You are on page 1of 5

Tekstong Argumentatibo :

Ipaglaban ang Katuwiran


• Ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag – usapan. Ito ay isang
bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng isang panig.
• Halimbawa ng Proposisyon
• 1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
• 2. Nakasasama sa pamilya ang pag – alis ng isag miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa.
• 3. Mas epektibo sa pagkatutuo ng mga mag – aaral ang multilingual
education kaysa sa bilingual education.
• Ang argumento ay ang pangalawang element ng
pangangatuwiran. Ito ay ang paglalatag ng mga
dahilanat ebidensya upang maging makatuwiran ang
isang panig.
Mga Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo.
• 1. Mahalaga at napapanahong paksa - Makakatulong ding kung may interes ka sa
paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag – isipan kung ano ang makatuwirang
posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.
• 2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto –
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng
pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang
paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa.
• 3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
• Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto.
• 4. Maayos na pagkakasunod – sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng
argumento – Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya
lamang.
• 5. Matibay na ebidensya para sa argumento – Ang tekstong argumentatibo ay
nangangailan ng detalyado, tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa
pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.

You might also like