Argumentativ ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng
mga posisyong umiiral na may kaugnayan sa mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan. Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa nauna gamit ang mga ebidensya. Ang halimbawa ng tekstong argumentatibo ay tesis, posisyong papel at editoryal. Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin
Magsaliksik at humanap ng mga ebidensyang batay sa katotohanan Pinakasimple at diretso sa puntong balangkas (Introduksiyon, tig-iisang talakay ng bawat ebidensya, konklusyon) Kailangang madaling makakuha ng atensyon at interes ng mambabasa Magbigay ng pang-unang impormasyon tungkol sa paksa Maaaring talakayin ang “pinanggalingan” ng may-akda (kung bakit niya naisipang bumuo ng argumento)