You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na
Pagtatasa sa
Pagbasa

FILIPINO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa

Paunawa:
Ang materyal na ito ay gagamitin bilang Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa sa Filipino
5 para sa Taong Panuruang 2020-2021. Ang mga babasahin at teksto ay kinalap at halaw
mula sa mga teksto ng PHIL-IRI na ginamit sa mga nakalipas na taong panuruan.

Paalaala sa Paggamit:
➢ Nilalayon ng pagtatayang ito na masukat ang tunay na estado at kakayanan ng mga
mag-aaral sa bawat lebel sa pagbasa.

➢ Ang guro ang magbibigay at magsasagawa ng panapos na pagsusulit sa


pamamaraang naaayon sa kanyang malayang pagpili gamit ang materyal na ito.

➢ Sa Panapos na Pagtataya ay binubuo ng apat (4) na teksto at dalawampung (20) mga


katanungan na sasagutin ng bawat mag-aaral.

➢ Ang guro ang magrerekord ng resulta ng pagtataya para sa bawat mag-aaral


hanggang mapabasa ang buong klase.

➢ Kapag natapos ang pagbibigay ng pagtataya sa lahat ng mag-aaral sa buong klase,


isusumite ng guro ang kabuoang record at resulta ng Panapos na Pagtataya sa
Punongguro na siyang gagawa ng kabuoang record para sa buong paaralan.

Baitang 5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Pangalan:______________________________ Baitang at Pangkat:________________


Panuto: Basahin ang bawat teksto at sagutin ang mga katanungan.
Pagganyak: Maraming sakit ang lumalaganap tuwing tag-ulan. Anong sakit ang dulot ng
kagat ng lamok tuwing tag-ulan?

“Iwas-Dengue”
Malaki ang nagagawa ng kalinisan ng kapaligiran sa kalusugan ng tao. Ang mga
nakatambak na basura, marurumi at madidilim na sulok, mga naipong tubig-ulan, at mga
baradong kanal ay mga lugar na pinamumugaran ng mga insekto at hayop na may mikrobyo
na nagdudulot ng sakit.
Isa na rito ang sakit na dengue na mabilis na lumalaganap tuwing panahon ng tag-
ulan. Ito ay nagmumula sa kagat ng lamok na kung tawagin ay aedes aegypti. Ang uri ng
lamok na ito ay sa araw nangangagat. Nangingitlog ito sa malilinis at nakapirming tubigan.
May guhit na itim at puti sa katawan ang mga lamok na ito.
Maraming paraan upang maiwasan ang sakit na dengue. Panatilihing may takip ang
anomang lalagyan ng tubig. Tanggalin ang mga bagay sa paligid na maaaring imbakan ng
tubig-ulan tulad ng mga lumang gulong, bote, o lata. Linisin ang mga baradong alulod ng
bahay. Palitan din araw-araw ang mga tubig sa plorera upang hindi mamahay ang mga lamok
dito. Walisan ang lahat ng sulok ng bahay at kapaligiran
Baitang 5
Bilang ng mga Salita: 171
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Mga Tanong: Literal

1. Ano ang itsura ng lamok na Aedes Aegypti?


A. May bilog-bilog na puti sa katawan.
B. May guhit na itim at puti sa katawan.
C. May guhit na paliko-liko sa katawan.
D. May guhit na mahaba sa katawan.
Pagpapakahulugan
2. Bakit dapat tanggalin ang mga bagay sa paligid na maaaring imbakan ng tubig-ulan?
A. Dahil dito naninirahan at nangingitlog ang mga lamok.
B. Dahil dito kumukuha ng mga pagkain ang mga lamok.
C. Dahil dito nag-aabang ang mga lamok ng kakagatin.
D. Dahil dito naiipon ang palaka na kumakain ng lamok.
3. Paano nagdudulot ng sakit ang maruming kapaligiran?
A. Dahil dito namamalagi ang mga palaka na kumakain ng lamok.
B. Dahil dito namumuhay ang mga insekto na may dalang mikrobyo.
C. Dahil dito pumapangit sa paningin ang ating kapaligiran.
D. Dahil narito ang mga insekto na nagpaparami ng bulaklak.
4. Bakit lumalaganap ang sakit na dengue tuwing tag-ulan?
A. Dahil sa panahong ito maraming mga basang lugar kung saan nangingitlog at
nagpaparami ang lamok
B. Dahil maraming mga bata ang gustong-gustong maligo sa ulan kapag panahon ng
tag-ulan.
C. Dahil maraming lumalabas na mga lamok kapag umuulan at pumapasok sa mga
bahay-bahay.
D. Dahil maraming maruruming lugar ang pinapasok ng tubig-ulan at binabaha sa
panahon ng tag-ulan.
Paglalapat
5. Ano ang gagawin mo upang maiwasan ang sakit na dengue?
A. Maligo sa tubig-ulan at mag-ipon lagi nito sa drum.
B. Bumili at gumamit ng mga insect spray at insect repellant.
C. Lumipat ng tirahan kung saan hindi malimit umulan.
D. Panatilihing malinis ang kapaligiran at sariling tahanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Pagganyak: Alam mo ba kung saan tumutubo ang punong bakawan?


Alam mo rin ba na ang korales ay halamang-dagat?

“Buhayin ang mga Bakawan at Bahura”


Ang katubigang nasasakupan ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit dalawang milyong
metro kuwadrado. Ang kahabaang ito ay mayaman sa mga bakawan at bahura (coral reefs)
na nagsisilbing tirahan ng mga isda at iba pang hayop sa karagatan. Sa pitumpung
lalawigan na bumubuo sa ating bansa, animnapu ang matatagpuan sa mga baybayin. Dahil
dito, malaking bahagi ng ating populasyon ang umaasa sa dagat.
Ngunit nahaharap sa malaking suliranin ang mga baybayin dahil sa patuloy na
pagkasira ng ating mga bakawan dulot ng pagtatayo ng mga palaisdaan sa mga baybay-
dagat. Isa pang dahilan ay ang pagtatambak dito ng lupa upang gawing panirahan o sentro
ng kalakalan. Maging ang polusyon sa tubig tulad ng pagtagas ng langis at mga basurang
itinapon dito ay sanhi rin ng pagkamatay ng mga bakawan. Idagdag pa ang pagpuputol sa
mga ito upang gawing panggatong.
Sa isang banda, ang mga bahura at korales nito ay nawawasak dahil sa iligal na
pangingisda na gamit ng dinamita, at pangunguha ng mga ito upang gawing
pandekorasyon. Maging ang polusyon sa katubigan ay sanhi rin ng pagkawasak ng mga
bahura.

Baitang 5
Bilang ng mga salita: 166
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Mga Tanong:
Literal

6. Ano ang nagsisilbing panirahan ng mga isda at iba pang hayop sa karagatan?
A. Bahura at bakawan
B. Malalaking bato
C. Buhangin at korales
D. Mga halamang-dagat
7. Ano ang ginagamit sa iligal na pangingisda?
A. Maliliit na lambat
B. Mga lasong likido
C. Mga dinamita
D. Malilit na isda
Pagpapakahulugan

8. Bakit iligal na pangingisda ang paggamit ng dinamita?


A. Dahil mahirap mabili at mahal bilihin ang mga dinamita.
B. Dahil maraming isda ang namamatay malaki at maliit.
C. Dahil nakalalason ang dinamita sa kalusugan ng nagamit.
D. Dahil hindi ito dumadaan sa pagsusuri ng mga awtoridad.

9. Bakit malaki ang katubigang nasasakop ng Pilipinas?


A. Dahil ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na nasasakupan ng Asia.
B. Dahil ang mga probinsya at mga pulo sa Pilipinas ay magkakahiwalay.
C. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na napaliligiran ng tubig.
D. Dahil ang mga kapuluan sa Pilipinas ay may iba’t ibang laki at hugis.
Paglalapat

10. Bakit dapat mong pangalagaan ang mga bakawan, bahura, at korales?
A. Dahil nagsisilbi itong tirahan ng mga isda kung saan sila nagpaparami.
B. Dahil ang mga ito ay mahal na uri ng mga yamang-dagat sa bansa.
C. Dahil ang mga ito ay dinarayo ng maraming turista at nagbibigay kita.
D. Dahil ang mga ito ay mga yaman na ipinagbibili natin sa ibang bansa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Kabataan, Katuwang sa Malinis na Kapaligiran”

Binasa ni Ella ang ginawa niyang takdang-araling sanaysay na may pamagat na


“Kabataan: Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran”.

Ang nakakalat na basura ay suliranin ng bawat mamamayan lalo na sa siksikang lugar


gaya ng mga lungsod. Ang mga basurang ito sa paligid ang nakapipinsala sa kapaligiran at
kalusugan.

Bilang kabataan at mag-aaral, malaki ang maitutulong natin upang ang hangaring
luminis ang ating kapaligiran ay matupad. Ilan sa mga maaari nating gawin ay paggamit ng
mga materyales at mga kagamitang maaaring irecycle. Paggamit ng likurang bahagi ng
papel na wala pang sulat. Ang mga papel naman na di na magagamit pa ay maaaring ipunin
upang maipagbili o gawing pambalot.

Sa tahanan, ihihiwalay ang mga basurang nabubulok sa di nabubulok ay isang


epektibong paraan upang makagawa tayo ng pataba sa pamamagitan ng composting. Ang
mga damit nating di na ginagamit ay maaaring ipamigay sa mga kapus-palad na tao o kung
di na maaaring isuot, gawing basahan ang mga ito. Sa pagpapaalaala sa mga nakatatanda
na kung maaari ay tigilan na nila ang paninigarilyo at pagsisiga upang mabawasan ang mga
usok na ikinakalat sa paligid.

Sadyang marami pa tayong magagawa bilang kabataan kung susubukan lang natin.
Kayang-kaya nating pagandahin ang ating paligid kung gugustuhin natin.

Matapos mabasa ni Ella ang kanyang sanaysay, isang malakas na palakpak ang
kanyang tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at guro.

Baitang V
Bilang ng mga Salita: 225
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

Literal
11. Kaninong suliranin ang nakakalat na basura?
A. Sa pamahalaan
B. Sa punong barangay
C. Sa pangulo ng bansa
D. Sa bawat mamamayan

12. Saan maaaring gamitin ang lahat na nabubulok?


A. Sa pagcocompost/paggawa ng pataba
B. Sa patuka sa mga alagang bibe at itik.
C. Sa pagpapausok sa puno ng mangga.
D. Sa pagpapakain sa mga alagang baboy.

Pagpapakahulugan

13. Bakit kaya kinakailangang magtulungan tayo sa pagbabawas ng basura?


A. Upang mawala ang mga nakapipinsala sa kalusugan at sa kapaligiran.
B. Upang hindi na tayo bumayad ng malaking halaga sa pagbili ng halaman.
C. Upang dumami ang mga turistang dadayo sa ating mga kilalang tanawin.
D. Upang mabigyan tayo ng parangal sa pagiging makalinga sa kalikasan.

14. Kung hindi ka tutulong sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran sa inyong paaralan,


ano kaya ang maaaring mangyari?
A. Dadami ang magagandang lugar na maaari nating pasyalan.
B. Dadami ang mga taong magkakalat at masisira ang kalikasan
C. Dadami ang mga patapong bagay na maaaring gamitin sa compost.
D. Dadami ang mga kabataan na nawiwili sa pagtatanim ng mga puno.

Paglalapat
15. Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagkakalat ng basura sa simbahan?
A. Kuhanan sila ng larawan at ipakita sa social media.
B. Payuhan sila ng tamang gawain para sa kalikasan.
C. Awayin sila at isumbong sa mga kinauukulan.
D. Itala ang kanilang pangalan at ibigay sa guro.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

“Eid-ul-Fitr”
Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang
Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan ng Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang
panginoon. Ang banal na aklat ng Koran ang gabay nila sa pamumuhay. Ginugunita nila sa
Koran ang rebelasyon kay Mohammed na isang propeta ng Islam.
Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang uri ng pagpapahayag ng
pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na nangangahulugang pagdiriwang
samantalang ang Fitr naman ay may pakahulugang wakas ng pag-aayuno. Kaya’t ang Eid-ul-
Fitr ang tanda ng wakas ng halos isang buwang pag-aayuno nila sa panahon ng Ramadan.
Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit ang malalakas na
tambol. Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan. Nagsusuot ng mahabang belo sa mukha
ang mga babaeng Muslim. Tinutungo nila ang mosque upang doon manalangin. Habang
nagdarasal ay sinasambit nila ang “Allahu Akbar” na may kahulugang “Dakila si Allah”. Sa
pagdiriwang na ito ay sama-sama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang
pagkakaisa.

Baitang 5
Bilang ng mga salita: 169
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY

16. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?


A. Masayang idinaraos ang Ramadan.
B. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
C. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
D. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim
17. Ano ang ibig sabihin ng “tunguhin” sa pangungusap sa kahon?
Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang
pagkakaisa.
A. alamin
B. isaisip
C. puntahan
D. panalangin
18. Bakit kaya mahalaga ang pagdiriwang ng Eid-ul-Fitr at Ramadan para sa mga Muslim?
Mahalaga ang mga ito para sa mga Muslim dahil ito ay _____________________.
A. ginagawa sa mosque
B. paggunita ng rebelasyon ng Koran
C. masayang pagdiriwang para sa kanila
D. kaugalian at tradisyon ng mga tagasunod ng Islam
19. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyong binasa? Tinalakay sa seleksyon
ang _________________________.
A. kahulugan ng Islam
B. pinagmulan ng mga Muslim
C. mga paniniwala ng mga Muslim
D. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam
20. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
A. Nagbigay ito ng maraming halimbawa.
B. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paksa.
C. Tinalakay nito ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
D. Malinaw ang pagkapaliwanag at paglalarawan ng paksa.

You might also like