You are on page 1of 3

2019-00060-MN-0 Filipino sa Piling Larang

Flojo, Jorge A. G. Christopher Pasion


STEM 12-3
PANIMULANG PAGSUSULIT
I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap.
D 1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang
nakalimbag.
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalita
D. Pagsusulat

A 2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay


ng mga halimbawa.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran

C 3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring


aktwal na naganap.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran

D 4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o


sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
B 5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin
ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman,
isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

TAMA 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil


sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

MALI 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang


ginagawang pag-aaral.

TAMA 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na


kwestiyonable.

MALI 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa


mga paboritong artista sa telebisyon.

TAMA 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga
pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

III. Sagutin ang mga tanong nang hindi lalagpas sa 10 pangugusap. (10 puntos bawat isa)
1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan.

Ito ay masasabing isang proseso sapagkat ito ay binubuo ng mga lohikal at


organisadong ideya mula sa mga obserbasyon at batayan ng isang manunulat.
Karaniwang tampok sa akademikong pagsulat ang mga mga napapanahong isyu at mga
problemang nais bigyang linaw para sa lahat. Sinisimulan ang pagsulat mula sa pinaka
unang bahagi ay ang pagkilala sa paksang tinatalakay. Ito naman ay susundan ng mga
ideya ng manunulat at sipi mula sa iba pang pagkukuhanan ng impormasyon maaaring
sa aklat, journals, at artikulo. At panghuli ay bibigyang konklusyon o ideya na maaaring
mag-isa ng mga ideyang nabanggit. Mahalaga na binibigyang pansin ang lohikal na
organisasyon ng isang akademikong sulat dahil ito rin ay maaaring maging batayan ng
iba pang mga manunulat o mananaliksik sa parehong paksa. Ito pa man ay nasa sariling
karanasan o karanasan ng iba, batay sa obserbasyon ng mga pinagyarihan, at marami
pang iba.
2. Ano ang etika sa pagsulat? Magbigay ng ilang katangian.

Ilan sa mga katangian ng etika sa pagsulat ay ang pagkilala sa mga ginamit na ideya
sapagkat. Sa pagkilala nito, nakasaad ang mga impormasyon at datos na nagpapatibay
sa ginawang pananaliksik o pagsulat. Kung hindi ito nagbibgay linaw sa iyo at maaaring
hindi rin ito makapagbigay linaw sa kung ano ang isinasagawang pagsulat o pananaliksik.
Isa pa rito ay ang pagbabawal sa pagkuha ng datos na walang permiso mula sa isang
respondente o hindi pagpayag tungkol dito. Ito ay maaaring makaapekto sa iyong datos
dahil hindi bukal sa kalooban ng isang respondente ang pagbibigay ng impormasyon kung
hindi ito maganda sa kanyang kalooban at sabihin ang mga karanasan tungkol sa
paksang pinag-aaralan o isinusulat. Nararapat na sabihin ang mga layunin at kahalagahan
upang makatulong sa iba pang mga akademikong manunulat. Kailangan din na hindi ito
galing sa sariling obserbasyon lalo kung ito ay negatibo o sa tingin mo’y makaaapekto sa
respondente. Maganda na maging maingat pagdating sa bagay na ito sapagkat ito ay
maaring sensitibo para sa kanila at hindi angkop sa kanila.

3. Paano masasabing may oryentasyong Pilipino ang isang pananaliksik? Talakayin.

Dumaan sa maraming kolonisasyon ang ating bansa kung kaya’t maraming


pagbabago at mga dapat isaalang-alang pagdating sa pagsulat ng isang sulating
patungkol sa mga Pilipino. Ito ay kinikilalang Oryentasyong katutubo o Oryentasyong
Pilipino. Sa larangan ng pananaliksik sa ating bansa, higit na mailalarawan ang isang
oryentasyon sa paksang tinatalakay dahil dito makikita ang pinakahalaga nito sa ating
lipunan at para saan ang ginagawang pag-aaral. Mga pamamaraan na dapat bigyang
pansin para sa isang pananaliksik, kung kanino ba ang pananaliksik na ginagawa, at kung
sino ang gagawa ng pananaliksik. Lagi rin na bigyang halaga at pansin ang wikang
ginagamit sa pananaliksik dahil ito ang makatutulong sa pagbibigay-linaw ng mga
impormasyon at ideya. At panghuli, ay ang interpretasyon, perspektiba, o pananaw ng
respondente ay laging nakabatay sa mga punto at nais bigyang kasagutan mula sa
pananaliksik.

You might also like