You are on page 1of 13

TEKSTONG

PROSIDYURAL
Alamin ang mga
Hakbang
Pagsasaing:
1. Magtakal ng bigas at ilagay sa
kaldero ayon sa tamang dami.
2. Hugasan ang bigas ng dalawang
ulit.
3. Isalang sa kalan ang kaldero at
hintayin na maluto.
4. Ihain habang mainit.
Ang tekstong prosidyural ay
nagpapakita ng pagkakasunod
sunod ng mga hakbang, pahayag,
o pangyayari. Ito ay karaniwang
tumutugon sa tanong na paano.
Deskripsiyon: Ito ay isang uri ng
paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng impormasyon at
instruksiyon kung paanong
isasagawa ang isang tiyak na
bagay.
Layunin: layunin ng tekstong ito
na makapagbigay ng sunod-
sunod na direksiyon at
impormasyon sa mga tao upang
tagumpay na maisagawa ang mga
gawain sa ligtas, episyente at
angkop na paraan.
Ang tekstong Prosidyural ay may apat
na nilalaman :
1) Layunin o target na awtput -
nilalaman ng bahaging ito kung ano ang
kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto
ng prosidyur.
2) Kagamitan - Nakapaloob dito
ang mga kasangkapan at
kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang
proyekto.
3) Metodo- serye ng mga
hakbang na isasagawa upang
mabuo ang proyekto.
4) Ebalwasyon- naglalaman ng
mga pamamaraan kung paano
masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.
Katangian ng wikang madalas
gamitin sa mga tekstong prosidyural:
1) Nasusulat sa kasalukuyang
panahunan
2) Nakapokus sa pangkalahatang
mambabasa hindi sa iisang tao lamang
3) Tinutukoy ang mambabasa sa
pangkalahatang pamamaraan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
panghalip
4) Gumagamit ng mga tiyak na
pandiwa para sa instruksiyon.
5) Gumagamit ng malinaw na pang-
ugnay upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod ng mga bahagi
ng teksto
6)Mahalaga ang detalyado at tiyak na
deskripsiyon.

You might also like