You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 5

Quarter 1
Summative Test 3

Pangalan: ______________________________________ Petsa: ___________________


Guro: __________________________________________ Baitang: _________________

I. Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ano ang mga kagamitan sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. basket at lason B. bingwit C. lambat D. lahat ay tama
2. Saan nakaugnay ang pagmamay-ari sa lupa ng mga sinaunang Pilipino?
A. karapatan sa paggamit ng lupa
B. pakikinabang o paggamit para sa kapakinabangan ng mga miyembro
C. nilalagyan nila ito ng pananda tulad ng pagbabaon ng kapirasong kahoy
D. lahat Nang nabanggit ay tama
3. Bakit pangingisda ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. dahil ito lamang ang alam nilang hanapbuhay
B. dahil wala silang ibang mga kagamitan para sa ibang hanapbuhay
C. dahil ang Pilipinas o ang kapuluan nito ay napapaligiran ng katubiganan at ang
pagiging insular ng Pilipinas
D. wala sa nabanggit
4. Ano ano ang gawaing pang-ekonomiko noong sinaunang panahon?
A. pagmimina B. pangingisda C. pagsasaka D. lahat ay tama
5. Sa mga sumusunod na uri ng punongkahoy, alin ang ginagamit upang makagawa ng
bangka?
A. apitong B. lawan C. mahogany D. narra
6. Ang mga sinaunang Pilipino ay may ibat-ibang gawaing pang-industriya na natuklasan , alin
sa sumusunod ang HINDI kabilang?
A. pagpapalayok C. paggamit ng hilaw na sangkap o material
B. paggawa ng mga tarpaulin D. paghahabi at paggawa ng sasakayang pandagat
7. Ano ang magandang katangian ng mga sinaunang Pilipino na hanggang sa ngayon ay kitang
kita pa rin sa atin?
A. matiyaga B. masipag C. mapagmalasakit D. lahat ay tama
8. Saang lugar sa Pilipinas ang naging pangunahing hanapbuhay ay pagmimina?
A. Luzon B. Mindanao C. Visayas D. walang tamang sagot
9. Ang tawag ng mga Espanyol sa mga Filipinong may tato sa katawan
A. Pintados B. Ganbanes C. Pinta D. Tapis
10.Ang mga sumusunod ay mga kaugalian ng mga sinauang Filipino sa paglilibing maliban sa
isa.
A. Paglalangis C. Pagbibihis ng magagarang kasuotan
B. Paglilinis D. Paglalagay ng sapin
11.Ano ang mapapakilanlan na ang mga Pilipino ay mayaman sa kultura at kabihasnan?
A. paniniwala at tradisyon C. paglaganap ng relihiyong Islam
B. edukasyon, pagsulat at wika D. lahat ay tama
12.Ito ay kasuotang pang-itaas ng mga kalalakihan?
A. bahag B. baro C. kanggan D. pintados
13.Kailan masasabing ang lalaking may putong ay nakapaslang na ng pitong tao?
A. may putong na nakabalot sa ulo C. mayroong suot na pulang putong
B. may puting putong sa ulo D. mayroong suot na burdadong putong
14.Bakit tinatawag na mga Espanyol na pintados ang mga Pilipino?
A. dahil puro pinta ang katawan C. dahil sila ay may tattoo
B. dahil malinis ang katawan D. dahil sila ay maraming nakabalot na
palamuti sa katawan
15.Ang mga sinaunang Pilipino ay mula sa iba’t-ibang lugar ay may mga panahanan na
kanilang tinitirhan. Ano ang tawag sa bahay na kung saan matatagpuan ang sala at tulugan
sa kusina, walang tiyakad at nakatayo sa mismong lupa at may lime at bato.
A. Bahay-Kubo B. Fayu o Fale C. Rakuh D. Torogan
16.Siya ang ngapalaganap ng Islam sa Sulu at pinagkalooban ng pangalang Sharif ul-Hashim
nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang pamahalaang batay sa Sultanato ng
Arabia.
A. Abu Bakr B. Karim –Ui-Makdum C. Muhammad D. Tuan Masha’ika
17.Bakit sinabing ang mga sinaunang Pilipino ay mayaman sa pagsasalin ng kultura?
A. dahil noon pa man ay may sarili nang musika, instrument, sayaw at paraan ng
panliligaw sa mga babaeng minamahal
B. dahil may sariling paraan ng paniniwala at pananampalataya ang ating mga
ninuno
C. dahil makikitang maraming sinaunang mga kagamitan ang may mga simbolo
D. lahat ng nabanggit ay tama
18.Kung dallot ay mahabang berso na binibigkas ng paawit ng panghaharana ng mga Ilokano,
ano naman ang awit ng mga Igorot sa panghaharana sa iniirog?
A. Ayeg-Klu B. Dallot C. Pagdiwata D. Tinikling
19.Ang mga sumusunod ay mga instrumento na kilala sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, alin
ang hindi kabilang?
A. Gangsa B. kaleleng C. salidsid D. tambuli
20.Dallot –Ilocano, Ayeg-Klu- Igorot, Bangibang-Kalinga, Pagdiwata-Tagbanwa, Palawan; alin sa
magkakapareha ang hindi tama?
A. Ayeg-Klu- Igorot C. Bangibang-Kalinga
B. Dallot –Ilocano D. Pagdiwata-Tagbanwa, Palawan
AP
1. D
2. D
3. C
4. D
5. B
6. B
7. D
8. C
9. A
10. D
11. D
12. C
13. D
14. C
15. C
16. A
17. D
18. A
19. B
20. C

You might also like