You are on page 1of 3

Balde Friendly

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Sa paaralan mas maraming oras na ginugugol ang isang mag aaral


kaysa sa bahay kung kaya’t ang paaralan ay marapat lamang na maging
komportable para sa mga mag-aaral at mga gurong pumapasok rito. Ang
proyektong ito ay magbibigay ng solusyon sa isa sa mga suliranin ng
paaralan ng Bataan National High School.
Kung ating mapapansin, ang mga banyo ng paaralan ng Bataan
National High School Senior High School ay kapos sa mga balde ngunit
wala namang malikom na pera upang makapag lagay ng mga balde sa
nasabing mga banyo kung kaya’t hindi ito nagiging komportable para sa
mga mag-aaral at mga guro ng paaralan. Kaya’t nararapat lamang na
mabigyan ang suliraning ito ng solusyon.
Napagdesisyunan ng aming grupo na gumawa ng ganitong proyekto
upang mabigyan ng solusyon at makatulong sa isa sa mga suliranin ng
paaralan.

II. Layunin

Ang layunin ng proyektong ito ay mabigyan ng komportableng


paggamit ng banyo ang bawat estudyante at guro sa mas matipid na
paraan upang mas maramdaman ng mga estudyante at mga guro na
gagamit ng mga ito ang pangalawang tahanan gaya ng sinasabi natin.

III. Plano na dapat gawin

Hindi na lingid sa ating kaalaman na nahihirapan ang mga


estudyante at mga guro na gumamit ng banyo dahil sa kakulangan sa
balde at tabo o kung minsan nama’y sira na ang mga ito.
Ang aming grupo ay nag isip ng mas epektibo at mas murang
paraan upang masolusyonan ang suliranin ng paaralang Bataan National
High School. Gamit ang mga container ng wilkins na kadalasang makikita
sa mga tambak ng basura at hindi ginagamit, imbes na ito’y sunugin, ito
ang aming gagawing balde na maaaring ilagay at gamitin sa mga banyo
ng paaralan.
Hahatiin naming ang container ng wilkins sa katamtamang laki at
taas upang mag kasya sa loob ng isang cubicle at ito ay aming
pipinturahan at lalagyan ng mga desenyo upang ito ay maging kaaya aya
pa rin sa mga mata ng mga taong gagamit ng banyo.
Gamit naman ang mga 1.5 litrong bote ng mga soft drinks, ito ay
aming puputulin sa katamtamang laki at katamtamang taas upang ito ang
maging tabo na makakapareha ng baldeng aming gagawin.
Napagdesisyunan ng aking mga kagrupo na mga plastic bottles ang
gamitin upang mabawasan ang mga nagkalat na bote sa daan at
magawang kapaki pakinabang, mabawasan ang pagsusunog ng
malalaking bote ng plastic na nagiging simula ng polusyon at mabawasan
ang paggastos ng kahit na sino sa paaralan para lamang magkaroon ng
mas komportableng paggamit ng mga banyo.
IV. Badyet

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga lamang n

V. Rasyonale/Paglalahat

Ang proyektong ito ay makakatulong sa mga estudyante, mga


guro, mga panauhin at mga magulang na gagamit ng banyo ng paaralan
upang maging mas komportable ang paggamit ng mga banyo ng Bataan
National High School.
Ang mga proyektong ito ay makakatulong hindi lamang sa mga
mag-aaral at mga guro ng paaralan kundi pati na rin sa kalikasan na unti
unti nang nasisira dahil sa magtatapon at pagsusunog ng mga plastic
bottles kung saan saan. Makakatulong ito upang maging mas malinis at
mas maayos tingnan ang mga banyo ng Bataan National High School lalo
na kung ito ay gagamitin ng mga panauhin galling sa iba’t ibang mga
paaralan. Ito rin ay mas mura at mas maganda kumpara sa mga nabibili
sa palengke at sa mga mall.
Ito ay mas maayos na paraan ng pagtulong sa paggawa ng
solusyon sa isa sa mga suliranin ng paaralan kumpara sa paniningil at
pamimili ng mga mamahaling balde at tabo kung pwede naman itong
gawing mas artistic at mas affordable.
Balde Friendly

You might also like