You are on page 1of 1

Pag-unlad ng Teknolohiya ng ating Bayan

By: Risulme, Gwyneth Althea C. 7-St. Therese of Lisieux

Ang teknolohiya ng Pilipinas ay unti-unting umuunlad at nakakasabay sa teknolohiya ng


ibang bansa. Ang Pilipinas ay nag-aangkat rin ng teknolohiya galing sa ibang bansa. Katulad na
nito ang mga riles, tren, ang mga bagong smartphone at kotse. Ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa
mga ito.
Ang Pilipinas ay isa mga bansang na nangunguna sa teknolohiya. Isa rin ito sa mga bansang
lumikha ng mga teknolohiya na higit na nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa ay ang karaoke machine. Si Roberto del Rosario, isang filipino, ay ang unang naka-
tuklas nito. Noong nasakop tayo ng mga iba’t ibang bansa, lalong umunlad ang teknolohiya
natin. Hindi lamang tayo umunlad sa pang militar, kundi umunlad rin tayo sa transportasyon. Isa
sa mga napapaloob dito ay ang mga sasakyan. Ang mga sasakyan ay nauso sa Pilipinas noong
panahon ng mga Amerikano, ngunit ang mga mayayaman lang ang makakabili ng mga ito. May
ambag rin ang mga amerikano sa edukasyon ng Pilipinas. Nagpatayo sila ng ilang paaralan sa
Pilipinas, karamihan sa rehiyon ng maynila, at nag bigay ng libreng edukasyon. Nakita rin ng mga
Amerikano na may potensyal ang mga filipino sa akademyo at nag bigay ng iskolarship sa mga
ito. Dahil dito, mas tumalino ang mga Pilipino at nakapag imbento ng kung ano-anong
teknolohiya.
Sa aking pag wakas, ako ay may itatanong sa iyo. Sumasang-ayon ka ba na ang Pilipinas ay
isa paring developing country? Oo o Hindi? Ang Pilipinas ay unti-unting umuunlad sa itong mga
teknolohiya. Balang araw, mas lalo pang uunlad ang teknolohiya ng pilipinas.

You might also like