You are on page 1of 9

TEKSTONG

DESKRIPTIBO:

Makulay na
Paglalarawan
• Ito ay may layuning mag larawan ng
isang bagay, tao, lugar,
karanasan,
sitwasyon, at iba pa.

•Ang uri ng sulating ito ay


nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-
aaral na bumuo at maglarawan ng
isang partikular na karanasan.
•Nagbibigay ang sulating ito ng
pagkakataon na mailabas ng mga
mag-aaral ang masining na
pagpapahayag.

• Ang deskripsyon ay isang uri ng


paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na
eksposisyon.
KATANGIAN
NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. Ang tekstong
deskriptibo ay may isang
malinaw at pangunahing
impresyon na nililikha sa
mga mambabasa.
2. Ang tekstong deskriptibo
ay maaaring maging
obhetibo o subhetibo, at
maaari ding
magbigay ng pagkakataon sa
manunulat ng iba’t-
ibang tono at paraan
sa paglalarawan.
2.1. Ang obhetibong
paglalarawan ay
mga
direktang pagpapakita ng
katangiang makatotohanan at
hindi mapasusubalian.
2.2. Ang subhetibong
deskripsyon naman
ay
maaaring kapalooban ng
matatalinhagang paglalarawan
at naglalaman ng personal na
persepsiyon o kung ano ang
nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo
ay mahalagang maging
espisipiko at maglaman ng
mga
konkretong detalye. Ang
pangunahing layunin nito ay
ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o
anomang paksa na
inilalarawan.

You might also like