You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO SA PAGBABALIK NG KALINISAN SA

IBABANG TALIM INTEGRATED HIGH SCHOOL


1) Pagpapahayag ng Suliranin
Ang iba't ibang parte ng gusali ng senior high ay kinakailangang paigtingin ang
kalinisan at kaayusan dahil isa ito sa problemang kinakaharap ng paaralan na
kinakailangang masolusyonan at mabigyang pansin, ngunit kulang sa mga kagamitan
para sa paglilinis nito kaya naman nagpasya kami na gawin ang proyektong ito upang
makatulong at maging malinis ang kapaligiran.
2) Layunin
- Maisaayos ang kapaligiran.
- Maibalik ang kalinisan at kaayusan.
- Maisagawa ang aksyon na ito upang makatulong sa paaralan.
- Manghikayat ng ibang estudyante upang sama samang magtulungan.
- Maging maayos na PROYEKTO, daan para sa PAGBABAGO.
3) Plano ng Dapat Gawin
- Paglalabas ng badyet (2 araw).

- Pagsasagawa ng proyekto gayundin ang paglilinis ng paaralan.


- Pagpupulong ng bawat kasapi ng proyekto (1 araw).
- Pagbibigay ng mga kagamitan sa paglilinis na higit na makakatulong sa bawat sulok
ng paaralan katulad ng walis tambo at pandakot ( 2 araw).
- Paglilinis ng bawat hagdan at corridor.
4) Badyet: Mga Gastusin
KAGAMITAN BILANG PRESYO
Walis Tambo 4 Php 400.00
Pandakot 4 Php 400.00
KABUUAN: Php 800.00

5) Kapakinabangan
Makikinabang dito ang mga mag aaral, ang mga gurong nagsisilbing pangalawang
bahay din ang paaralan at ang mga bibisita din sa paaralan. Upang maging maayos at
malinis ang paaralan ng Ibabang Talim Integrated High School. Bunsod din nito ang
pagpapatibay ng kaayusan sa bawat sulok ng paaralan. Kinakailangan din dito ang
disiplina at pagkukusa upang mas maging maigting ang gagawing proyekto. Isa ito sa
isyung kinakaharap pa rin hanggang ngayon kaya naman mas kailangan itong bigyang
prayoridad.

You might also like