You are on page 1of 5

PANUNURING PAMPANITIKAN

SA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA


SA NOBELANG LUHA NG BUWAYA
NI AMADO V. HERNANDEZ

IPINASA NINA:

ANTONIO, Fayre

DACPANO, Arlene Joy

LADOING, Alliah

SANTARINA, Jillian Allyson

IPINASA KAY:

PROF. JEFFREY ROSARIO ANCHETA

PEBRERO 14, 2020


RASYUNAL

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa nobelang Luha ng Buwaya na isinulat ni Amado V.


Hernandez. Ang napiling tekstong pampanitikan ay nakapokus sa mga karapatan ng isang
manggagawang Pilipino sa ating bansa. Ang mga manggagawang Pilipino ay maituturing na
isang yaman ng ating nayon sapagkat sila ang nagpapagalaw sa larangan ng ekonomiya sa
Pilipinas. Ang mga manggagawa ang buhay at sandigan ng industriya, malaki at mahalaga ang
papel na ginagampanan nila sa patuloy na pag-unlad ng mga pabrika, pagawaan, at negosyo dito
sa bansa.

Ang bawat bansa ay nangangailangan ng manggagawang magbibigay serbisyo sa taong


bayan. Sa bansang Japan, lubos nilang binibigyang pagpapahalaga ang kanilang mga trabahador
kaya naman patuloy na umuunlad ang kanilang ekonomiya. Samantalang sa Pilipinas, mas
marami pa ang dayuhang manggagawa kaysa sa Pilipinong manggagawa kung kaya’t ang
nagiging resulta ay patuloy na lumalaki ang bilang ng mga nangingibang bansa upang doon na
lang magtrabaho. Ayon sa Global Workers' Rights Index 2019 ng Trade Union Confederation,
kabilang na naman ang Pilipinas sa “10 worst countries" para sa mga manggagawa. Isa sa mga
pangunahing sanhi kung bakit humaharap sa ganitong suliranin ang ating bansa ay dahil sa
kawalan ng pagkilala sa mga karapatan ng ating manggagawang Pilipino.

Batay sa nobelang Luha ng Buwaya ay isiniwalat dito ni Hernandez ang pagtapak ng mga
makapangyarihan sa mga karapatan ng ating mga manggagawa lalo na sa ating mga magsasaka.
Sa panahon ngayon, hindi na maaari ang patamad-tamad kung hindi ay kahirapan ang baksak
mo. Ngunit, paano naman ang ating mga magsasaka? Ang mga magsasaka ang isa sa mga
masisipag na manggagawa dito sa ating bansa at sila rin ang may pinakamalaking ambag sa ating
papaunlad na ekonomiya. Subalit, ‘tila sila rin ang may pinakamahinang boses sa ating mga
manggagawang Pilipino. Ayon kay Viuda, ang mga magsasaka ang salamin ng kasipagan at
kahirapan. Hindi maitatanggi na ito talaga ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa panahon
ngayon. Halimbawa na umano ang pagpaslang sa siyam na magsasakang nag-piket sa Sagay
City, Negros Occidental noong Oktubre 2018 at ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na
"barilin" ang mga gagaya sa kanila. Ang Luha ng Buwaya ay nagpapamalas ng mga katunayan
sa buhay sa isyung kawalan ng katarungan at karapatan ng mga magsasaka at manggagawang
Pilipino.
LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na masuri ang mga pangyayari sa nobelang “Luha ng
Buwaya” na isinulat ni Amado v. Hernandez at maihantulad ito sa mga kasalukuyang suliranin
sa estado ng ating bansa, maipabatid ang estado ng sektor ng agrikultura at ng mga magsasaka sa
ating bansa at mabigyang pansin ang mga suliranin na nagiging balakid sa pagtanggap ng
pantay-pantay na karapatan ng mga mangagawa sa ating lipunan.

• Ano-anong paunang aksyon ang inilatag ng panitikan sa mga mambabasa kaugnay sa


mga epekto ng suliraning pangmanggagawa?
• Paano isiniwalat ng panitikan ang kapangyarihan nitong magpahayag at pumuna sa mga
isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka?
• Paano nakakaapekto ang karapatan ng mga manggagawa sa buhay ng bawat pamilyang
Pilipino at sa ekonomiya ng bansa?
METODOLOHIYA

Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinagawa ang pag-aaral tulad ng
paglalarawan sa disenyong ginamit sa pananaliksik, mga kalahok, lugar na pinagdausan ng
pananaliksik, instrumentong ginamit at kung paano ito ginamitan ng istatistikal na paglalapat.

Disenyo ng pananaliksik

Ang naisawagang pag-aaral ay ginamitan ng kuwalitatibong pananaliksik. Ito ay kinapapalooban


ng mga uri ng pagsisisayasat na ang layunin ay malalimang maunawaan ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng
paniniwalang ang paguugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong
pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang
pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

Pamamaraan ng pagpili ng respondente

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simple random sampling upang maging malaya sa pagpili
ng mga respondente na makatutulong sa pag-aaral na ito.

Instrumento ng pananaliksik

Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ginawa nang may pag-iingat upang
maiwasan ang pagkakamali at maging angkop ang mga impormasyon, datos o detalye na
makatutulong sa pag-aanalisa ng pag-aaral.

1. Pangangalap ng Kaugnay na Literatura. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng kaugnay


na literatura, ang nobelang "Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez. Ito ay lubhang
makatutulong sa pagpapatibay ng pag-aaral na iyo dahil ito ay may ugnayan sa napiling tema.

2. Pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng sarbey. Gumamit ang mga


mananaliksik ng talatanungan upang makakalap ng mga datos na mahalaga sa pag-aaral.
SANGGUNIAN

Gunigundo, M. “Manggagawang Pilipino nasasapawan ng dayuhan.” Journal Online (2018).


Web. 14 Pebrero 2020.

Hernandez, Z. “PH kabilang pa rin sa '10 worst countries' para sa mga manggagawa.” ABS-CBN
NEWS (2019). Web. 13 Pebrero 2020.

Relativo, J. “Phl nasa '10 pinakamasahol na bansa para sa manggagawa'; CHR dismayado.”
Pilipino Star Ngayon (2019). Web. 13 Pebrero 2020.

Viuda, M.C. “Ang magsasaka: Salamin ng kasipagan – at ng kahirapan.” Rappler (2019). Web.
13 Pebrero 2020.

You might also like