You are on page 1of 9

MAPEH 1 (HEALTH)

SY. 2021-2022 - THIRD QUARTER - WEEK 5


__________________________________________________________________________________________

I. Objectives (Layunin)
A. Content Standards (Pamantayang Pangnilalaman)
Understands the importance of keeping the home environment healthful

B. Performance Standards (Pamantayan sa Pagganap)


Consistently demonstrates healthful practices for a healthful home environment

C. Learning Competencies (Mga Kasanayansa Pagkatuto)


H1FH-IIIa-1-Describes the characteristics of a healthful home environment
H1FH-IIIb-2-Discusses the effect of clean water on one’s health
H1FH-IIIb-2-Discusses how to keep water at home clean
H1FH-IIIde- 4-Practices water conservation
D. Layunin (Objectives):
• Describing the characteristics of a healthful home environment
• Discussing the effect of clean water on one’s health
• Discussing how to keep water at home clean
• Practicing water conservation
II. NILALAMAN(Content): Fast and Slow Movement while using Locomotor Skills
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. References
https://www.youtube.com/watch?v=9DwmRA1PCXE
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Mga Larawan

I. PAMAMARAAN(Procedures):

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bago ng aralin (Subukin):

Magandang araw. Kumusta ang araw mo ngayon?

Bago ka magsimula sa ating aralin, pagmasdan ang


iyong lugar o kapaligiran. Ano ang masasabi mo? Ito
ba ay malinis o marumi?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin/ pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


(Panimula)

Sa tulong ng iyong mga magulang awitin ang kantang


“Maglinis Tayo”. Maaaring panoorin ang video sa youtube.
(https://www.youtube.com/watch?v=9DwmRA1PCXE)

Maglinis Tayo

Maglinis tayo
Halina’t maglinis
Ng ating tahanan
Sikaping maaayos
Sa araw-araw
Mabuting bayan
Ang ganyang asal
Dapat manatili magpakailan pa man.
C. Presenting examples/instances of the new lesson (Pagtatalakay ng bago ng
konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/ Alamin Mo/Tuklasin)

Napakinggan mo bang maayos ang awit?


Ano ang masasabi mo sa awit?
Kailan dapat maging malinis ang ating tahanan?

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1 (Pagtalakay ng


bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1)

Pagmasdan mabuti ang mga larawang nasa ibaba.

1.

2.

1. Ano ang masasabi mo sa unang at ikalawang larawan?


2. Ano naman ang masasabi mo sa ikatlo at ikaapat na
larawan?
3. Bakit kaya marumi ang kanilang bahay at kapaligiran?
4. Alin sa tahanan ang gusto mong tirahan? Bakit?
Ngayon pagmasdan ulit ang mga sumusunod na larawan.

Ikumpara ang unang larawan sa ikalawang larawan?


Palagay mo ba ang maruming tubig ay makakabuti kalusugan
ng mga tao? Bakit?
E. Discussing new concepts and practicing new skills #2 (Pagtalakay ng
bagongkonsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Ang tubig ay isa sa mga pinaka kailangan ng tao sa kanyang araw-araw


na pamumuhay.

Ang pag-inom ng tubig araw-araw ng walong o higit pang baso ng tubig


ay mainam at mabuti sa tao. Kailangan ay malinis na tubig ang ating
iinumin at gagamitin.

Madalas nating ginagamit ang tubig sa pagluluto, paglalaba, paglilinis ng


bahay, pagdilig ng tubig at iba, kaya tunay na napaka importante ng
tubig sa atin.

TRIVIA!

Alam niyo ba na ¾ ng ating mundo ay katubigan.


Mas madami ang tubig ng ating mundo kaysa sa lupa.

Paano natin mapapanatiling malinis ang ating tubig?

Huwag magtapon ng tubig sa mga kanal, ilog o mga dagat. Maging


ang pagtapon ng basura sa lupa ay magiging dahilan upang
makontamina ang ating tubig na ginagamit.

Mga hakbang upang makatipid sa paggamit ng tubig.

1. Gumamit ng baso kapag ikaw ay nagsisepilyo.


2. Maaaring ipunin ang tubig na pinagliguan o pinagbanlawan ng
damit dahil magagamit pa ito sa paglilinis ng bahay at sasakyan
at sa pagdilig ng mga halaman.
3. Gumamit ng timba at tabo kapag naliligo.
4. Isara ng mabuti ang gripo upang hindi tumagas ang tubig.
5. Huwag paglaruan ang tubig.

F. Developing mastery (Leads to Formative assessment)(Paglinang sa kabihasnan)

A. Lagyan ng tsek (✓) kung ito at nagsasaad ng malinis na tahanan o kapaligiran.


Ekis (x) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

___________1. Maraming ipis at daga sa loob ng tahanan.


___________2. May maayos na lalagyanan ng basura.
___________3. Malinis at presko ang kapaligiran.
___________4. Maraming basura sa kanal.
___________5. May malinis na palikuran o CR.

B. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagsasabi ng wastong paggamit


ng tubig, malungkot na mukha naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa patlang.

____________1. Hayaang nakabukas ang gripo habang naghuhugas ng plato.


____________2. Maaaring gamitin ang pinagbanlawan ng nilalabhang damit sa pagpunas
ng sahig.
____________3. Pabayaang nakabukas ang shower habang nagsasabon ng katawan.
____________4. Gumamit ng baso habang nagsisepilyo.
____________5. Isara ng maayos ang gripo pagkatapos maghugas ng kamay.
G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living
(Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay)

Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa iyong barangay o


tahanan upang mapanatiling malinis ang iyong kapaligiran o tahanan.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Ano ang natutunan mo sa ating aralin ngayon?

Ang tubig ay isa sa mga pinaka kailangan ng tao sa kanyang araw-araw na


pamumuhay.

Ang pag-inom ng tubig araw-araw ng walong o higit pang baso ng tubig


ay mainam at mabuti sa tao. Kailangan ay malinis na tubig ang ating
iinumin at gagamitin.
Madalas nating ginagamit ang tubig sa pagluluto, paglalaba, paglilinis ng
bahay, pagdilig ng tubig at iba, kaya tunay na napaka importante ng tubig
sa atin.
Paano natin mapapanatiling malinis ang ating tubig?
Huwag magtapon ng basura sa mga kanal, ilog o mga dagat. Maging ang
pagtapon ng basura sa lupa ay magiging dahilan upang makontamina ang
ating tubig na ginagamit.

Mga hakbang upang makatipid sa paggamit ng tubig.


1. Gumamit ng baso kapag ikaw ay nagsisepilyo.
2. Maaaring ipunin ang tubig na pinaliguan o pinagbanlawan ng damit
dahil magagamit pa ito sa paglilinis ng bahay at sasakyan at sa
pagdilig ng mga halaman.
3. Gumamit ng timba at tabo kapag ikaw ay naliligo.
4. Isara ng mabuti ang gripo upang hindi tumagas ang tubig.
5. Huwag paglaruan ang tubig.

I. Evaluating learning (Pagtataya ng aralin)

A. Kulayan ang puso ng kulay pula kung ang larawan ay nagpapakita ng maaayos,
malinis at ligtas na tahanan. Kulay itim kung hindi.
B. Isulat ang TAMA sa guhit kung wasto ang sinasabi o binabanggit. MALI naman kung
hindi.

____________1. Ang mga insekto at langaw na mula sa maruming paligid ay nagdadala ng


sakit.

____________2. Kailangan natin ng malinis na tubig.


____________3. Laging linisin ang loob at labas ng bahay.
____________4. Itapon ang basura kahit saan.

____________5. Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.


C. (10 puntos) Gumuhit sa isang papel ng isang malinis na bahay at maruming bahay at
kulayan ito ng maayos.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang gawain para


sa takdang aralin at remediation)

Ibahagi sa iyong mga kamag-anak ang kahalagaan ng tubig at kung paano


sila makakatipid ng tubig.

I. Objectives (Layunin)
D. Content Standards (Pamantayang Pangnilalaman)
Understands the importance of keeping the home environment healthful
E. Performance Standards (Pamantayan sa Pagganap)
Consistently demonstrates healthful practices for a healthful home environment
F. Most Essential Learning Competencies (Mga Kasanayansa Pagkatuto)
H1FH-IIIfg-5-explains the effect of indoor air on one’s health
H1FH-IIIfg-6-identifies sources of indoor air pollution
H1FH-IIIfg-7-practices ways to keep indoor air clean
D. Layunin (Objectives):
• Explaining the effect of indoor air on one’s health
• identifying sources of indoor air pollution
• practicing ways to keep indoor air clean
II. NILALAMAN(Content): air pollution

Kagamitang Panturo (Learning Resources)


C. References
https://www.youtube.com/watch?v=9DwmRA1PCXE

D. Iba pang Kagamitang Panturo: Mga Larawan

II. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bago ng aralin (Subukin):

Magandang araw sa inyong lahat! Komusta ang araw mo


ngayon?

Bago tayo magsisimula sa ating aralin, Ano ang huling pinag-


aralan natin?
Tungkol saan ito?
Nabahagi mo ba sa iyong mga kamag-anak ang kahalagahan
ng tubig sa mga tao?

Magaling!

B. Paghahabi sa layunin ng aralin/ pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


(Panimula)

Bago tayo magsimula, huminga ka muna ng malalim ng


sampung (10) beses.
Magaling! Ano ang iyong naramdaman?

Ngayon subukan mo naman huminga ngunit takpan mo ang


iyong ilong at bibig.
Ano ang iyong naramdaman?

Tama! Ikaw ay hindi nakahinga ng maaayos!

C. Presenting examples/instances of the new lesson (Pagtatalakay ng bago ng


konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Paglinang/ Alamin Mo/Tuklasin)

Pagmasdan mong mabuti ang aking ipakakitang larawan sa iyo.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1 (Pagtalakay ng


bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1)

Sa mga laraawan na nasa itaas, ano ang masasabi mo sa unang


larawan?
Ano ang hangin ang maaamoy mo kung titingnan ang unang
larawan?
Mabuti ba ito sa mga tao? Bakit
Sa ikalawang larawan naman, ano an gang iyon napapansin mo
sa hangin nalalanghap ng magpapamilya?
Abuti ba ito sa kanila? Bakit?
Ang masamang hangin ay hindi nakakabuti sa ating mga tao. Maaari
itong magdulot ng maraming sakit saatin. Kagaya ng paghirap sa
paghinga, sakit sa puso, kanser sa baga at marami pang iba.

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2 (Pagtalakay ng


bagongkonsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Ang hangin din ay isa sa mga pinaka kailangan ng tao upang


mabuhay.

Ang kapaligiran ay lugar kung saan tayo kumukuha ng hangin.


Ito ay bigay ng Diyos sa atin. Ito ay isa rin mahalagang bagay sa
mundo. Ano nga ba ang magagawa mo bilang mag-aaral
upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran? Ano-ano ang
mga dahilan kung bakit nagiging marumi ang hangin na ating
nalalanghap?

Mga dahilan kung bakit nagiging marumi ang hangin.

Pagtatapon ng basura kahit saan Usok na nagmumula sa mga pabrika Pagpuputol ng mga puno

Pagsusunog ng mga basura Mga sasakyan may maiitim at


mauusok na sasakyan

Paano natin mapapanatiling malinis ang ating hangin?

1. Paglilinis ng tahanan

Ang unang paraan kung paano mapapanatili ang ating kapaligiran ay pagsisimula ng kalinisan sa ating
tahanan. Laging tandaan na hindi natin magagawang panatalihin ang kalinisan ng ating kapaligiran
kung sa ating tahanan pa lamang ay hindi na natin magawa.
2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan

Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang tungkulin ng bawat mamayanan. Ito ay mahalaga
dahil maaari nating maiwasan ang polusyon na makakasira sa atin lalo na sa kapaligiran.
Makakatipid sa paggamit ng paulit ulit o re-use. Ang reduce naman ay ang pagbabawas sa pagbili
ng mga plastik. At ang huli, ang recycle ay ang paggawa ng bagong materyal gamit ang mga luma
o patapong bagay na.

3. Pagtatanim ng mga punongkahoy

Ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinaka-epektibong paraan kung paano mapipigilan ang
pagbaha at pagguho ng lupa mula sa kabundukan.

4. Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang paraan kung paano mas mapapaganda ang
ating kapaligiran o komunidad.

F. Developing mastery (Leads to Formative assessment)(Paglinang sa kabihasnan)

Kulayan ang bilog ng pula kung ang larawan ay nagdudulotng masamang hanin
o air pollution at berde kung hindi.

Usok mula sa nasusunog na


1. basura

Malinis na tahanan
2.

Itim na usok na nagmumula sa sasakyan


3.

Nakahiwalay ang mga ibat’t-ibang uri ng basura


4.

Mga matatapang na amoy ng mga chemicals

5.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living


(Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay)

Bilang isang mag-aaral, paano mo makukumbinsi ang mga tao na


panatilihing malinis ang ating hangin o kapaligiran.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Ano ang natutunan mo sa ating aralin ngayon?


Ang hangin din ay isa sa mga pinaka kailangan ng tao upang mabuhay.
Ang kapaligiran ay lugar kung saan tayo kumukuha ng hangin. Ito ay bigay
ng Diyos sa atin. Ito ay isa rin mahalagang bagay sa mundo. Ano nga ba ang
magagawa mo bilang mag-aaral upang mapanatiling malinis an gating
kapaligiran? Bago natin banggitina ng magagawa mo sa ating kapaligira.
Ano muna ang mga dahilan kung bakit nagiging marumi ang ating hanging
nilalanghap.
Mga dahilan kung bakit nagiging marumi ang hangin.

1. Pagtatapon ng basura kahit saan


2. Usok na nagmumula sa mga pabrika
3. Pagpuputol ng mga puno
4. Paninigarilyo sa mga pampubliko at pampribadong lugar
5. Pagsusunog ng mga basura
6. Mga sasakyan may maiitim at mauusok na sasakyan

Paano natin mapapanatiling malinis ang ating hangin?

1. Paglilinis ng tahanan.
2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan
3. Pagtatanim ng mga punongkahoy
4. Iiwasang gumamit ng kemikals
5. Ugaliing maglakad imbis sumakay sa mga pampublikong sasakyan
6. Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran

I. Evaluating learning (Pagtataya ng aralin)

A. Isulat ang TAMA sa guhit kung wasto ang sinasabi o binabanggit. MALI naman kung
hindi.

____________1. Ang mga halaman na inilalagay sa loob ng bahay ay nakatutulong upang


makalanghap tayo ng malinis na hangin.
____________2. Ang mga usok na nanggagaling sa pabrika ay nagdadala ng sariwang
hangin.
____________3. Linisin ang mga kagamitan sa bahay upang maiwasan ang paglanghap ng
alikabok.
____________4. Sunugin ang mga basura.
____________5. Ang malinis na hangin na ating nalalanghap ay nakabubuti sa ating
kalusugan.
B. Gumupit ng isang (1) larawan ng dahilan na nagpapakita ng malinis ng hangin at isang
larawan na nagpapakita ng pagkakaroon ng maruming hangin. (10 puntos)

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang gawain para sa


takdang aralin at remediation)

Ibahagi sa iyong mga kamag-anak ang kahalagaan ng pagkakarron ng malinis


na hangin.

You might also like