You are on page 1of 7

Gateways Institute of Science and Technology

I. LAYUNIN

a) Natatalakay ang Tekstong Argumentatibo


b) Naiisa-isa ang bahagi nang Tekstong Argumentatibo
c) Nakakagawa nang Ibat ibang paraan sa paghahanda ng pangangatwiran

II. PAKSANG ARALIN


Lunsaran
• Ang sabi ng iba, kapag nakabasa ng editorial ang isang taong walang opinyon sa
isang isyu ay nagkakaroon na siya ng opinyon. Kung ganito ang kalakaran,
nararapat lamang na maging mapanuri tayo sa pagbabasa ng mga editorial. Ilan
sa mga batikang peryodista na nagsusulat ng editorial ay ang sumusunod;
• Si Teddy Benigno ay batikang manunulat ng isang sikat ng peryudiko. Nagsimula
siya bilang manunulat ng isports, naging boksingero rin siya. Noong panahon ng
pamamahala ni dating Pangulong Corazon C. Aquino, itinalaga siya bilang kalihim
ng press mula 1986 hanggang 1989.
• Si Solita Monsod ay kilala sa taguring areng Winnie.” Isa siyang broadcaster, host
ekonomista, at manunulat. Naging ikalimang director-heneral siya ng National
Economic and Development Authority (NEDA) at kalihim ng Socialeconomic
Planning of the Philippines.
• Si Jarius Bondoc ay isang matapang na kolumnista at komentarista sa radio.
Pinarangalan siya bilang Journalist of the Year noong 2013. Marami siyang mga
ibinunyag na anomalya sa kanyang kolum at programa sa radio na pagbukas ng
imbestigasyon.
• Ang editoryal ay isang halimbawa ng tekstong argumentatibo. Ito ang uri ng
tekstong tatalakayin natin sa huling aralin ng yunit na ito.
• Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo na naglalayon
ding kumbinsihin ang mambasasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa
opinyon o damdamin ngmanunulat, bay ito sa datos o impormasyon inilatag
ng manunulat.sa tatlong paraan ng pangungumbinsi- ethos, pathos, at logos,
ginagamit ngtekstong argumentaatibo ang logos.Upang makumbinsi ang
mambabasa, inilahad ng may-akda angmga argumento, katwiran, at
ebidensiyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
• Hindi nagkakalayo angtekstong argumetatiboat persuweysib, kapwa ito
nangungumbinsi o nanghihikayat.gayunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito.
Suriin ang talahanayan sa ibaba:

Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology


Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology

TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG PERSUWEYSIB

• Nangungumbinsi batay sa
Nangungumbinsi batay sa opinyon
Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng
datos o impormasyon
emosyon ng mambabasa at pagpokus sa
• Nakahihikayat dahil sa merito kredibilidad ng may-akda.
ng mga ebidensyiya
• Obhetibo

Subhetibo

Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang


pakikipagdebate nang pasulat na bagama‟t may isang panig na pinatutunayan at nais
panindigan ay inilalatag pa rin ang mga katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumuli ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.


Halimbawa: Angpagpapatupad ng K to 12 Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano angpanig na nais mong panindigan at ano ang mga
dahilan mo sa pagpanig ditto.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon.
4. Gumawa ng borador (draft).
• Unang talata: panimula
• Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyongnagbibigay daan sa
paksa.
• Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng
talata kung mas maraming ebidensiya.
Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology
Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology
• Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi
sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad ditto ang iyong mga lohikal na
dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
• Ikalimang talata:Unang konklusyon na lalagom sa iyong isinulat.
• Ikaanim na talata: ikalawang konklusyon na sasagot sa tanongna “e ano ngayon
kung „yan ang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng
wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglayang ang anumang pagwawasto. Ito ang
magiging pinal na kopya.

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran

1. Argumentum Ad hominem - isang nakahihiyang pag-atake sa personal na


katangian/ katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay
2. Argumentum ad baculum - pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan
ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.
3. Argumentum ad misericordiam - upang makamit ang awa at pagkampi ng
mga nakikinig/ bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang
umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
4. Dilemma - naghahandog lamang ng dalawang opsyon/ pagpipilian na para
bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo

MGA URI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

1. PUNA- Kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay at mga


ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.

2. SAYANTIPIK- Nag-uugnay sa mga konsepto sa isang tiyak na


sistemang karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang
proposiyon ay mahinuha o mapatunayan.

Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology


Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology

MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN

1.PROPOSISYON - Ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.

2. ARGUMENTO- Paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran


ang isang panig.
Nangangailangan ito ng isang malalim na pananaliksik.

Iba`t-ibang paraan sa sa paghahanda ng


pangangatwiran • Analisis

• Sanhi at Bunga

• Pangangatwirang pabuod

• Pangangatwirang pasaklaw

Katangian at nilalaman ng mahusay na Tekstong Argumentatibo

1. Mahalaga at napapanahong isyu.

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.

4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng ebidensya ng


argumento.

5. May matibay na ebidensya para sa argumento.

Filipino, ang Pambansang Wika Dapat pang Ipaglaban


Ni Antonio Contreras
(Bahagi lamang)
Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na siya
raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang ito ay isang hungkag
na pangamba. Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi
nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong
pagkatao. Kung may malay ka dito at may control ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat
Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology
Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology
ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamaninj ang kani-
kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng
isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang
Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at
mapayabong. At ito rin ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy na ipagtanggol ang
Wikang Filipino at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng
ating mga ba’t ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi malulusaw ang wika ng
mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles.
Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito dahil
sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang Filipino
sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang
rehiyon na makapag-ambag sa kabuoan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global,
mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak.
Sa kalaunan, hindi nman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil ginagamit
ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.
Ang kaaway ay ang pwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming
Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon sa pamahalaan man o sa
pamantasan na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng Filipino sa
kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o
mag-Filipino, samanatalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa mga
Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong mataas
magsalita sa Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika

Ituloy ang K to 12
Ngayon mag-uulat sa sambayanan si President Aquino. Idedetalye niya sa kanyang
ikalimang SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Isa sa maaaring ireport
niya ay ang tungkol sa K to 12 Program. Ngayong taon, inumpisahan nang pormal ang K
to 12 at marami nang nagsabi na dapat ituloy-tuloy ito at paglaanan pa ng pondo sapagkat
nakikita ang magandang kahihinatnan ng mga kabataan. May magandang makakamtan
sa programang ito. Hindi naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Antonio Trillanes
IV na dapat suspendehin ang programa sapagkat maraming problemang kinakaharap.
Hindi raw ito uubra sapagkat hindi handa ang pamahalaan sa programang ito. Unahin
daw muna ang mga pangunahing problema sa sector ng edukasyon bago itong K to 12.
Ilan sa mga nabanggit ni Trillanes ay ang problema sa kakapusan ng mga classroom,
kakulangan sa mga guro at ang mababang sahod ng mga guro. Sabi ni Trillanes,
nagkakaroon daw siya ng konsultasyon sa mga nagpanukala ng K to 12 program at nakita
niyang walang kahandaan ditto ang kasalukuyang pamahalaan. Kaya ang suhestiyon
niya ay suspendehin habang maaga pa ang programa at pagtuunan muna ang mga
problema ng education center. Malaking problema rin aniya ang kahaharaping
retrenchment ng 85,000 college professors at employees sa 2016 kapag hindi
sinuspende ang K to 12.
Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology
Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology
Bakit ngayon lang nagsalita si Trillanes? Kung kailan nakaporma na at naikasa
na saka naman niya sasansalain ang K to 12. Kung talagang may pagmamalasakit ang
senador sa sector ng edukadyon, dapat noon pa siya nagpanukala na resolbahin ang
kakulangan sa classrooms at guro. Dapat noon pa siya nagpakita nang pagtutol dito.
Sa ilalim ng K to 12, ang mga estudyante ay nararapat dumaan sa kindergarten,
anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa
senior high school. Magkakaroon ng kasanayan ang mga estudyante sa sistemang ito.
Handang-handa na sila. Huwag pagliban ang programang ito.

GAWAIN:
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Batay sa mga binasang teksto, ano kaya ang dahilan ng mga indibidwal na awtor kung bakit
sila nagsusulat?
2. Sa kabuuan, may pagkakaiba o pagkakapareho ba ang mga dahilan ng pagsulat batay sa
tekstong binasa?

GAWAIN:
Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang
tekstong binasa.

Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology


Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo
Gateways Institute of Science and Technology

Pagsusulit:
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. _____= Sa pangangatwiran na ito gumagamit ng pwersa o awtoridad upang
maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.
2. _____=Ipinapakita ang mismong dahilan kung bakit isinusulat at binabasa ang
teksto.
3. _____=Sumasagot ito sa tanong na bakit.
4. _____= Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
5. _____= Nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian/ katayuan ng katalo at
hindi sa isyung tinatalakay.
6. _____= naglalayong mapatunayan ang katotohanan na ipinapahayag at
ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.
7. Mga Iba`t-ibang paraan sa paghahanda ng pangangatwiran.

KASUNDUAN

Maging handa sa ating susunod na talakayan ang


w“Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel
Pananaliksik”

MGA KAGAMITANG PANTURO:

Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t


Ibang Teksto sa Pananaliksik.

Inihanda ng: Gateways Institute of Science and Technology


Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Grade 11
Kwarter & Linggo #: Ikatlong Kwarter – Ikaanim na Linggo

You might also like