You are on page 1of 2

Ang Tekstong Impormatibo

Sa nakalipas na aralin, nalaman natin na ang isang tekstong nangungumbinsi ng


mambabasa na tanggapin ang punto ng may-akda ay tinatawag na tekstong persuweysib.
Subhetibo ang tono ng isang tekstong persuweysib sapagka’t nakabatay ito sa damdamin at
opinyon ng manunulat. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo na
naglalayon ding kumbinsihin ang mababasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o
damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong
paraan ng pangungumbinsi- ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento,
katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kaniyang posisiyon o punto.

Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito


nangungumbinsi o nanghihikayat. Gayunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito. Suriin ang
talahanayan sa ibaba:

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib


 Nangungumbinsi batay sa datos o  Nangungumbinsi batay sa opinyon
impormasyon
 Nakahihikayat dahil sa merito ng mga  Nkahihikayat sa pamamagitan ng
ebidensiya pagpukaw ng emosyon at pagpokus sa
kredibilidad ng may-akda
 Obhetibo  Subhetibo

Isipin ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang


pasulat na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalantag pa rin
ang mga katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo


Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo
sa pagpanig dito
3. Mangalap ng mga ebidensiya. Ito ay mga impormasyon o datos nasusuporta sa iyong
posisyon
4. Gumawa ng burador (draft)
 Unang talata: Panimula
 Ikalawang talata: Kaligiran
 Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng
mga talata kung maraming ebidensiya.
 Ikaapat na talata: Counter argument. Asahan mong mayroong ibang mambabasa
na hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad ditto ang iyong mga lohikal
na dahilan kung bakit iyon ang iyong posisyon.
 Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong sinulat
 Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano
ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal
na kopya.

You might also like