You are on page 1of 4

GUIDANCE CENTER

SAN ILDEFONSO COLLEGE


M.H. Del Pilar St. Tanay, Rizal, Philippines, 1980
(02)86543278 | guidancecenter@sictanay.edu.ph
“San Ildefonso College envisions itself as a faith community to be
globally competitive, academically excellent, certified and accredited

TALATANUNGAN SA EBALWASYON SA PAGGANAP NG MGA ADMINISTRADOR

PAHAYAG HINGGIL SA PRIBADONG DATOSCewt

Ang datos at impormasyon sa sarbey na ito ay ekslusibo at tanging laan para sa San Ildefonso College
Guidance Center lamang.
Ang lahat ng impormasyong makakalap o makokolekta ay mananatiling pribado sa SIC Guidance Center
at iproproseso alinsunod sa Batas Republika na Data privacy ng Taong 2012.

PAHINTULOT

Sa pagpindot sa salitang “next”, ito ay nangangahulugang kayo ay nagbibigay pahintulot o sumasang-


ayon na gamitin ng paaralan ang datos na makakalap o makokolekta bilang sanggunian.

PAMAMARAAN

Ang talatanungan na ito ay dinisenyo upang higit na pagbutihin ang pangkalahatang operasyon
ng paaralan at upang matulungan ang pamunuan ng paaralan sa pagpapalago at pagpapaunlad ng
kakayahang propesyunal, ganun din ay upang tukuyin ang bahagi ng kalakasan at kahinaan nito.

Mangyari ay pumili sa hanay na tumutugon sa iyong kagustuhan bilang tugon sa mga bilang na
nagpapakilala o naglalarawan sa pagganap ng pinuno ng iyong departamento batay sa mga sumusunod
na iskala o batayan.

4 – LUMAMPAS SA INAASAHAN SA PAGGANAP (Ang kanyang pagganap ay napakahusay, hindi


nagbabago at nananatiling naka base sa hinihinging pamantayan.)

3 – NAABOT ANG INAASAHAN SA PAGGANAP( Ang pagganap ay naabot na matugunan ang


kinakailangan sa posisyon.)

2 – KAILANGAN PA NG PAGBUBUTI SA PAGGANAP (Ang pagganap ay naabot ang ilang mga


kinakailangan, layunin at inaasahan sa posisyon.)
1 – HINDINAKAKASIYANG PAGGANAP (Hindi naabot ang mga kinakailangan, layunin at inaasahan
sa pagganap sa posisyon.)

Pangalan ng Administrador na bininigyang ebalwasyon:______________________________________

BAHAGI BLG. 1 – PAMAMTAYAN SA TUNGKULIN

A. Abilidad, Kaalaman at Kakayahan


1. Nagpapakita ng kaalaman at kakayahan na tumutugon na magampanan ang kanyang tungkulin
2. Nagpapamalas ng pang-unawa sa mga pamamaraan, sistema at tuntning kinakailangan sa
pagsasagawa ng tungkulin.
3. Nagpapamalas ng malalim na kaalaman hinggil sa kanyang propesyunal na larangan at
nauunawaan ang pinaka malawak na aspeto ng kanyang katungkulan.
4. Naipamamalas ng manggagawa ang kanyang mataas na kagalingan o kahusayan sa lahat ng
aspeto ng kanyang katungkulan.

B. KALIDAD NG GAWA
1. Natatapos ang kanyang gawain ayon sa inaasahang antas ng kalidad.
2. Alisto sa bawat detalye.
3. Masigasig sa paghanap ng mabuti at pag iwas sa anomang usapin.
4. Binibiyang pansin ang kawastuhan, kalinisan, kaayusan ng gawain at pag-ayon sa pamantayan.

C. BILANG/ DAMI NG GAWA


1. Natatapos ang nakatalagang gawain ng buong husay na nasa oragnisadong pagkilos sa loob ng
takdang oras ng paggawa.
2. Nakatutugon sa itinakdang palugit ng paggawa ng hindi pabagu-bago.
3. Napapamahalaanan ng magkakasabay ang mga gawain o ang iba pang mga mahahalagang
gawain.

D. UGALI
1. Nagpapakita ng positibo at aktibong pakikibahagi patungkol sa kanyang gawain, nakatalagang
gampanin sa trabaho at Samahan.
2. Bukas na kaisipan at tinatanggap ng positibo ang puna mula sa mga katrabaho o sa samahan.
3. Nakabubuo at napapanatili ng mahinusay ang relasyon ng samahan sa mga manggagawa.
4. Sumasangguni at humihingi ng payo sa kabila ng pagkakaiba-iba.

E. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
1. Nakikipag ugnayan ng malinaw at epektibo batay sa kanyang ginaganpanan na gawain.
2. Nakikinig ng Mabuti at tumutugon ng angkop at wasto.
3. Nagpapabatid ng impormasyon sa pamunuan, barkada at mga kliyente ng wasto at sapat.
4. Nagpapamalas ng positibong komunikasyon sa mga ka trabaho at sa administrasyon.
BAHAGI BLG. 2 – KATANGIAN NG UGALI

A. PAKIKIPAGTULUNGAN
1. Trumabaho ng mahusay kasama ang katrabaho at ang tagasiyasat.
2. Boong kaloobang nagbabahagi para sa ikakatagumpay ng Samahan o departamento.
3. Nagpapamalas ng konsiderasyon para sa iba (bukas sa pusong pagtulong at pagpapanatili nng
ugnayan sa mga ka-trabaho).
4. Nagpapamalas ng tapat na pagdamay sa iba upang maabot ang mga layunin nito.

B. PAGKAMAAASAHAN
1. Sinusunod sa pamamagitan ng pag tupad nito sa kanyang pangako at tungkulin ng hindi pabago-
bago.
2. Tinatanggap ng maypananagutan ang kanyang tranaho.
3. Matama niyang sinusunod ang mga tagubilin, direktiba, at mga pamamaraan.
4. Tumatanggap ng karagdagang responsibilidad kung kinakailangan.

C. PAGKUKUSA
1. Masiglang humahanap ng mga panibagong gawain upang isagawa.
2. Nag-iisip ng mga ideya at inisyatibo aksyon upang makahanap ng impormasyon sa pag resolba
ng problema o sumunod sa pamamagitan ng isa pang gawain.
3. Pinangungunahan ang pakikipag-usap sa pagitan ng administrasyon at mga manggagawa
patungkol sa layunin sa pagganap, mga inaasahan, at kasiya-siyang pagtupad sa tungkulin
4. Handang akapin ang mga bagong oportunidad at magdagdag ng mga karagdagang gawain.

D. PAGDALO AT PAGIGING MAAGA


1. Nag uulat sa school araw-aarw.
2. Dumadalo sa mga opisyal na mga gawain ng hindi nahuhuli. (pagpupulong/pagsasamasama/pagsasanay)
3. Naipapasa ang mga ulat ayon sa takdang oras at panahon.
4. Hindi nahuhuli sa ano mang oras na itinakda at naglalaan ng tamang pakikipag-ugnayan o
nagbibigay ng paunang abiso para sa pagliban o pagkahuli.

E. PAKIKIBAGAY
1. Nakatutugon sa matalinong pamamaraan, pakikibagay at positibong pagharap sa anumang
bagong hamon o pangangailangan kinahaharap.
2. Nakauusad ng produktibo at hindi madaling masiraan ng loob malagay man sa anumang di
inaasahang mga pangyayari o kaganapan.
3. Nagiging isang magandang halimbawa sa iba kung kinakailangan ng pagbabago.
4. Napapanatiling bukas ang kaisipan at nagpapakita ng pagsang-ayong matuto ng mga bagong
metodo, pamamaraan at stratehiya sa pag-akap sa mga pagbabago.
BAHAGI BLG. 3 – ASPETONG PAMAMAHALA

A. Pangako sa Mission Vision at Values ng Paaralan


1. Tuloy-tuloy na pagpapamalas angkop na pag-uugali na kumakatawan sa mission, vision at core
values ng paaralan .
2. Nagpapakita ng personal at propesyunal na integridad na naglalarawan sa mission, vision at core
values ng paaralan .
3. Ang mga kilos at gawa ng Administratibo ay naka ayon sa propesyunal na layunin at adhikain.
4. Ang pokus ng layunin ay tugma sa mission, vision at core values ng paaralan .

B. PAMUMUNO
1. Nagaganyak ang mga kasamahan sa iisang tunguhin ng pamiminuno.
2. Positibong gumagampan bilang isang tagapagturo at tagapagsanay.
3. May pagpapahalaga sa tagumpay ng departamento at paglago ng isang indibidwlal.
4. Ang mga layunin ng depoartamento ay naka ugat sa mission, vision at core values ng paaralan .

C. KASANAYAN SA PAMAMAHALA
1. Maykakayahang magplano ng epektibo upang matapos ang mga nakaatang na gawain.
2. Nakapaglulunsad ng mga akmang istratehiya upang matamo ang mga layunin.
3. Bukas sa pagbabago at pakikipagtulungan upang matapos ng epektibo ang mga responsibilidad
sa trabaho at mabigyang solusyon ang mga suliranin.
4. Napapananatili at nasusubaybayan ang mga layunin ng departamento tungo sa patuloy na pag-
unlad sa pagganap ng buong departmento.

D. PAGHATOL AT PAGBUO NG PASYA


1. Humahatol at nagpapasya base sa lohikal at pinag-isipang pasya.
2. Nabibigyang ng maaga at epektibong katugunan ang mga usapin o suliranin.
3. Maypananagutan sa kung anuman ang maging kahihinatnan ng hatol at nakapipili ng
alternatibong desisyon na tutugma sa layunin.
4. Gumagampan sa mga desisyon ng naaayon sa tamang gawi.

E. PAMAMAHALA SA MGA KAWANI


1. Naitatalaga ang mga gawain sa mga kawani ng maayos.
2. Napapanatili ang pagbibigay impormasyon sa mga kawani hinggil sa plano at gawain ng
departamento.
3. Naipapamalas ang inaasahan ng mga kawani, sinasanay at nag bibigay pidbak para sa mas
ikauunalad ng mga kasamahan.
4. Nanghihikayat propesyunal at produktibong pagganap sa mga gawain.

You might also like