You are on page 1of 43

Ngayon, tatanggapin ko ang buong pagmamahal

ng Diyos sa akin.
Ngayon, bubuksan ko ang aking sarili sa walang
hanggang pagpapala o biyaya ng Panginoon sa
lahat ng kanyang nilikha.
Ngayon, bubuksan ko ang aking sarili sa biyaya,
pagpapagaling at himala ng Diyos.
Ngayon ay binubuksan ko ang aking sarili sa salita
ng Diyos upang ako ay matulad kay Hesus araw-
araw.
Ngayon, inihahayag ko na ako’y mahal ng Diyos,
ako ay kanyang lingkod, ako ay makapangyarihan
sa ngalan ng Diyos. At dahil ako ay pinagpala, ako
ay magiging biyaya sa mundo, sa pangalan ni
Hesus, Amen.
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TEKSTONG IMPORMATIBO
G. Marnel B. Caga, MA, LPT
LAYUNING PAMPAGKATUTO:
I. Naipapaliwanag ang mga katangian
ng tekstong impormatibo at naratibo;
II. Natutukoy ang mga uri ng tekstong
impormatibo at naratibo;
III. Naiisa-isa at napapag-iba ang mga
katangian ng dalawang teksto; at
IV. Nakabubuo ng isang “infographics” na
nagpapakita ng katangian ng isang
impormatibo at naratibong teksto.
TEKSTONG
IMPORMATIBO O
EKSPOSITORI
EKSPOSITORI (Expository)
• Nagpapaliwanag at nagbibigay
ng impormasyon.
• Ito ay nagtataglay ng mahalaga
at tiyak na impormasyon tungkol
sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari.
SINO?

ANO?

SAAN?

KAILAN?

PAANO?
IMPORMATIBO O EKSPOSITORI
• Paglalahad ng mga
impormasyon o datos na
nakatutulong sa paglilinaw
ng mga konsepto upang
mapawi ang pag-aagam-
agam tungkol sa isang
bagay.
TEKSTONG IMPORMATIBO
• Nagbibigay ng mga
impormasyong
nakapagpapalawak ng
kaalaman at nagbibigay-liwanag
sa mga paksang inilalahad
upang mapawi nang lubos ang
pag-aalinlangan.
MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

BIOGRAPHY O
TALAMBUHAY DIKSIYONARYO

ENCYCLOPEDIA
AT ALMANAC DIYARYO

MGA SIYENTIPIKONG ULAT


O SCIENTIFIC REPORT
PAGHUHUGIS SA AMBAG NG TEKSTONG
IMPORMATIBO O EKSPOSITORI (Ipaz at Dy, 2021)

EKSPLANASYON
EKSPEDISYON
4 E NG TEKSTONG
EKSPOSITORI/IMPORMATIBO
EKSPLORASYON
EKSPERIMENTASYON
EKSPLANASYON
Nakatuon sa pahayag
dahil likas ang ganitong
uri ng babasahin sa
pagpapaliwanag ng
impormasyon.
HALIMBAWA mula sa HAMBINGAN NG PAHAYAG AT
SALAYSAY (Nuncio, et al., 2013)
PAHAYAG SALAYSAY
(Statement) (Narrative)
POKUS Pangunahing ideya Detalye at
o ubod ng nilalaman ng
pahayag. kuwento
DALOY Linyar o tuwiran Linyar o di-linyar
Mga Halimbawa Balita, editorial, Maikling kuwento,
kolum at iba pa nobela, katha at iba
pa
EKSPEDISYON
May iba’t ibang anyo ng tekstong
ekspositori na maaaring
makatagpo sa pagbabasa o
maaaring magamit na estilo sa
pagsulat upang palawakin ang
paksa.
Pagsusunod
-sunod

Pag-iisaisa o
Problema at
Paglilista ng
Solusyon
klasipikasyon
Pagbibigay-
kahulugan
PAGBIBIGAY-KAHULUGAN (DEFINITION)
✓ Nililinaw sa pagpapaliwanag ang mga
salita o susing-salita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng kahulugan sa tuwiran
(kahulugan sa diksiyonaryo) o di-
tuwirang paraan (kahulugan batay sa
konteksto).
✓ Pag-uuri sa mga salita o konsepto
✓ Pag-iisa-isa sa natatanging katangian
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA

1. Ano ang kahulugan ng salitang “smart-


shaming” batay sa mga sangguniang
gaya ng diksiyonaryo o mga artikulo
mula sa internet?
2. Ano ang pagpapakahulugan ng mga
may-akda sa salitang “smart-shaming”?
PAG-IISA-ISA O PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON

✓ Sa pamamaraang ito, inilalahad ang


paksa sa pamamagitan ng paghahanay
ng pangunahing ideya at pagsusunod-
sunod ng mga kaugnay na kaisipan nito
sa pabalangkas o patalatang paraan
man.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA

1. Ano-ano ang mga pananaw


sa bawat panahon na
nagbunsod sa pag-usbong
ng “smart-shaming”?
PAGSUSUNOD-SUNOD (CHRONOLOGY)

✓ Saklaw ng paraang ito ang dalawang


uri ng pagsusunod-sunod ng mga
impormasyon. Mahalaga sa anyong
ito ang pag-oorganisa ng daloy ng
mga ideya batay sa iba’t ibang salik
na binibigyang-diin ng paksa.
DALAWANG URI NG PAGKAKASUNOD-SUNOD
NG IMPORMASYON
• SEKWENSIYAL-KRONOLOHIKAL
• Kung ano ang una at huli
• Maaaring bumatay sa pagkakasunod-sunod
na maaaring batayan ay bilang, halaga, edad
at iba pa.
• PROSIDYURAL
• Tuon nito ang prosesong susundan o mga
hakbang na isinasagawa upang maisagawa
ang isang layunin o ang paksa.
PAGHAHAMBING AT PAGTUTULAD (COMPARISON AND
CONTRAST)
✓ Pagsusuri sa katangian ang atake ng
paliwanag sa ganitong paraan.
Pinasisimple ng pagtutulad ang
impormasyon sa pamamagitan ng
pagbuo ng koneksiyon ng isang
konsepto sa iba pang konseptong
maaaring sakop ng dating kaalaman ng
sinomang nagbabasa.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA

“Smart Shaming

PAGTUTULAD
“Smart Shaming
sa Panahon ng
sa Kasalukuyang
mga
Panahon”
Mananakop”
PROBLEMA AT SOLUSYON

✓ Malinaw nang tinatalakay nito ang


mga solusyon mula sa isang tiyak na
problema o suliranin.
✓ Inilalahad muna ang suliranin at saka
ipinaliliwanag ang mga pala-palagay
ukol sa iba’t ibang salik na nakaapekto
sa suliranin upang humantong sa isang
solusyon.
SANHI AT BUNGA (CAUSE AND EFFECT)

✓ Nakatuon ang pamamaraang ito sa pag-


oorganisa ng impormasyon sa pamamagitan
ng pag-uugat sa kakumbakitan o dahilan ng
iba’t ibang resulta ng isang sitwasyon o
phenomenon.
✓ Ang pagsumpong sa dahilan sa likod ng iba’t
ibang bunga ay humihikayat sa isang kritikal
na pag-iisip.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA

1. Ano-ano ang mga sanhi at


bunga ng pag-usbong ng
“smart-shaming” sa kultura
ng Pilipino?
EKSPLORASYON
Mahalaga ang pamilyaridad sa
katangian ng tekstong
ekspositori o impormatibo
upang mapasimple ang
nilalaman ng mga babasahing
kaugnay ng pag-aaral.
LAPIT LAPAT LIPAT
POKUS Pangunahing ideya o Sa pagbabasa, Ang mga susing-salita o
ubod ng pahayag mahalagang itala ang konsepto ang maaaring
pangunahing ideya at ang maging lunsaran sa
mga kaugnay na pagpapadali ng pagtatala
impormasyong ng mahahalagang
sumusuporta rito. impormasyon.
Maaaring gawin ang
tuwirang sipi (direct quote)
o di-tuwirang sipi ngunit
tiyakin ang wastong
citation.
DALOY Linyar o di-tuwiran Mahalagang maging Paglalagom sa anomang
malay sa anyo ng binabasang kaugnay na
tekstong binabasa (uri ng babasahin.
tekstong binabasa) upang
maimapa ang “Inihahambing o
pinagmulan at pinagtulad sa pag-aaral
hangganan ng nina…”
impormasyon.

Nuncio (2013)
Tinatanggap na hindi agad
maiintindihan ng mambabasa ang
isang tekstong siksik sa mga bagong
konsepto at impormasyon. Ang mga
uri ng tekstong impormatibo ay
makakatulong upang makakalap ng
mga tiyak na impormasyon mula sa
mga sekondaryang sanggunian.
EKSPERIMENTASYON

Sa pananaliksik, mahalagang
pagnilayan ang kapakinabangan
ng mga nabasang sekondaryang
sanggunian (artikulo, tesis,
disertasyon, balita at iba pa sa
kasalukuyang pag-aaral).
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
• Layunin ng may-akda/awtor
• Pangunahing ideya, paksa o tema
• Pantulong na kaisipan; at
• Estilo sa pagsulat, kagamitan at
sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binigyang-diin.
BAKIT MAHALAGA
NA BIGYANG-PANSIN
ANG TEKSTONG
IMPORMATIBO O
EKSPOSITORI?
• Pagpapatuloy ng naunang pag-
aaral batay sa rekomendasyon;
• Pagpapalawak ng paksa ng
kasalukuyang pag-aaral;
• Pagkakatulad ng
puwang/suliranin na nais
tugunan ng kasalukuyang pag-
aaral; at
• Pagkakaiba sa resulta ng
naunang pag-aaral sa
inaasahang resulta ng
kasalukuyang pag-aaral.
PANGKATANG-
GAWAIN BILANG 2:
PAGLIKHA NG
INFOGRAPHICS
INFOGRAPHICS
Ang infographics ay isang biswal na
representasyon na ginagamit upang
magpabatid ng mga impormasyon,
datos o kaalaman sa isang mabilis at
malinaw na paraan. Layunin nitong
bigyan ng kabuuang sintesis sa
pamamagitan ng mga larawan ang
isang impormasyon o tekstong binasa
sa direkta at malikhaing
pamamaraan.
Para sa ikalawang pangkatang gawain, ang bawat pangkat
ay lilikha ng infographics na may maiikling kapsyon o
paliwanag mula sa mga sumusunod na paksa:

Unang Pangkat: Sanhi at Bunga ng Jeepney Phaseout

Ikalawang Pangkat: 5 Problema at Solusyon sa


Paglaganap ng Fake News
Ikatlong Pangkat: 10 misconception sa panukalang
SOGIE Bill
Para sa ikalawang pangkatang gawain, ang bawat pangkat
ay lilikha ng infographics mula sa mga sumusunod na paksa:
Ikaapat na Pangkat: Limang (5) mabibisang paraan na
may maikling paliwanag sa paglaban sa Depression at
Anxiety

Ikalimang Pangkat: Limang (5) sanhi at bunga sa


pagpapatupad ng Mandatory ROTC sa mga
Unibersidad o iba’t ibang akademikong institusyon
Para sa ikalawang pangkatang gawain, ang bawat pangkat
ay lilikha ng infographics mula sa mga sumusunod na paksa:

Ika-anim na Pangkat: Limang (5) mabibisang paraan


sa pagtatagumpay ng Online o Hybrid Learning
• Malayang makakapili ng software na gagamitin ang mga
mag-aaral sa paggawa ng infographics. Inaasahang ito ay
ipapasa ng naka-JPG o PDF sa TBL Hub at Google drive
ng klase.
• Ang nilalaman ng infographics ay nakasulat sa Wikang
Filipino. Ang mga hiram na salita na walang katumbas ay
maaaring panatilihin o baybayin sa Filipino.
• Mahalaga na maglagay ng citation kung saan nagmula
ang mga impormasyon, larawan at iba pang ginamit sa
pagbuo ng infographics.
• Ilalahad sa klase sa susunod na synchronous na meeting
ang infographics na ginawa (March 13 para sa mga may
klase ng Lunes, March 14-Martes, at March 15 sa klase ng
Miyerkoles). Maaaring ipasa ang pinal na gawain (kung
may binago, inayos, etc.) sa ika-18 ng Marso, 2023
hanggang sa ganap na 11:59 ng gabi.
• May tig-2-3 minuto lamang ang bawat pangkat upang
ilahad sa klase ang kanilang gawa. Inaasahan na
isasagawa ang ebalwasyon ng lider at miyembro para sa
pangalawang pangkatang gawain.
RUBRIKS NG PAGMAMARKA
KRAYTIRYA PAMANTAYAN
Nilalaman at Paliwanag (40%) Nakabuo ng isang infographics na naglalaman ng mga makabuluhan at
makatotohanang impormasyon na direktang sumasagot sa tema ng pangkat.
Kinakikitaan ng mga karagdagang datos na nagmula sa pananaliksik upang
pagtibayin ang nilalaman ng infographics.
Disenyo at Graphics (30%) Epektibong naipahayag ang mensahe ng infographics sa tulong ng angkop na
paglalapat ng mga elemento ng disenyo (hugis, kulay, linya) at iba pang mga
graphics (icon, imahe, larawan).
Paggamit ng Wika (20%) Ang infographics ay naisulat sa wikang Filipino, wasto ang gramatika, walang
kamalian sa pagbabaybay at pagbabantas. Angkop ang mga napiling salita at
lohikal ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.
Pagtutulungan, Ebalwasyon ng Naisagawa ang ebalwasyon sa lider at mga miyembro ng pangkat at kakikitaan ng
Lider at Pangkat (10%) pagtutulungan ang pangkat sa pagbuo ng malikhaing infographics.
MGA BATAYAN AT SANGGUNIAN
• Dy, J. at Ipaz, J. (2021). Tuon-
Dunong: Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Johnny and Hansel
Publications. Lungsod ng Quezon.
• Yapan, A. (2018). Borador: Isang
Pagkilala sa Layunin ng
Komunikasyon sa Kolehiyo.
Bluebooks Prfess. Lungsod ng
Quezon
• Mga larawan mula sa Google
Images

You might also like