You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGGAWA NG CLEAN UP SA PALIKURAN NG SENIOR HIGH

SCHOOL

Mula kay Janelle L. Avenido

Purok 2, Sitio Mahayahay

Barangay Nueva Estrella

Bien Unido, Bohol

Ika-19 ng Oktubre 2023

Haba ng Panahong Gugulin: 6 na araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa sa mga suliranin ng paaralang President Carlos P. Garcia Technical Vocational School of
Fisheries and Arts ay ang mga palikuran nito. Kadalasan sa mga estudyante dito ay hindi
komportable na gumamit ng palikuran sapagkat ito ay mabaho at hindi malinis. Isa rin sa
suliranin dito ay ang mga estudyante na hindi marunong mag-flush pagkatapos nilang gumamit
ng banyo. Sa palikuran ng Junior High ay hindi na problema ang mapagkukunan ng tubig dahil
may gripo na mismo sa loob ng palikuran. Habang sa palikuran naman ng Senior High ay walang
gripo at wala ding malinis na lalagyan upang kumuha ng tubig, kaya naman ito ang aming mas
binigyang pansin.

II. Layunin

Nais namin na maging komportable, mabuti, at maaliwalas ang paggamit ng mga


estudyante sa palikuran ng Senior High. Nais din naming matuto sila sa tamang paggamit ng
palikuran upang mas maging responsable sila at mapakikinabangan pa ng ibang studyante ang
palikuran.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Mag-aambagan para sa badyet na aming kailangan (3 days).


2. Bumili ng balde, tabo, pampabango ng palikuran, at mag print ng mga karatula kung paano
ang tamang paggamit ng palikuran (2 day).

3. Linisin ang banyo ng Senior High, ilalagay ang mga gamit na nabili at ipaskil sa pader ang mga
karatula para makita ng mga estudyante ang nakalagay rito. (1 day)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng tabo Php 100.00

II. Halaga ng balde Php 30.00

III. Halaga ng pampabango ng banyo Php 50.00

IV. Halaga ng karatula na nilimbag Php 20.00

Kabuoang Halaga Php 200.00

V. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Paaralan

Mapakikinabangan ng mga estudyante at paaralan ito sapagkat dahil sa proyektong ito ay


magkakaroon na sila ng mabuti at maaliwalas na palikuran, hindi na sila mag-aatubiling
gumamit ng palikuran sapagkat ito'y mayroon ng malinis na tabo at balde na mapagkukunan ng
tubig, ito rin ay magiging malinis na at mawawala na ang mabahong amoy. At higit sa lahat,
matututo na sila sa tamang paggamit ng banyo at magiging responsable na sila dahil sa mga
ipapaskil naming mga karatula kung paano ang tamang paggamit ng banyo.

You might also like