You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LUNGSOD NG QUEZON
RECTO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

KATITIKAN NG PULONG NG PANG – APAT NA PANGKAT NG GRADE 11


HUMSS – LUNA NG PAARALAN NG RECTO MEMORIAL NATIONAL HIGH
SCHOOL
Ika – 13 ng Nobyembre, 2023
Ika – 4:30 ng hapon
Sa silid – aralan ng Grade 11 HUMSS LUNA
Dumalo :
 G. Charles Cidro - Kasapi sa pulong
 Bb. Fatima Comia - Kasapi sa pulong
 Bb. Kattleen May Diña - Kalihim
 G. Jay Laydia - Kasapi sa pulong
 Bb. Lovely Heart Lualhati - Chairman
 Bb. Iza Heart Robles - Kasapi sa pulong

Panukalang Adyenda
1. Pagkakaroon ng mga basurahan sa loob ng paaralan at paghihiwa –
hiwalay ng mga basura.

I. Pagsisimula ng pulong
Isinagawa ang pagpupulong ng Chairman ng pangkat na si Bb. Lovely
Heart Lualhati sa ganap na ika – 4:30 ng hapon. Sinimulan ito sa isang
panalangin at agad na dumiretso na sa pagtatalakay ng proyektong
isasagawa.

II. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong sa pamamagitan ng maikling mensahe
ni Bb. Lovely Heart Lualhati tungkol sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mga basurahan sa loob ng paaralan at paghihiwa
– hiwalay ng mga basura.
- Sumunod ay ang pagpupulong kung bakit kailangan isagawa ang
proyektong ito dahil napansin ng aming pangkat na nawalan na ng
basurahan sa bawat sulok ng paaralan kaya maraming basura ang
nakakalat kung saan saan. Sa paghihiwa – hiwalay naman ng
basura ay kinakailangan ito upang makatulong sa pagpapanatili
ng kaayusan at kalinisan sa loob ng paaralan.
- Pinag usapan din sa pagpupulong ang badyet na kinakailangan
para sa pagbili ng basurahan na ilalagay sa bawat sulok ng
paaralan. Nag suhestiyon naman si Bb. Kattleen May Diña na ang
mga bibilhin na basurahan ay para lamang sa mga balat na plastik
o papel. Ang mga plastik na botelya naman ay sako ang
paglalagyan. Para naman sa mga papel na dapat hindi lukutin o
gusutin upang magamit muli ay mayroong isang lugar kung saan
may malaking mga kahon na pwedeng pagtapunan nito. Ito ay
upang mas makatipid ang paaralan sa bibilhin na mga basurahan.
Ang pagmumulan naman ng pera na aming gagastusin para sa
mga basurahan na ilalagay sa bawat sulok ng paaralan ay
magmumula sa mga botelya at papel na maiipon at irerecycle
naman sa isang kapaki – pakinabang na bagay na pwedeng
maibenta o mapagbili upang may maibili ng mga basurahan na
ilalagay sa bawat sulok ng paaralan.
- Nag suhestiyon naman si G. Jay Laydia ng mga lugar na maaaring
lagyan ng mga basurahan, ito ay sa loob ng court dahil marami
ring basura ang nagkakalat lagi doon galing sa mga estudyante na
madalas ay doon kumakain, sa mga banyo para may tapunan ng
nagamit na tissue o napkins, sa mga tambayan ng estudyante
upang maiwasan ang pagiwan o pagkakaroon nila ng kalat, at
pang huli ay mga dalawa o hanggang tatlong basurahan sa bawat
baitang o pangkat na mayroong nakasulat kung para saan ang
mga basura na nagmula sa balat ng papel at plastik, nabubulok at
di – nabubulok.
- Napag – usapan din sa pulong kung papapaano ba isasagawa ang
proyektong napagplanuhan, upang maging kapaki – pakinabang
ang proyektong aming naisip para sa paaralan ay ipaparating
namin ito sa kinauukalan sa taas o kaya naman ay sa
organisasyon ng Supreme Student Learner’s Government at
sakaling maaprubahan ang aming proyektong napagplanuhan ay
mag mumungkahi muli kami sa kinauukulan kung maaaring
magkaroon ng post tungkol sa proyektong ito upang malaman ng
mga estudyante at makilahok at makisama sila sa pagpapanatili
ng kalinisan ng paaralan.
- Ang pag dedesisyon na aming ginawa sa pagpupulong upang
malaman kung sino ba ang may ayaw sa aming ipinapatupad na
proyekto ay Consensus kung saan kinuha ang nagkakaisang
desisyon ng lahat.

III. Pagtatapos ng pulong


Pormal na natapos ang pulong sa ganap na 5:00 ng hapon. Nagbigay
ng panapos na salita si Bb. Lovely Heart Lualhati at kanya ring
binigyan ng pasasalamat ang mga dumalo para sa kanilang
pakikibahagi at kooperasyon.

Inihanda ni :
Kattleen May Diña
Kalihim
Nagpatotoo :
Lovely Heart Lualhati
Chairman

You might also like