DESKRIPTIBO MAKULAY NA PAGLALARAWAN Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng labi ang pagkipot.
Ang pag ngiti ay nakatutulong upang
pagaanin ang damdamin ng iba. Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan ■ naglalarawan at karaniwang naglalaman ng mga impormasyon ukol sa katangian ng bagay, lugar, pangyayari, at tao. ■ ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. ■ Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. ■ Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin :
■Ang tekstong deskriptibo ay may
layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo: 1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. 2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan. Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo: 3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.