You are on page 1of 26

Batay sa inyong napanood, ano-ano ang

mga pang-uri o mga salitang


naglalarawan na nakapaloob sa bidyo?
Gawain 1: Sarili mo, Ilarawan mo!
Ilarawan ang iyong sarili sa pamamagitan ng isang
kanta. Ibigay ang iyong mga katangiang pisikal at iba
pang katangian tulad ng pag-uugali, at pananaw.
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Tekstong Deskriptibo

Ang layunin ng tekstong deskriptibo ay


maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba pa.
Tekstong Deskriptibo
• Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng
mag-aaral na bumuo at malarawan ang isang partikular na
karanasan. Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng
pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining
na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na
magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na
makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Tekstong Deskriptibo
Ang deskripsyon ay isang uri rin ng paglalahad at
naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na
eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga manunulat na
gumawa ng sulating purong paglalarawan lamang ang
nilalaman. Pinatatag ng paglalarawan ang anomang
porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang paggamit
nito.
Tekstong Deskriptibo
Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang
pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang
maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing
akda. Kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan sa
tauhan at lunan o setting ng isang akdang pampanitikan.
KATANGIAN NG
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1. Ang tekstong deskriptibo ay may malinaw at
pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabasa.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• 2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging
obhetibo o subhetibo at maaaring ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t
ibang tono at paraan sa paglalarawan.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• Obhetibong Paglalarawan – direktang
pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian.
• Halimbawa: paglalarawan sa isang kaibigan:
pagbibigay ng taas, haba ng buhok, kulay ng balat,
at pananamit.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• Subhetibong Paglalarawan – kinapapalooban ng
matalinhagang paglalarawan at naglalaman ng personal na
persepsyon o ang nararamdaman ng manunulat sa
inilalarawan.
• Halimbawa: paglalarawan sa kaibigan: hingahan ng sama
ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng suliranin, o
kaya’y bukas na libro sa lahat dahil maingay at sa liberal
nitong katangian.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• 3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging
espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.
Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang
paksa na inilalarawan.
Halimbawa ng Obhetibo
•“May malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang
bahagi ng hagdan-hagdang palayan na
pinagmumulan din ng patubig sa mga
nakatanim na palay.”
Halimbawa ng Subhetibo
• “Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit
na ngiti, at mga matang may taglay nahalina sa
sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang
agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa
bawatmakasalubong ay dagling nakakukuha ng
atensiyon at tiwala ng iba.”
Gawain 2: Paglikha ng Photo Essay
•Kumuha ng mga larawan sa internet o magasin
batay sa mapipili mong paksa. Ang bawat
larawan ay bigyan ng deskripsyon sa
pamamagitan ng masining na paglalarawan.
Cohesive device
• Nasa isang ppt
• After ma idiscusss ang cohesive device. Gagawin ang susunod na activity (if applicabe)
• Sir Arnold paki check! 

• Yung travel brouchoure e sa school sana gagawin. Paano kaya? Hehe.


Gawain 3: Travel Brochure
Ikaw ay intern sa isang advertising agency. Ang ahensiya na ito ay
kinokonsidera ng Department of Tourism upang bumuo ng travel brochure na
nasusulat sa Filipino at naglalayong umakit ng mga lokal na turista. Ikaw ay
inatasan ng inyong agency upang bumuo ng paglalarawan para sa tatlong
magagandang tanawin; isangmatatagpuan sa Luzon, isang mula sa Visayas, at
isang mula sa Mindanao na isusumite sa Department of Tourism. Ang husay sa
pagkakasulat at nakakaakit na paglalarawan sa mga nabanggit na lugar,
paggamit ng angkop na datos ukol sa lugar, at paggamit ng angkop na cohesive
devices o kohesyong gramatikal ang magiging batayan sa pagpili kaya’t
paghusayan mo sana para mapili ang bubuoin mong tekstong deskriptibo.
Halimbawa ng Travel Brouchoure

You might also like