You are on page 1of 22

Tekstong

Argumentatibo
Aralin 6
Ang sabi ng iba, kapag nakabasa ng editoryal
ang isang taong walang opinyon sa isang isyu
ay nagkakaroon na siya ng opinyon. Kung
ganito ang kalakaran, nararapat lámang na
maging mapanuri tayo sa pagbabasa ng mga
editoryal. Ilan sa mga batikang peryodista na
nagsusulat ng editoryal ay ang sumusunod:
Teddy Benigno
ay batikang manunulat ng isang sikat na
peryodiko. Nagsimula siya bilang manunulat ng
isports, naging boksingero rin siya. Noong
panahon ng pamamahala ni dating Pangulong
Corazon C. Aquino, itinalaga siya bilang kalihim
ng press mula 1986 hanggang 1989.
Randy David
ay isang manunulat sa peryodikong
laganap sa buong bansa. Isa siyang
respetadong kolumnista,
sociologist, professor, television
host, at sumulat na rin ng maraming
aklat.
Solita Monsod
ay kilala sa taguring “Mareng Winnie”;
Isa siyang broadcaster, host,
ekonomista, at manunulat. Naging
ikalimang direktor-heneral siya ng
National Economic and Development
Authority (NEDA) at kalihim ng Socio-
economic Planning of the Philippines.
Jarius Bondoc
ay isang matapang na kolumnista at komentarista
sa radyo. Pinarangalan siya bilang Journalist of
the Year noong 2013. Marami siyang mga
ibinunyag na anomalya sa kanyang kolum at
programa sa radyo na nagbukas ng imbestigasyon
Ang editoryal ay isang halimbawa ng tekstong argumentatibo.
Ito ang uri ng tekstong tatalakayin natin sa huling aralin ng
yunit na ito.
Tekstong
Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
 Ang Tekstong Argumentatibo sa nakalipas na aralin,
nalaman natin na ang isang tekstong nangungumbinsi
ng mambabasa na tanggapin ang punto ng may-akda
ay tinatawag na tekstong persuweysib.
Tekstong Argumentatibo
 Subhetibo ang tono ng isang tekstong persuweysib
sapagkat nakabatay ito sa damdamin at opinyon ng
manunulat.
Tekstong Argumentatibo
 Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong
argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin ang
mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa
opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa
datos o impormasyong inilatag ng manunulat.
Tekstong Argumentatibo
 Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi ethos, pathos, at logos,
ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos.
 Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang
mga argumento, katwiran, at ebidensiyang nagpapatibay ng kanyang
posisyon o punto. Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at
persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o nanghihikayat.
Hakbang sa
Pagsulat ng
Tekstong
Argumentatibo.
1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para
sa Tekstong Argumentatibo .

Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum


2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong
panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga
impormasyon o datos na susuportasa iyong posisyon.
4. Gumawa ng borador (draft)
■ Unang talata: Panimula
■ Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o
sitwasyong nagbibigay- daan sa paksa.
■Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon.
Maaaring magdagdag ng talata kung mas maraming
ebidensiya
4. Gumawa ng borador (draft)
■Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may
ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong
argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na
dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
■ Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa
iyong isinulat
■ Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa
tanong na "E ano ngayon kung 'yan ang iyong posisyon?"
5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong
argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga
pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang
pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.
Thank You!

You might also like