Professional Documents
Culture Documents
Singkapital News: Bayaning Guro Sa Panahon NG Pandemya
Singkapital News: Bayaning Guro Sa Panahon NG Pandemya
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
CASON ELEMENTARY SCHOOL
SANCAGULIS, BAYAMBANG, PANGASINAN
Singkapital News
Bayaning Guro sa Panahon ng Pandemya
LYN DIAZ
Teacher Broadcaster
“Lahat tayo ay BAYANI…. Sa panahon ngayon ng pandemya, marami ang mga taong
nangangailangan ng tulong. Ang pagbibigay ng tulong ay walang pinipili dahil ito ay obligasyon
natin sa ating kapwa.” , yan ang adbokasiya ng Bayambang Bayaning Guro na si Gng. JOCELYN
DIAZ- VILLEGAS, Guro mula sa Mababang Paaralan ng Cason, Bayambang, Pangasinan.
Hinirang siyang Bayaning Guro ng Bayambang ng Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I
Pangasinan sa nakaraang pagdiririwang ng “World Teachers Day” ika 3 ng Oktubre, 2019.
Noong ika- 22 ng Abril, 2020 naman ay nagbigay nang tig sampung (10) face shield sa
mga frontliners ng RHU 1- Bayambang, RHU 2 - Wawa at RHU 3 - Carungay upang magsilbing
proteksyon ng mga bayani nating manggagamot laban sa nakamamatay na virus. Hindi pa dito
natapos ang pagtulong ni Villegas sa buwan na iyon sapagkat sila ay namigay pa ng relief goods
para sa tatlung daan at pitumput lima (375) na pamilya sa Bayambang. Sa kabila ng panganib at
takot na maaaring mahawa sila sa nakamamatay na virus ay nanaig pa rin ang kanilang
kagustuhan na makatulong. Tatlumpong relief packs para sa tatlumpong pamilya bawat barangay
ang ipinamahagi nila sa mga pamilyang mas nangangailangan nito. Ang bawat supot ng relief
packs ay naglalaman ng limang kilo ng bigas, dalawang noodles, isang lata ng cornbeef at
dalawang pakete ng kape. Araw araw ay tinutukan ito ni Villegas mula sap ag rerepack hanggang
sa pagbabahay bahay upang masigurong maibigay ang tulong. Ilan sa mga barangay na nabigyan
nila ng relief packs ay ang brgy. Buayaen, Magsaysay, Sancagulis, Bical Sur, Malimpec, at iba pa.
Hindi nakaligtaan ni Madam Jo ang pamilya ng kanilang mga mag- aaral sa Cason kung kayat sila
ang angunahing binepisaryo ng mga ito. Ika nga sa puso ng mga guro ang mag –aaral nito ang
kanyang nasa puso pangalawa sa kanyang pamilya. Mula kindergarten hanggang ika anim na
baytang ang nangalap si Mam Jo ng mga pamilyang mas nangangailangan ng tulong o relief pack.
Paaralan Dr. Shiela Marie A. Primicias, na “No Learners will be Left Behind” Si Mam Jo na
bayaning Guro ng Bayambang kasama ang mga Bayaning Guro ng Sual, Malasique, Basista,
Mangatarem, Mabini, Lingayen at Sta Barbara ay nagka isa sa kauna unahang Outreach
Program ng mga Bayaning Guro 2019 ng Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I
Pangasinan.Ang bawat isa ay may naka atang na baytang upang bilhan nila ng school supplies
para sa taong pampanuruan 2020- 2021. Si Mam Jo ay kusang loob na nagbigay ng 27 packs ng
shool supplies para sa ikalawang baytang na mga mag aaral ng Mababang Paaralan ng
Cabinuangan, Distrito ng Mabini I, Mabini, Pangasinan. Ang haba ng biyahe ay hindi alintana ng
mga Bayaning Guro makarating lang sa dalawang paaralan na pagbibigyan nila ng mga school
supplies kasama ang dalawang sako (2) ng bigas, 1sang (1) 32 inches na lead tv at mga damit
mula naman sa tanggapan ng Pangalawang Punong Pnasangay na Tagapamihala ng mga
Paaralan Dr. Shiela Marie A. Primicias..