You are on page 1of 16

Reviewer in AP 5

Second Quarter
1. Isa sa mga dahilang dala ni
Magellan sa kanyang Ekspedisyon ay
ang paghahanap sa Spice Island. Ano
ang makukuha nila dito?
A.Mga kagamitan sa paggawa ng bangka
B.Mga kagamitan o materyales sa
paggawa ng alak
C.Mga pampalasa sa pagkain
D.Mga tela at palamuti sa mga kasuotan
2. Naging hudyat ng darating na malaking
pagbabago sa kalagayan ng mga pamayanan ng mga
sinaunang Filipino ang isang pangyayari noong
1521. Anong pangyayari ang naganap ng taong
iyon?
A. Nabigyang-linaw ang konsepto ng kolonyalismo
B.Ang pagdating ng manlalayag na si Ferdinand
Magellan sa kapuluan ng Pilipinas upang pairalin
ang kolonyalismo.
C.Patuloy na pag-unlad ng mga sinaunang Filipino
D.Pagyakap sa mga Espanyol bilang bagong
tagapamahala ng bansa.
3. Ano ang hindi naging magandang
epekto ng kolonisasyon sa bansa?
A. Nalinang ng husto ang likas na yaman
ng bansa
B. Ang mga Pilipino ay natuto sa mga
gawain pang industriya
C. Nakinabang ang mga Pilipino sa
pagdating ng mga Espanyol
D. Ang mga Espanyol ang higit na
nakinabang sa likas na yaman ng bansa
4. Maraming kaganapan sa panahon ng pagdating ng
mga Espanyol dahil sa pagpapalaganap ng
kolonyalismo sa bansa. Alin sa mga sumusunod ang
hindi tumutukoy sa kolonyalismo?
A. Tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol
ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
B. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa
kalagayang pampolitika ng isang bansa.
C. Ito ang simula ng unang yugto ng imperyalismo sa
bansa.
D.Ito ang pakikipagkaibigan ng malalaking bansa sa
maliliit na bansa upang maging magkakampi sa isang
labanan.
5. Bukod sa yamang likas na taglay ng Pilipinas,
ano pa ang ibang dahilan ng pagsakop ng
Espanya dito?
A.Ninais nilang maging kaibigan ang mga Pilipino
B.Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa
bansa at sa mga Pilipino
C.Gusto nilang makilala ang Pilipinas bilang sentro
ng industriya
D.Gusto nilang pagsama samahin ang mga Pilipino
sa iisang layunin
6. Sa panahon ng paggalugad at pagtuklas,
naging aktibo ang maraming bansa sa Europa
na maglayag at magtungo sa mga hindi pa
nararating na bahagi ng daigdig. Aling mga
bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng
ibang lugar o bansa sa mundo?
A. Portugal at Amerika
B. Espanya at India
C. Portugal at Espanya
D. Amerika at Espanya
7. Sa matagumpay na pagkatatag ng
kolonyang Espanyol sa Pilipinas noong
1565, nagsimulang magbago ang
kinagisnang pamumuhay ng mga katutubong
Pilipino na napasailalim ng kapangyarihang
Espanyol. Sino ang namuno sa kolonya ng
panahong iyon?
A.Ferdinang Magellan
B.Miguel Lopez de Legazpi
C.Ruy Lopez de Villalobos
D.Papa Alexander IV
8. Nagkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng
Spain at Portugal. Naging mahigpit ang
tunggalian sa pagitan ng dalawang bansa sa
pagtuklas at pananakop ng bagong lupain. Sino
ang nagbigay ng pahintulot sa bansang Portugal
at Espanya na tumuklas ng ibang lugar o bansa
upang mapalaganap ang Kristiyanismo?
A. Papa Juan Pablo
B. Papa Alexander the Great
C. Papa Juan IV
D. Papa Alexander VI
9. Ang mga sumusunod ay siyang naging
pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas ng
mga lupain maliban sa isa.
A. Libutin ang daigdig upang makahanap ng mga
bagong kaibigan at hanapbuhay
B.Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga
kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain
C.Layon ng mga Espanyol na maipalaganap ang
relihiyong Kristiyanismo
D.Hangad ng mga Espanyol na makamit ang
karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang
bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain
10. Nagsimula ang pagsagawa ng
kolonyalismo sa daigdig nang
magtagumpay ang mga kanluranin sa
pagtuklas ng bagong lupain. Ano ang
itinawag sa panahong ito?
A.Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas
B.Panahon ng Pagsakop at Pagtuklas
C.Panahon ng Pagsakop at Paglaban
D.Panahon ng pagtuklas at Paglaban
11. Tawag ng mga Espanyol sa bayan
na binubuo ng malalaking
populasyon na makapangyarihan.
A. Ayuntamiento
B. Pueblo
C. Ciudad
D. Padron
12. Tawag sa lalawigan na nahahati
sa mas maliit na yunit-politikal.
A. Ayuntamiento
B. Pueblo
C. Ciudad
D. Padron
13. Namumuno sa mga corregimiento.
A. Corregidor
B. Barangay
C. Alcaldia
D. Pamahalaang Lokal
14. Pinakamaliit na yunit ng
pamahalaang lokal.
A.Corregidor
B.Barangay
C.Alcaldia
D.Pamahalaang Lokal
15.Tawag sa lalawigan na
pinamumunuan ng alcalde mayor.
A. Corregidor
B. Barangay
C. Alcaldia
D. Pamahalaang Lokal

You might also like