You are on page 1of 22

Pagbasa at Pagsusuri sa

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Tekstong Impormatibo
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Unang Markahan – SLK 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlington A. Vidal
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Rene P. Sultan
May Ann M. Jumuad

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Tekstong Impormatibo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang SLK na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan kayo sa pagsagot,


huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang pagtukoy sa paksang tinalakay at pagkuha sa kahulugan at


katangian ng mahahalagang salita ay kasanayan na kinakailangan mong
malinang. Pagkatapos mong pag-aralan ang SLK na ito, inaasahang
maisasagawa mo ang sumusunod:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Subukin Natin

Bilang pagsisimula sa pag-aaral mo ng SLK na ito, sagutin mo ang


mga tanong sa ibaba.

Unang Bahagi
Panuto: Basahing mabuti ang mga teksto. Tukuyin kung ano ang paksa ng
mga ito. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

Teksto 1
W
Ang COVID-19 ay isang bagong dfuri A. Paggamit ng halamang
ng coronavirus na umaapekto sa baga at gamot bilang lunas sa mga
mga daanan ng hininga. Kabilang ito sa karamdaman.
pamilya ng mga virus na nagiging sanhi B. Ang COVID 19 bilang
ng mga karamdaman gaya ng karamdamang umaapekto
karaniwang sipon, lagnat, pangangapos sa baga at daanan ng
ng hininga at pananakit ng lalamunan. hininga.
Ilan sa mga hakbang na ipinatutupad C. Ang COVID 19 ay sakit na
upang labanan ang karamdamang ito ay nakahahawa.
pagiging malinis sa katawan at paligid at D. Pagtatanim ng puno upang
paglalaan ng distansiya sa ibang tao. maiwasan ang mga
malalang sakit.
Teksto 2
Malawak ang lupain ng mgaW Olivarez
df A. Masipag ang magsasakang
sa Timog Davao. Natatamnan ito ng mga Pilipino.
niyog, mangga at kakaw. Araw-araw, B. Malawak ang lupain
masayang nagtatrabaho sa malawak na C. Ang malawak na lupain ng
bukid ang mga magsasaka. Dito nila mga Olivarez ay ang
kinukuha ang kanilang ikinabubuhay. pinagkukunan ng kabuhayan
ng mga magsasaka.
D. Makas-Diyos ang mga tao.
1
Teksto 3
W
Upang mapanatiling malinis df
ang A. Malinis ang mga dagat sa
ating kadagatan, sabay-sabay tayong Pilipinas.
magmatyag sa sinumang pumipinsala B. Maraming nabubuhay sa dagat.
nito. Magkakapit-bisig tayong bantayan C. Tao ang dahilan ng kasiraan ng
ito upang may makuha tayong sariwa at ating kadagatan.
masarap na mga isda at iba pang D. Magkapit-bisig tayong alagaan
lamang-dagat. ang dagat na pinagkukunan ng
sariwang isda at lamang-dagat.

Teksto 4
W ng df
Isang araw, nakita na lamang mga A. Ang nasisirang lawa sa
taga-baryo na may mga patay na isda na baryo dahil sa duming
lumulutang sa lawa. Ito ay dahil sa mga galing sa kabahayan.
duming galing sa kabahayan. Kung B. Dumarami ang lamok at
hindi ito maaagapan, maging sanhi ito ipis.
ng mga sakit at dahan-dahang C. Marami ang nagkakasakit.
mamamatay ang mga buhay sa lawa. D. Umangat ang kabuhayan
ng mga tao.

Teksto 5
Sa kasalukuyang W df
pandemya, A. ang kasalukuyang pandemya
maraming negosyo at pamumuhunan B. bumababang ekonomiya at
ang naaapektuhan. Maraming paggawa tumataas na antas ng
ang natigil. Tumaas ang antas ng kahirapan
kahirapan sa mga tao dahil sa C. kasipagan ng mga tao
bumababang ekonomiya. D. pagtutulungan sa isa’t isa

Ikalawang Bahagi
Panuto: Tukuyin ang kaugnay na mga pahayag o kasingkahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Titik (A, B, C, D) lamang
ang isulat sa inyong sagutang papel.

1. Maraming karamdaman ang dala ng virus. Ang sumusunod ay ukol sa


salitang may salunggguhit maliban sa:
A. isang uri ng mikrobyo
B. sanhi ng maraming sakit
C. nakikita gamit ang mga mata lamang
D. maliit at di-nakikita ng mga mata

2
2. Natatamnan ng mga niyog, mangga at kakaw ang malawak na lupain ng
mga Olivarez.
A. Pangunahing produktong pang-agrikultura ng Pilipinas
B. Maraming lupain sa Pilipinas ang natatamnan ng mga niyog, mangga
at kakaw.
C. Maraming produktong nagagawa mula niyog, mangga at kakaw.
D. Lahat sa Nabanggit

3. Kailangan nating magmatyag upang hindi makapasok sa ating


nasasakupan ang mga dayuhan.
A. magtika C. magliwaliw
B. magbantay D. makipag-ugnayan

4. Maraming namumuhunan ang pumasok sa bansa.


A. mamimili C. dayuhan
B. turista D. kapitalista

5. Nitong nagdaang mga buwan, napapansing tumaas ang antas ng


kahirapan sa bansa.
A. Ito ay kakayahan ng taong bilhin ang kaniyang mga
pangangailangan at mga gusto.
B. Ito ay antas ng mahihirap at mayayaman sa lipunan.
C. Ito ay panukatang pang-ekonomiks hinggil sa kakayahan ng
pamilyang tustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
D. Wala sa Nabanggit

3
Aralin Natin

Nalulugod ako dahil natapos mo na ang bahaging Subukin Natin.


Huwag kang mag-alala kung may ilang aytem kang hindi nasagot nang tama.
Sa mga susunod na bahagi ng SLK ay malalaman mo ang mga tamang sagot
sa mga naturang aytem. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang pagtukoy sa
paksa ng teksto.

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.

Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi


nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t
hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat
o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga


pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang
sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa
Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari,
bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong
impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon
upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga
kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw
at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


Ø Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng
tekstong impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa,
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

Ø Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong
impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na

4
organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at
malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

Ø Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o
mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa
ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

Pinagkunan: Sicat-De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Pagtukoy sa Paksa ng Teksto


Isang mahalagang bahagi ng paglinang ng maunawang pagbasa ang
pagtukoy sa paksa ng teksto. Inilalahad sa paksa ang layunin ng may-
akda ng pagsulat ng teksto. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang
pinagtutuunan ng pansin. Ang pagtukoy sa paksa ng teksto at paglalahad
nito ayon sa pagkaunawa ng mambabasa ay lumilinang sa komprehensiyon
at pagsusuri.
Sa pagtukoy na paksa, mababakas ang layon ng pagsusulat.
Maaaring siya ay nagbibigay ng impormasyon, naglalarawan,
nanghihikayat, nagsasalaysay o nagmamatuwid.

Mahalagang Salita na Ginamit sa Teksto


Sa pagtukoy sa paksa ng teksto, nakatutulong ang mga mahalagang
salita na ginamit sa teksto. Maaaring ito ay kasingkahulugan (synonym),
kasalungat na kahulugan (antonym) at paglalarawan o depinisyon.
Halimbawa:
Ang salita ay katiwasayan
• kasingkahulugan kapayapaan
• kasalungat kaguluhan
• paglalarawan o Depinisyon Ito’y kalagayang
pangkaisipan o
panlipunan na may
kapanatagan at
pagkakasundo ng bawat
kasapi.

Pinagkunan: Atanacio, H.C., Lingat, Y.S. at Morales, R.D. (2016). Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, C&E Publishing, Inc

5
Gawin Natin

Sa naunang bahagi, nalaman mo na nakikita sa paksa ng teksto ang


layunin ng may-akda sa pagsulat. Nalaman mo rin na ang mahahalagang
salita sa teksto ay nakatutulong sa lubusang pag-unawa sa binabasa.
Ngayon, maaari mo nang gawin ang Gawain sa ibaba.

Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo na makikita sa bahaging kaliwa.


Isulat ang paksa sa blankong bahagi na nasa kanan.

Teksto1 Paksa
MANILA, Philippines — Target ng
gobyerno na makakuha ng vaccine deal
sa mga mapipiling manufacturers mula
sa susunod na linggo hanggang sa
unang bahagi ng Enero 2021, ayon kay
National Task Force Against COVID-19
Chief Implementer at vaccine czar
Carlito Galvez Jr.

Mula sa: https://www.philstar.com/pilipino-


star-ngayon/ (Disyembre 20, 2020)
Teksto2 Paksa
Patuloy na nararanasan ng mga bansa
sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta
sa malawakang pagkasira. Nais ni
Rodel na magkaroon ng mas maraming
impormasyon ukol dito kaya’t hawak
niya ngayon ang tekstong may pamagat
na “Mga Epekto ng Global Warming sa
Kapaligiran.”

Mula sa: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-


tekstong-impormatibo/
Teksto3 Paksa
Ang pananampalataya sa Diyos ang
nagpapalakas sa mga Pilipino. Sa
kabila man ng mga pagsubok na
nararanasan, nananatiling matatag at
matibay ang mga Pilipino. Masasalamin
ang katatagan nito sa masasayang
pamilya na nagtutulungan sa gitna ang

6
ligalig at suliranin. Ganyan ang mga
Pilipino, naniniwala sa ginhawang
dulot ng tibay ng panalangin at tatag ng
pag-asa.

Mula sa:
https://www.sunstar.com.ph/article/404657
Teksto4 Paksa
Maraming pag-aaklas ang naganap sa
ating bansa laban sa mananakop. Iba’t
iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas
na ito. Gustong malaman ni Donna ang
istorya sa likod ng pinakahabang pag-
aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas - Ang
Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.

Mula sa:
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-
impormatibo-193940830

Panuto: Mula sa mga teksto sa itaas, itala ang mga mahalagang salita mula
sa nabasang teksto. Ibigay ang kahulugan nito ayon sa sariling
pag-unawa. (maaaring gumamit ng dagdag na papel)

Mula sa Teksto 1
Mahalagang Salita Kahulugan

Mula sa Teksto 2
Mahalagang Salita Kahulugan

7
Mula sa Teksto 3 at 4
Mahalagang Salita Kahulugan

Sanayin Natin

Dahan-dahan nang naging malinaw sa iyo kung paano tutukuyin ang


paksa ng teksto at ang gamit ng mahahalagang salita sa teksto. Ngayon,
natitiyak kong magagawa mo ang pagsasanay sa ibaba.

Gawain (Pagtukoy ng Paksa)


Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo tungkol sa Kadayawan Festival
ng Lungsod ng Davao. Nababatid ko makauugnay ka sa teksto dahil
nasaksihan mo rin ang nabanggit na pagdiriwang. Gawin ang
dayagram na makikita sa ibabang bahagi.

Kadayawan Sa Davao

Noong unang panahon, sinasabing ang mga katutubong naninirahan


sa paanan ng bundok Apo sa Dabaw ay nagtitipon at nagsasagawa ng mga
seremonya at rituwal sa kanilang mga Bathala lalo na sa kay “Manama” na
syang pinakamataas na Bathala sa lahat. Ito ay upang magpasalamat sa
masaganang ani na kanilang natatamasa. Sila ay nagsasayawan at nag-
aawitan upang ipagdiwang ang kanilang kasiyahan sa mga biyayang
natanggap. Iba’t ibang mga produkto sa pagsasaka tulad ng mga prutas,
bulaklak, mga gulay, bigas at butil ng mais ay nakalatag sa banig habang
ang mga katutubo ay nagbibigay pugay at paggalang at pasasalamat o”
pahinungod” para sa kasaganaan ng taon.
Lumipas ang maraming taon, kahit naging moderno ang lahat, ang
mga Dabawenyo ay nananatiling nagsasagawa ng seremonya ng
pasasalamat. Ang tradisyong ito ay naging isang taunang kapistahan na
tanyag sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay ang
“Kadayawan sa Davao”. Ang “Kadayawan” ay nanggaling sa salitang
Mandaya na “Madayaw” upang ipaliwanag ang isang bagay katulad ng “
maganda, mahalaga, mabuti, at magaling. Ang kapistahang ito ay
nagsisimbulo ng pagdiriwang sa buhay, pasasalamat sa mga yaman at

8
biyayang natatamasa, masaganang ani ng mga pananim, at kapayapaan sa
buhay.

Pinagkunan: emit2homeblog.wordpress.com/2013/07/31/kadayawan-sa-
davao/(retrieved: December 21, 2020) Posted on July 31, 2013 by Klinnk Blog

Paksa ng Teksto: ___________________________________________________________


______________________________________________________________

______________________________________________________________

paglalarawan o depinisyon.
kasingkahulugan, kasalungat na kahulugan at
Ang Pagbibigay ng Kahulugan ay maaaring:
Kahulugan:

Manama

Kahulugan:

Kadayawan

Kahulugan:

Kasaganaan

9
Tandaan Natin

Natapos mo nang pag-aralan ang pagtukoy sa paksa ng teskto at ang


gamit gayundin ang halaga ng mahahalagang salita sa teksto. Mahalagang
tandaan mo na:

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang


layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw
na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong
na ano, kailan, saan, sino at paano. Dahil layunin nitong maghatid ng
tiyak na impormasyon, dapat ito ay madaling unawain.
Ang paksa ng teksto ay naglalahad sa layunin ng may-akda ng
pagsulat ng teksto. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang
pinagtutuunan ng pansin o pokus ng talakay.
Kailangan ding alamin ang kahulugan ng mahahalagang
salitang ginamit sa teksto. Makatutulong ito upang lubos na
maunawaan ng bumabasa ang nilalaman ng akda. Maaaring gamitin
ang kasingkahulugan, kasalungat na kahulugan at paglalarawan o
depinisyon.

Suriin Natin

Maligaya ako at naabot mo ang bahaging ito ng ating pag-aaral. Upang


lalong mapalawak ang iyong pag-unawa, isakatuparan mo ang gawaing ito.

Unang Bahagi
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagsasanay tungkol sa tekstong
impormatibo. Isulat sa patlang ang I kung karaniwang naghahayag
ng impormasyon ang uri ng teksto na nakasaad sa bilang at H kung
hindi.

___________1. Pahayagan
___________2. Pagsusuri ng isang dulang pantanghalan
___________3. Editoryal
___________4. Maikling kwento
___________5. Mapa ng Pilipinas sa isang atlas
___________6. Talumpati
___________7. Talata tungkol sa iba’t ibang uri ng halaman sa ensiklopediya
___________8. Alamat

10
___________9. Proposal para sa isang proyekto ng barangay
___________10. Tula.

Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahing mabuti ang mga tekstong impormatibo. Tukuyin kung ano
ang paksa ng mga ito. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

Teksto 1
Ang COVID-19 ay isang bagong uri A. Paggamit ng halamang
ng coronavirus na umaapekto sa baga at gamot bilang lunas sa mga
mga daanan ng hininga. Kabilang ito sa karamdaman.
pamilya ng mga virus na nagiging sanhi B. Ang COVID 19 bilang
ng mga karamdaman gaya ng karamdamang umaapekto
karaniwang sipon, lagnat, pangangapos sa baga at daanan ng
ng hininga at pananakit ng lalamunan. hininga.
Ilan sa mga hakbang na ipinatutupad C. Ang COVID 19 ay sakit na
upang labanan ang karamdamang ito ay nakahahawa.
pagiging malinis sa katawan at paligid at D. Pagtatanim ng puno upang
paglalaan ng distansiya sa ibang tao. maiwasan ang mga
malalang sakit.
Teksto 2
A. Masipag ang magsasakang
Malawak ang lupain ng mga Olivarez
Pilipino.
sa Timog Davao. Natatamnan ito ng mga
B. Malawak ang lupain
niyog, mangga at kakaw. Araw-araw,
C. Ang malawak na lupain ng
masayang nagtatrabaho sa malawak na
W df mga Olivarez ay ang
bukid ang mga magsasaka. Dito nila
pinagkukunan ng kabuhayan
kinukuha ang kanilang ikinabubuhay.
ng mga magsasaka.
D. Makas-Diyos ang mga tao.

Teksto 3
A. Malinis ang mga dagat sa
W df
Upang mapanatiling malinis ang Pilipinas.
ating kadagatan, sabay-sabay tayong B. Maraming nabubuhay sa
magmatyag sa sinumang pumipinsala dagat.
nito. Magkakapit-bisig tayong bantayan C. Tao ang dahilan ng kasiraan
ito upang may makuha tayong sariwa at ng ating kadagatan.
masarap na mga isda at iba pang D. Magkapit-bisig tayong
lamang-dagat. alagaan ang dagat na
pinagkukunan ng sariwang
isda at lamang-dagat.

11
Teksto 4
W ng df
Isang araw, nakita na lamang mga A. Ang nasisirang lawa sa baryo
taga-baryo na may mga patay na isda na dahil sa duming galing sa
lumulutang sa lawa. Ito ay dahil sa mga kabahayan.
duming galing sa kabahayan. Kung B. Dumarami ang lamok at ipis.
Teksto 5 maaagapan, maging sanhi ito
hindi ito C. Marami ang nagkakasakit.
ng mga sakit at dahan-dahang D. Umangat ang kabuhayan ng
mamamatay ang mga buhay sa lawa. mga tao.

Teksto 5

Sa kasalukuyang pandemya, A. ang kasalukuyang pandemya


maraming negosyo at pamumuhunan B. bumababang ekonomiya at
ang naaapektuhan. Maraming paggawa tumataas na antas ng
ang natigil. Tumaas ang antas ng kahirapan
kahirapan sa mga tao dahil sa C. kasipagan ng mga tao
bumababang ekonomiya. D. pagtutulungan sa isa’t isa

Ikatlong Bahagi
Panuto: Tukuyin ang kaugnay na mga pahayag o kasingkahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Titik (A, B, C, D) lamang
ang isulat sa inyong sagutang papel.

1. Maraming karamdaman ang dala ng virus. Ang sumusunod ay ukol sa


salitang may salunggguhit maliban sa:
A. isang uri ng mikrobyo
B. sanhi ng maraming sakit
C. nakikita gamit ang mga mata lamang
D. maliit at di-nakikita ng mga mata
2. Natatamnan ng mga niyog, mangga at kakaw ang malawak na lupain ng
mga Olivarez.
A. pangunahing produktong pang-agrikultura ng Pilipinas
B. Maraming lupain sa Pilipinas ang natatamnan ng mga niyog,
mangga at kakaw.
C. Maraming produktong nagagawa mula niyog, mangga at kakaw.
D. Lahat sa Nabanggit
3. Kailangan nating magmatyag upang hindi makapasok sa ating
nasasakupan ang mga dayuhan.
A. magtika C. magliwaliw
B. magbantay D. makipag-ugnayan

12
4. Maraming namumuhunan ang pumasok sa bansa.
A. mamimili C. dayuhan
B. turista D. kapitalista
5. Nitong nagdaang mga buwan, napapansing tumaas ang antas ng
kahirapan sa bansa.
A. Ito ay kakayahan ng taong bilhin ang kaniyang mga
pangangailangan at mga gusto.
B. Ito ay antas ng mahihirap at mayayaman sa lipunan.
C. Ito ay panukatang pang-ekonomiks hinggil sa kakayahan ng
pamilyang tustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
D. Wala sa Nabanggit

Payabungin Natin
Nalulugod akong malamang nakuha mo ang mga naunang gawain.
Upang mapaunlad ang iyong kasanayan, Gawin ang sumusunod na gawain.

Unang bahagi
Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo at ipaliwanag ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong binasa. Suriin ang mga katanungan na
makikita sa ibabang bahagi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng


teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang
cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa
text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan,
bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng
mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng
account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account
ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari
nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang
mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan
ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng
cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan,
pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa

13
sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng
harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo
kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa
cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu
ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa.
Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas
patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng
mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying
noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga
mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Pinagkunan: https://www.sunstar.com.ph/article/404657

Tanong:
1. Tukuyin ang paksa ng tekstong binasa.
________________________________________________________________________
2. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?
______________________________________________________________________
3. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
______________________________________________________________________
4. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng
tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
_____________________________________________________________________
5. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_____________________________________________________________________
6. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong
inilahad sa tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin
ukol dito?
_____________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

Malapit ka nang matapos sa SLK na ito. Sa bahaging ito, maaaring mo


masukat ang kahalagahan ng pagtukoy sa paksa ng teksto at ang gamit ng
mahahalagang salita sa lubusang pag-unawa.

Panuto: Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”,


pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga
pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya,

14
komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa iyong sagutang papel ang
iyong paliwanang sa sariling kaisipan sa bawat pahayag.

1. May kasabihang walang mambu-bully


kung walang magpapa-bully. Ano-
ano ang gagawin mo upang
maiwasang maging biktima ng
cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga


kapamilya o malapit na kaibigan mo
ang magiging biktima ng
cyberbullying, ano-ano ang gagawin
mo o ninyo upang mapigilan ang
ganitong uri ng pang-aabuso at
mapanagot ang taong gumagawa
nito?
3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at
nalaman mo ang masasamang
epekto nito sa biktima mo na
maaring bumalik sa iyo sa mga
darating na panahon, ano ang
gagawin mo upang makabawi sa
nagawang pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging


responsable sa paggamit ng internet
at laging pagsasaalang-alang sa
pahayag na “Think before you click”?

15
16
Suriin Natin
Unang Bahagi
1. I
2. I
3. I Subukin Natin
4. H Unang Bahagi
5. I 1. B
6. H 2. C
7. I 3. D
8. H 4. A
9. I 5. B
10. H Ikalawang Bahagi
1. C
Ikalawang Bahagi 2. D
• Gawing Batayan ang 3. B
Subukin Natin 4. D
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Atanacio, H.C., et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. 2016 C&E Publishing, Inc. UE Education and
Elementary Building, Francisco Dalupan Sr. Bldg,, 2219 Recto Ave,
Manila, 1008 Metro Manila, Philippines
Crizel Sicat-De Laza, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. 2016 REX Book Store Inc. REX Knowledge Center, 109
Sen M Cuenco Sr, Quezon City, 1114 Metro Manila, Philippines.

emit2homeblog.wordpress.com/2013/07/31/kadayawan-sa-
davao/(retrieved: December 21, 2020) Posted on July 31, 2013 by Klinnk
Blog
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/Disyembre 20, 2020

https://www.sunstar.com.ph/article/404657

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830

https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyon
g_Kaalaman
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like