  Pagproseso sa binabasa tungo sa pagkaunawa 
Pagkatapos  Pagtiyak sa pagkaunawa at aplikasyon nito 
URI NG PAGBASA 
 Skimming 
o Mabilisang paraan ng pagkuha ng pangunahing punto o impresyon. 
o S - Surveying 
o Q - Questioning 
o R - Reading 
o R - Review 
o R - Reciting 
o Bibliyograpikal na Anotasyon 
 Buod = pinakamahahalagang impormasyon.  
 
Talaan ng nilalaman  Mga pahina ng aklat 
Nobela  Pahayagan 
Newsfeeds sa Facebook Abstrak ng pananaliksik 
 
 Scanning 
o Pagkuha ng tiyak na impormasyon sa loob ng isang teskto o akda.  
o Halimbawa = diksyonaryo, menu, directory, index, recipe at talaan. 
 
PAGBASA PARA SA PAGAARAL 
 Mabagal, malalim, at paulit-ulit na pagbasa para sa pagkatuto. 
 
MAGAANG PAGBASA 
 Mabilis at paimbabaw na pagbasa upang magpalipas ng oras. 
 
LAYUNIN SA PAGBASA 
 Maghandang Bumasa (Para sa unang yugto: bago) 
o Pamagat 
o Talaan ng Nilalaman 
o Introduksyon 
o Awtor 
 Aktibong Bumasa (Para sa ikalawang yugto: habang) 
o Katanungan 
o Pagkakaunawa 
o Pagproseso 
o Pagsulat 
 Mapanuring Bumasa (Para sa ikalawang yugto: habang) 
o Pagsusuri sa maliliit na detalye 
 Bumasa ng Kritikal (Para sa ikatlong yugto: pagkatapos o post-reading) 
o Ebalwasyon 
o Pagbibigay-puna 
 
KATEGORYA NG MAPANURING PAGBASA 
 Ekstensibong Pagbasa 
o Malawakang pagbasa tulad ng ginagawa ng isang mananaliksik o manunulat 
o Pananaliksik 
 Aklat, Journal at Artikuo 
 Intensibong Pagbasa 
o Masidhi, maingat, at masusing pagbasa upang matiyak ang mga detalye 
o Pananaliksik 
 Kaugnay na pag-aaral, artikulo 
 Nakatuon sa isang babasahin 
 
MGA TEORYA SA PAGBASA AT PAG-UNAWA 
 
Baba- Pataas  Taas - Pababa 
(Bottom - Up)  (Top - Down) 
Sunod-sunod na proseso ng pag-unawa ng mga tunog, Paghihimay-himay ng mag detalye ng akda upang
letra, salita, at kahulugan  maunawan ang kabubuan. 
 
 Teoryang Schema 
o Kaugnayan ng dati nang kaalaman sa bagong impormasyong inihahayin ng tekstong binabasa. 
 Teoryang Interaktibo 
o Koneksyon ng awtor at mambabasa pagdating sa wika at kaisipan sa tekstong insinulat at
binasa.  
 Teoryang Metakognisyon 
o Metakognisyon 
 Pagkakaroon ng kaalaman 
 Maunawaan 
 Makontrol 
 Magamit 
 Mga Salik na Isinasaalang-alang sa Prosesong Metakognisyon 
 Uri at anyo ng teksto 
 Gawain sa pagbasa 
 Estratehiya sa pagbasa 
 Katangian ng mambabasa 
Pagbasa at Pagsuri ng Iba't Ibang Teksto 
 Impormatibo 
 Naratibo 
 Desckriptibo 
 Persuweysib 
 Prosidyural 
 
Hulwaran at Organisasyon ng Mga Tekstong Ekspositori 
 Depenisyon 
o Pagpapaliwanag ng isang salita, termino, paksa o konsepto. 
o Pagsasaalang-alang ng mga denotibo at konotatibong kahulugan. 
 Klasipikasyon 
o Paghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang
magkaroon ng sistema ang pagtalakay. 
 Paghahambing 
o Nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o
ideya, at mga pangyayari. 
 Sanhi at Bunga 
o Nagpapakita g kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang kaugnay na epekto nito.  
 Enumerasyon 
o Simpleng Pag-Iisa-Isa 
 Pagtalakay sa pangungahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang
salita. 
o Komplikadong Pag-Iisa-Isa 
 Pagtalakay sa pamamaraang patalata ng mga pangunahing paksa at mga kaugnay na
kaisipan na naglilinaw sa paksa. 
 Pagkakasuni-sunod 
o Sikwensyal 
 Serye ng pangyayaring magkakaugnay na humahantong sa isang pangyayari na siyang
pinapaksa ng teksto. 
o Kronolohikal 
 Tuon ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol. 
o Prosidyural 
 Uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta. 
 Problema at Solusyon 
o Pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ukol dito. 
 Kahinaan at Kalakasan 
o Paglalahad ng positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng isang sitwasyon o pangyayari. 
 
Pagsusuri ng Mga Tekstong Impormatibo 
 Impormatibo = Ekspositori 
 Naglalayong magpaliwanag ng paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig; konseptong nakabatay sa
tunay na pangyayari. 
 Hal. 
o Biyograpiya 
o Pananaliksik 
o Siyentipong Ulak 
o Balita sa Dyaryo 
 
Pagsusuri ng Mga Tekstong Naratibo 
 Pagsasalaysay o pagkukuwento batay sa isang tiyak na paksa o pangyayari. 
 
Kathang Isip  Makatotohanan 
Maikling Kuwento Malikhaing Sanaysay 
Alamat  Biyograpiya 
Nobela  Balita 
Tula  Memoir 
 
 Isang malikhaing katha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan - Patricia Melendrez-Cruz 
 
Mga Elemento ng Pagbuo ng Narasyon 
 Paksa 
o Mahalaga at makabuluhan na batay sa karanasang may panlipunang implikasyon. 
 Ekstruktura 
o Malinaw at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 
 Oryetntasyon 
o Kaligiran ng tauhan, lunan o setting, at oras o panahon.  
 
Pamamaraan ng Narasyon 
 Setting at Mood 
 Layunin at Estilo 
 Iwasan ang Komento 
 Kapana-panabik 
 
Diyalogo   Pag-uusap ng mga tauhan 
Foreshadowing  Paghiwatig sa kahihinatnan 
Plot Twist  Tahasang pagbabago 
Ellipsis  Omisyon ng ilang yugto 
Comic Book Death  Paglitaw ng nawalang karakter 
Reverse Chronology  Dulo sa simulang salaysay 
In Medias Res  Mula sa kalagitnaan 
Deus Ex Machina  Paglutas ng tunggalian 
 
 Tunggalian 
o Komplikasyon o suliraning kailangang harapin/iresolba ng pangunahing tauhan. 
 Resolusyon 
o Kahahantungan nangangaral interpretasyon ng mga mambabasa. 
 
Creative Non-Fiction 
 Gumagamit ng pampanitikang estilo at teknik upang makabuo ng maktotohanang salaysay. 
 Literary/Narrative 
o Realidad ng natural na mundo 
o Malikhaing paglalahad 
o Di bunga ng imahinasyon 
o Tunay na karanasan. 
 Hal. 
o Biography 
o Blogging 
o Feature Writing 
o Personal Essay 
o Travel Writing 
 
Pagsusuri ng Mga Tekstong Deskriptibo 
 Paglalarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. 
 Masining na pagpapahayag na matitingkad at mga detalyadong imahen. 
 
Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo 
 
1. May malinaw at pangunahing impresyon na nalilikha sa mambabasa. 
2. Obhetibo/Subhetibo, may iba't ibang tono, at paraan ng paglalarawan. 
3. Espesipiko at naglalaman ng mga kongkretong detalye ng inilalarawang paksa. 
 
 
Tekstong Argumentatibo 
 Pagtatanggol ng Posisyon sa isang tiyak na paksa 
o Patunay: personal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensyang
pangkasaysayan, resulta ng empirikal na pananaliksik.  
 
Mga Elemento ng Pangangatwiran 
 Proposisyon: Implementasyon ng K-12 Curriculum sa Pilipinas 
o Sang-Ayon 
o Di-Sang Ayon 
 Punto de bista 
 Imbestigasyon 
 Lohikal na ebalwasyon 
 Malinaw na tesis 
 
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo 
 Mahalaga at napapanahong paksa interes sa paksa + makatwirang posisyon 
 Maikli ngunit malaman at malinaw a pagtukoy sa tesis sa unang talagat ng teksto 
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto 
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento 
 Matibay na ebidensya para sa argumento (Detalyado, Tumpak, at Napapanahon) 
 
Tekstong Persuweysib 
 Panghihikayat na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu o paksa.  
 Hal.  
o Iskrip ng patalastas pagkilos hinggil sa isang tiyak na usapin o isyu. 
 
Tekstong Prosidyural 
 Instruksiyon kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay.  
 Makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon upang tagumpay na maisakatuparan ang mga gawain sa
ligtas, episyente, at angkop na paraan. 
 Heading, subheading, numero, dayagram, larawan. 
 Anyong pawatas/pautos, nakapokus sa target na mambabasa sa halip na iisa, gamit ng panghalip,
tiyak na pandiwa, gamit ng cohesive devices, detalyadong deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami) 
 
Nilalaman ng Tekstong Prosidyural 
 
1. Tiyak na layunin o target na awtput 
2. Mga kagamitan (Ano at kailan) 
3. Metodo o Serye ng mga hakbang 
4. Ebalwasyon o pagsukat ng tagumpay. 
 
 
Pananaliksik 
 Pamamaraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katangungan ng tao tungkol sa
kaniyang lipunan o kapaligiran. (Neuman 1997 mula sa Evasco, et.al 2011) 
 Maingat, kritikal, disiplinadong pagtatanong at paghahapuhap ng sagot.  
 Sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng sulrinan (Good,
1963) 
 
Code of Federal Regulations ng Amerika (US The Online Library Center ng University
Department of Health and Human Services  System of Georgia 
Sistematikong imbestigasyon na disenyo upang makapag- Proseso ng imbestigasyon ukol sa isang partikular
ambag ng kaalaman sa pamamagitan ng siyentipikong na paksa na sinusuri sa iba't ibang perpektiba. 
paraan. 
 
 
Kahalagahan ng Pananaliksik 
 Kasangkapan sa pagbuo ng mga batas ng lipunan 
 Napauunlad nito ang pamumuhay ng mga tao 
 Naitatama nito ang mga maling impormasyon o kaalaman 
 Hinahasa ang pah-iisip upang maging kritikal na indibidwal 
 
Maka-Pilipinong Pananaliksik 
 
“Bakit hindi paksaing Filipino?” Tanong ito ng isang kababayang kararating lamang sa Indiana University mula
sa Pilipinas. Ginulantang ako ng tanong. Sa loob kasi ng tatlong taong pagkalayo sa sariling bayan, hindi
sumagi sa isipan ko na importante pala na iugnay ko ang aking mga plano para sa sariling hinaharap sa mga
pangangailangan ng aking bayang tinubuan. Taong 1959 noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang
intelektuwal na ang kamalaya’y hinubog ng kulturang kolonyal. Direktang sipi mula sa sanaysay ni Bienvenido
Lumbera Mula sa aklat na “Writing the Nation”/”Pag-akda ng Bansa”  
 
Mga Katangian ng MakaPilipinong Pananaliksik 
 Nakakiling sa mga paksang Pilipino  
o Kultura, Lipunan, Kaisipan 
 Nakakiling sa pananaw-Pilipino o teorya 
o Sikolohiyang Pilipino, pantayong pananaw, pagkataong Pilipino, pilosopiyang Pilipino 
 Gumagamit ng katutubong metodo sa pangangalap ng datos at palaging inuuna ang kapakanan ng
kalahok. 
 Isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino sa loob man o labas ng bansa. 
 Gumagamit ng wikang Filipino o ano mang katutubong wika sa Pilipinas. 
 
Etikal na Pananaliksik 
 Responsibilidad ng Mananaliksik 
o Bigyan ng proteksiyon at igalang ang karapatan ng mga kalahok sa pag-aaral.  
o Kilalanin at banggitin ang mga sangguniang ginamit sa pananaliksik 
o Humingi ng pahintulot sa mga institusyon at organisasyong kaugnay ng ginagawang
pananaliksik. 
o Huwag manipulahin ang mga datos at maging tapat sa paggamit nito.  
 
Plagarism 
 Latin 
 "Plagiarius" = "Abdaktor" 
 "Plagiare" = "Pagnanakaw" 
 “Ito ay pag-akin ng presentasyon ng iba nang walang tamang pagkilala. Kinasasangkutan ito ng
pangongopya ng materyal sa salita sa salitang paraan o paraphrasing man mula sa libro, internet, notes,
oral o biswal na presentasyon, laboratory reports, at likhang-sining." (American Code of Conduct ng
Concordia University) 
 “Ito ay “pag-akin sa gawa o ideya ng iba, may permiso man o wala, bilang bahagi ng iyong akda na
walang pagkilala. Lahat ng nalathala at di pa nalalathalang materyal o akda sa anyo man ng manuskrito,
printed man o elektroniko, ay sakop ng depinisyong ito”.  (University of Oxford) 
 
Anyo ng Plagarism  
 Salita-Sa-Salitang Pangongopya (Verbatim) 
o Pangongopya ng akda gamit ang salita-sa- salitang pamamaraan na walang malinaw na
pagkilala sa sangguniang ginamit  
 Pagpaparapreys 
o Kahit na pinarapreys (pagbabago sa sintaks ng pangungusap subalit pinanatili pa rin ang ideya)
na ang impormasyon mula sa isang sanggunian ay maituturing pa rin itong plagiarism kung hindi rin
naman kinilala ang sanggunian.  
 Sabwatan 
o Di awtorisadong kolaborasyon ng mga mag- aaral o indibidwal na hindi kumilala sa tulong ng
isa o hindi sinunod ang patakaran ukol sa paggawa ng mga gawaing panggrupo. 
 Maling Pagbanggit at Paggamit ng Sanggunian 
o Kilalanin ang sanggunian sa tamang pamamaraan at iwasan ang pagbanggit ng mga
sanggunian na hindi naman nabasa o ginamit sa mismong pag-aaral. 
 Hindi Pagkakilala sa Lahat ng Nagbigay ng Kontribusyon sa Pagsasagawa ng Pananaliksik 
o Mahalagang maitala ng mananaliksik ang lahat ng tumulong sa saliksik magmula sa tagapayo
na gumabay, editor ng wika, editor ng nilalaman, hanggang sa mga empleyado ng laboratoryo, museo
o silid-aklatan na buong-pusong sa tumulong sa proseso ng pananaliksik.  
 Paggamit ng mga Presentasyon na isinulat ng Ibang Tao 
o Paggamit at pagsusumite ng mga presentasyon o materyal na gawa ng iba kahit pa ito ay may
pahintulot mula sa may-akda. 
 
Auto-Plagarism 
 Pagpapasang muli ng sariling parehong akda na ipinasa na sa iba ay maituturing na plagiarism maliban
na lamang kung ito ay espesyal na kahingian sa inyong kurso.  
 
Pamamaraan Upang Maiwasan Ang Plagiarism 
 Tamang pagkilala sa lahat ng sangguniang ginamit sa pag-aaral. 
 Pag-was sa pagkopya ng malaking bahagi ng isang akda. 
 Paggamit ng aplikasyong Turnitin.  
 
Penalti sa Plagiarist 
 Pagbabayad ng danyos, pagkatanggal sa trabaho at pamantasan, at pagkasira ng reputasyon ang ilan
sa matinding parusa sa gawaing ito. Halimbawa, kung ikaw ay isang propesor, maaaring ma-ban ka na sa
lahat ng research journal dahil sa negatibong imahen na ikaw rin ang lumikha. Gayundin, maaaring hindi
ka na imbitahan sa lahat ng kumperensiya o seminar bilang tagapagsalita. 
 Sa kaso ng isang mag-aaral, ang pagpapatalsik sa unibersidad ang pinakamatinding parusa. Sa
katunayan, batay sa pag-aaral ng Higher Education Academy at Joint Information Systems Committee sa
United Kingdom, 143 na mag-aaral ang napatalsik sa kani-kanilang pamantasan dahil
sa plagiarism (Attwood, 2008) 
 
Proseso ng Pagsasaliksik 
 Paghahanap ng Paksang Pampananaliksik 
o Paglilista ng mga paksang naiisip batay sa karanasan, napanood, nabasa, o disiplinang
kinabibilangan. Mahalagang maisakategorya ang mga paksang inilista.  
 
Wika  Kultura  Media  Edukasyon 
Varayti ng Wikang Tagalog  Asimilasyong ng mga Fake News sa Social Bisa ng Katutubong Wika
Pilipino sa Kanlurang Asya  Networking Site  sa Pagkatututo 
Wika ng Tabloid na Kultura ng Kahirapan sa Etika sa Online Ang Edukasyong Di
Pahayagan  Rehiyon ng Bikol  Reporting  Pormal ng mga Muslim 
Intelektuwalisasyon ng Ang Kultura ng Lumad  Reality Shows sa Pedagohiya sa Pagtuturo
Wikang Filipino  Pilipinas  ng Banyagang Wika  
 
 
o Klastering bilang paghihimay-himay ng mga ideya na nakapaloob sa isang malaking ideya/paksa
upang lumabas ang posibleng paksa o nilalaman ng pananaliksik.  
 
 Pagbabasa ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 
o Pagkakataon ng mananaliksik na lumawak ang kaalaman ukol sa paksang pinili  
o Malaman ang kasapatan ng mga materyal na magagamit sa pag-aaral nang napiling paksa  
o Publikasyon at kredibilidad ng awtor  
 Pagbuo ng Suliranin at Paglilimita sa Paksa 
o Isaalang-alang ang mahahalagang tanong na nabuo sa isipan habang nagbabasa ng mga
babasahin ukol sa paksang napili  
o Tingnan ang mga research gap ng lahat ng nabasang pananaliksik  
o Panahon, edad, kasarian ng kalahok, pangkat na kinabibilangan, aspektong pag-aaralan at
lugar sa pagbuo ng sakop at limitasyon ng pag-aaral  
 Pagbuo ng Disenyo ng Pananaliksik at Pangangalap ng Datos 
o Disenyo ng Pag-aaral 
 Penomenolohiya, etnograpiya, deskriptibo, komparatibo, korelasyonal, historikal,
ebalwatibo, debelopmental, pag-aaral kaso, action research. 
o Metodo ng Pag-aaral 
 Survey/sarbey, panayam, arkaybal, obserbasyon, eksperimental, pagtatanong,
pakikipagkuwentuhan, o ginabayang talakayan  
 Presentasyon at Pagsusuri ng Datos 
o Maging masinop at matapat sa yugtong ito upang mapanghawakan ang magiging resulta ng
pag-aaral  
o Maaaring gumamit ang mananaliksik, ng talahanayan, grapikong larawan (gaya ng pie graph,
pictograph, bar chart), at naratibo  
o Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang manipulasyon sa impormasyong nakalap sang-ayon
na rin sa etika ng pananaliksik  
 Rebisyon at Editing 
o Rebisyon ay pagbibigay-pansin sa mismong nilalaman ng akda o sulatin. 
o Editing ay nakapokus sa gamit ng wika (gaya ng ispelling, tamang gamit, estruktura) 
 Paglalathala 
o Sundin ang patakaraan ng bawat journal sa loob at labas ng bansa ukol sa publikasyon.  
Kwantitatubong Pananaliksik 
 Gumagamit ng estadistiko at matematikong pormula para sa pagsusuri ng mga nakalap na datos. 
  
Kwalitatibong Pananaliksik 
 Malalimang pagsusuri sa mga penoenong may kaugnayan sa pag-aaral gamit ang masinop na
pananalita.  
  
Deskriptibong Pananaliksik 
 Hangad na ilarawan, ipaliwanagm at patunayan ang isang partikular na pangyayari sa kadalasang
sinasagot ang mga tanong na sino, ano, paano at saan. 
  
Eksperimental na Pananaliksik 
 Sumasagot sa katanungang "paano kung" at magbibigay0linaw sa mga sanhi o mga dahilan.  
  
Historkial na Pananaliksik  
 Inilalarawan nito at ipinaliliwanag ang mga aksyon at pangyayari sa nakalipas sa pinakatugmang
interpretasyon 
  
Pagaaral-Kaso 
 Halimbawa: Ang pag-uugali ng mga Piling Preso: Isang Aral-Kaso 
  
Action Research 
 Paglalapat ng solusyon upang bumuti o umunlad ang isang sitwasyon.  
  
Komparatibo 
 Halimbawa: Mga di berbal na simbolo sa ugnayang kaswal ng mga Pilipino at Hapon: Isang
Komparatibong Pag-aaral. 
  
Korelasyonal 
 Halimbawa: Korelasyon ng Kasarian sa Kakayahan Bumasa ng mga Piling Estudyanteng Grade 12 ng
Unibersidad ng Santo Tomas.  
  
Ebalwatibo 
 Halimbawa: Ebalwasyon ng Accounting System ng Security Bank 
  
Debelopmental 
 Halimbawa: Akwisisyon sa Wikang Filipino ng mga Estudyanteng Koreano 
  
Penomennolohiya 
 Kalimitang gingamit sa larangan ng sosyolohiya, pilosopiya, social works, at iba pa. 
 Batay ito sa pagtingin ng isang tao sang-ayon sa kanilang perspektiba 
  
Etnograpiya 
 Tinatalakay nito ang isang penomenon sa konteksto ng kulturang masasalamin sa isang lipunan.  
 Batay sa interaksyon, ugali, kilos, at paniniwala.  
  
  

You might also like