You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

BALITANG-SURI BLG. 1
Pangalan: _________________________________________ Marka:
Baitang at Seksyon: ______________________________

Panuto: Manood/makinig/magbasa ng mga napapanahong balita na nagaganap maging ito man ay


mapa-lokal o internasyunal. Pumili ng isang balitang ibig mong suriin sa pamamagitan ng pagpunan ng
mga impormasyon sa ibabang talahanayan.

ULO NG BALITA
Presyo ng sibuyas, inaasahang bababa sa P120/kilo sa Pebrero

NILALAMAN
MANILA, Philippines — Inaasahan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na
posibleng bumaba ang mga presyo ng sibuyas sa Pilipinas ng hanggang P120 kada kilo sa Pebrero.

Ayon kay SINAG president Rosendo So, bunsod na rin ito nang inaasahang pag-aani ng humigit-
kumulang 20,000 metriko tonelada ng sibuyas ng mga lokal na magsasaka sa susunod na buwan.

Sinabi pa ni So na ang farm gate price ng sibuyas ay maaaring bumaba sa P80-P100 kada kilo at
maaaring maipagbili naman ito ng P120-P150 kada kilo sa mga retail store pagkatapos ng ani.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), sa kasalukuyan, ang presyo ng mga lokal na
sibuyas ay nasa pagitan ng P400 at P600 kada kilo sa ilang wet markets.

Sinabi ni So na ang pagtaas ng presyo ay dulot ng hindi pag-aangkat ng gobyerno ng mga sibuyas
noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag naman ni DA spokesperson Rex Estoperez na tumanggi silang mag-angkat ng sibuyas


noon dahil maraming sibuyas ang nakukumpiska.

“Hindi tayo nag-import, pinabayaan natin nung Christmas, tumaas ang presyo, kasi may pumapasok na
off-season harvest pero napakanipis na hindi makapagpa-pull down ng price natin,” paliwanag pa niya.

Kamakailan lamang ay inaprubahan na ng DA ang pag-aangkat ng 21,060 metriko toneladang sibuyas


para mapababa ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Sinabi ni Estoperez na inaasahan nilang darating ang mga inangkat na sibuyas sa Enero 27.

Gayunpaman, sinabi ni So na hindi garantiya ng importasyon na ibababa nito ang mga presyo dahil
maaaring pansamantalang ilagay ito ng mga negosyante sa cold storage at ipagpaliban muna ang
pagbebenta.

REAKSIYON AT REPLEKSIYON

Document Code: SDO1P-FR001


Address: Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Revision No.: 01
Telephone No.: (075)-522-2202
Page No.: Page 1 of 3
Email: pangasinan1@deped.gov.ph
Effectivity Date: 12-09-2019
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

Mga Gabay na Taong:


1. Ano ang paksa ng iyong napili o nabasang balita?
2. Dapat mo bang bigyan ng pansin ang isyung katulad nito?
3. Paano nakaapekto ang napapanahong isyung ito sa iba pang isyung kinakaharap ng ating
bansa?
4. Ano ang kahalagan o kinalaman ng balitang sinuri sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay
bilang mag-aaral?
PINAGKUNAN
Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

PETSA
Ika-15 ng Enero 2023

ARAL BASA, ARAL BALITA: “Kabataang Mulat sa Kasalukuyan at Hinaharap”

BALITANG-SURI BLG. 1
Pangalan: _________________________________________ Marka:
Baitang at Seksyon: ______________________________

Panuto: Manood/makinig/magbasa ng mga napapanahong balita na nagaganap maging ito man


ay mapa-lokal o internasyunal. Pumili ng isang balitang ibig mong suriin sa pamamagitan ng
pagpunan ng mga impormasyon sa ibabang talahanayan.
Document Code: SDO1P-FR001
Address: Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Revision No.: 01
Telephone No.: (075)-522-2202
Page No.: Page 2 of 3
Email: pangasinan1@deped.gov.ph
Effectivity Date: 12-09-2019
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

ULO NG BALITA

NILALAMAN

REAKSIYON AT REPLEKSIYON

PINAGKUNAN

PETSA

ARAL BASA, ARAL BALITA: “Kabataang Mulat sa Kasalukuyan at Hinaharap”

Document Code: SDO1P-FR001


Address: Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Revision No.: 01
Telephone No.: (075)-522-2202
Page No.: Page 3 of 3
Email: pangasinan1@deped.gov.ph
Effectivity Date: 12-09-2019

You might also like