You are on page 1of 103

1.

Pagganayak na tanong :
1. Ano-ano ang mga kalupaang madalas
mong pinupuntahan?
2. Ano-ano namang mga lugar na may anyong
tubig ang narating mo na?
3. Paano mo ito maipagmamalaki sa iyong
mga kaklase?
C.Pagbibigay ng Pagsasanay 1
/TeachingModeling:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay mga bagay na nagmumula sa
kalikasan kung saan nanggagaling ang
mga pangunahing pangangailangan ng
mga tao.
a.Yamang lupa
b. Yamang Mineral
c.Yamang tubig
d. Likas na yaman
2.Itinuturing na pinakamahalagang
pangunahing likas na yaman ng ating
bansa.
a.Yamang lupa
c. Yamang Mineral
b.Yamang tubig
d. Likas na Yaman
3.Isang anyong lupa na patag.
Karaniwan dito naninirahan ang mga
tao at ginagawa itong pastulan ng mga
alagang hayop.
a.kapatagan
b. burol
c. lambak
d. talampas
4.Ano ang pangunahing pakinabang ng
mga Pilipino sa yamang tubig ng
bansa?
a.Pinagkukunan ng elektrisidad
b. Pangngingisda
c.Transportasyon
d.Turismo
. Pagpapakila ng mga Pangunahing
Anyong lupa at tubig ng guro. Ang
Pilipinas ay pinagkalooban ng
maraming anyong lupa at anyong
tubig na sagana sa mga likas na
yaman.
.Pangunahing anyong lupa ng
Pilipinas ang kapatagan, bundok,
bulubundukin, burol at talampas.
Ang iba pang mga anyong lupa na
makikita dito ay ang bulkan at
lambak.
• Karagatan, dagat, look, golpo, tsanel
at kipot naman ang
pangunahing anyong tubig sa bansa.
Ang iba pang mga anyong tubig na
matatagpuan dito ay ilog, lawa, talon,
at bukal.
• Ang mga anyong lupa at anyong
tubig ay lubos na mahalaga sa
pamumuhay ng mga
mamamayang tao. Kaya bilang
isang Pilipino tungkulin nating
ingatan ang lahat ng ito.
D. Guided Practice/
Pagsasanay:
Panuto Punan ang tsart ng mga natutunan
mong mga pangunahing anyong lupa at
anyong tubig ng Pilipinas. Ilarawan ang
katangian nito at magbigay ng isang
halimbawa. Gawin ito sa sagutang
papel.
Anyong Lupa Katangian Halimbawa
at Tubig
. Pagsasanay: / Independent Practice
Panuto: Magtala ng limang anyong lupa at
anyong tubig na tanyag sa buong Pilipinas.
Sumulat ng isang salaysay kung paano
nakatutulong ang mga ito sa turismo at pag-
unlad ng ating bansa maging sa pamumuhay ng
bawat tao. Gawin ito sa isang buong papel.
IV. Pagtataya
Panuto: Paghambingin ang mga anyong
lupa at anyong tubig gamit ang Venn
Diagram sa ibaba. Isulat sa magkabilang
tabi ang pagkakaiba ng bawat isa at sa
gitna ang kanilang pagkakapareho.
Anyong Lupa
Kapatagan at Lambak
Bundok at Bulkan
Burol at TaLMPAS

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakapareho
Anyong Tubig
Karagatan at Dagat
Kipot at Golpo
Kipot at Tsanel

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakapareho
V. Takdang Aralin:
Panuto: Gumuhit sa
kuwaderno ng mga
Pangunahing Lupa at Tubig.
Maraming Salamat

You might also like