You are on page 1of 8

Tekstong Deskriptibo:

Makulay na Paglalarawan
Aralin 4
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

Crizel Sicat-De Laza


May-akda
Kahulugan at Layunin ng Tekstong
Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay


may layuning maglarawan
ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba
pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan
ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang
partikular na karanasan.
Kahulugan at Layunin ng Tekstong
Deskriptibo
Sa isang tekstong
naratibo,
pinatitingkad ng
mahusay na
paglalarawan ang
kulay ng isang lugar
kung saan nangyayari
ang kuwento.
Ipinakikilala nito ang
hitsura, ugali, at
disposisyon ng mga
tauhan.
Kahulugan at Layunin ng Tekstong
Deskriptibo
Sa isang prosidyural na teksto,
natitiyak din ng mambabasa ang
hitsura, katangian, at kalikasan ng
yaring produkto sa pamamagitan
ng deskripsyon. Pinatatatag ng
paglalarawan ang anomang porma
ng sulatin kung mahusay at angkop
ang pagkagamit nito.
Samakatuwid, mahalagang gamit
ng deskripsyon ang pagkuha sa
atensyon ng mambabasa upang
maipaliwanag ang oryentasyon ng
isang malikhaing akda.
Katangian ng Tekstong
Deskriptibo
Katangian ng Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong
deskriptibo ay
may isang
malinaw at
pangunahing
impresyon na
nililikha sa mga
mambabasa.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong naratibo ay maaaring
maging obhetibo o suhetibo, at
maaari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba't ibang tono at
paraan sa paglalarawan. Ang
obhetibong paglalarawan ay mga
direktang pagpapakita ng
katangiang makatotohanan at 'di
mapasusubalian. Ang subhetibong
deskripsyon naman ay maaaring
kapalooban ng matatalinghagang
paglalarawan at naglalaman ng
personal na persepsiyon o kung ano
ang nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong
deskriptibo ay
mahalagang maging
espisipiko at
maglaman ng mga
konkretong detalye.
Ang pangunahing
layunin nito ay ipakita
at iparamdam sa
mambabasa ang bagay
o anomang paksa na
inilalarawan.

You might also like