Department of Education ALS-001 Region III – Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA Revision: 00 High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando Effectively date: 05-08-18 Name of Office: LS 1- FILIPINO Alternative Learning System
District of SAN LUIS - Alternative Learning System
_______________________ PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIB O 1. tulog 2. kain 3. iyak 4. Takbo 5. sulat 6. higa 7. salita 8. talon 9. guhit 10. alis Panuto: Banghayin sa tatlong aspekto ng pandiwa ang mga sumusunod na salita.
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik A,B o C kung saan:
A = Naganap / Perpektibo B = Nagaganap / Imperpektibo C = Magaganap / Kontemplatibo
___ 1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
___ 2. Hiniram ni Emily ang aklat ko. ___ 3. Maglalaro kami ng patintero mamayang hapon. ___ 4. Iinom ako ng gamot para gumaling na ang aking ubo. ___ 5. Si Ate Mina ang naglinis sa kusina. ___ 6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok. ___ 7. Ang mga bata ay naligo sa ulan kanina. ___ 8. Sino ang sumagot ng tawag sa telepono? ___ 9. Si nanay ay maglalaba bukas. ___ 10. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral. ___ 11. Nagsimba kami kahapon. ___ 12. Si Ate May ang magsasaing mamayang gabi. ___ 13. Ibibili ako ng bagong sapatos ni Nanay. ___ 14. Bumuhos ang malakas na ulan kagabi. ___ 15. Ano ang ihahanda mo sa darating na pista?