You are on page 1of 2

Erica S.

Rayos Hulyo 27,2019

12-GAS, Argon Gng. Regina B. Rosales

Dating Alkalde Antonio Sanchez, Hindi Nararapat Makinabang sa

Batas Republika Bilang 10592

Noong Hunyo 28,1993 ay natagpuang patay sina Eileen Sarmenta at Allan


Gomez at sa likod nito ay hindi lamang pagpatay ang naganap. Ito ay isang karumal-
dumal na krimen na inakusa kay Calauan Mayor Antonio Sanchez. Sa paglilitis ng kaso ay
napag-alamang dinakip ng anim na tauhan ni Sanchez ang dalawang biktima sa labas
ng UP Los Baňos Campus upang iregalo sa dating alkalde. Dinala ito sa isang resthouse
at doon ginahasa ni Sanchez si Eileen. Pagkatapos nito ay ipinasa siya sa anim pa niyang
tauhan at ginahasa muli bago ito barilin sa mukha. Ang kasama naman nitong si Allan
Gomez ay pinahirapan at pinatay din batay sa mga datos sa korte.

Sa daloy ng pagdinig sa Pasig Regional Trial Court ay napatunayan na siya ay may


sala sa pagpatay at panggagahasa noong March 11, 1995 . Siya ay nasentensyahan ng
habang buhay na pagkakakulong at karampatang danyos na umaabot ng limang
milyong piso. Sa naging hatol ng korte ay nakamit ng pamilya ang hustisyang kanilang
hinihiling sa mga panahong yaon. Lumipas ang taon at ang pangyayaring ito ay nabaon
na sa limot at nawala na sa ulirat ng taumbayan. Ngunit ngayong August 20, 2019,
niyanig ang pamilya ng biktima at maging ang madla ng isang balita na si Mayor Sanchez
ay isasama sa mga palalayaing bilanggo dahil sa Republic Act no. 10592 (Good conduct
Time Allowance). Gayunpaman hindi siya nararapat na palayain sapagkat hindi sakop ng
R.A. 10592 ang mga karumal-dumal na krimen, hindi rin siya kwallipikado sa Good
Conduct Time Allowance (GCTA) at maari itong magdulot ng pagkawala ng tiwala ng
taumbayan sa batas ng ating bansa.

Inihayag ni Presedential spokesperson Salvador Panelo (naging abogado ni


Sanchez noong nililitis pa siya sa kasong pagpatay at panggagahasa) na hindi

1
kwalipikado ang dating alkalde ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez makinabang
sa kontrobersyal na Republic Act no. 10592 para maagang makalaya. Nang binasa muli
ni Panelo ang nasabing batas ay inilahad niya na hindi kasama ang mga nakulong dahil
sa karumal-dumal na krimen, paulit-ulit na paglabag at pagtakas sa kulungan. Ito ang
binasa ng batas,” dagdag pa ni Panelo.

Maaaring sa teknikal na aspeto ay sakop siya ng nasabing batas ngunit sa kabilang


banda ay mawawalan din naman ito ng saysay sapagkat sa panahon ng kaniyang
pagkakakulong kaliwa’t kanan ang batas naman ang kaniyang nilabag tulad ng
pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga noong Oktubre 10, 2006 at taong
2010-2015 ay nahulihan muli siya ng shabu na may halagang 1.5 million ayon sa mariing
pahayag ni Senador Franklin Drilon. Marami rin nagsasabi na mala-hari ang pamumuhay
ng alkalde sa loob ng kulungan at ito ay taliwas sa sinasabi ng ilan na siya ay nagbagong
buhay na.

Sa pagputok ng balitang ito marami sa taumbayan ang nagulantang at hindi


napigilang magbigay boses ng pagtutol sa paglaya ni Sanchez. Hindi maiiwasan na
mapanuod din ito ng pamilya ng mga biktima na may katulad na ganitong kaso. Dito
mabubuksan ang kanilang isip na ganito na pala ang batas ngayon, magdadalawang-
isip sila na lumapit sa batas sapagkat baka mawalan din lamang ng bisa ang hustisyang
gustong makamit. Maaari din nilang ilagay sa kanilang kamay ang batas para lang
makamit ang inaasam na hustisya. Magkakaroon rin ng lakas ng loob ang iba na gumawa
ng krimen sapagkat puwede namang palayain kung magbabait sa loob ng bilangguan.
Kaya marami ang lilihis sa pamamaraan ng batas dahil ang nakamit mo nang hustisya ay
maaari pa ring mawawala dahil sa pagpapakita ng magandang asal nang may sala.

Sa kagayang isyu na hindi matapos-tapos, sa mga karumal-dumal na krimen na


hindi masugpo at sa hustisya na minimithing makamit ng mga biktima ay mayroong isang
panawagan sa nakatataas na mga mambabatas, hindi ba nararapat na muling buhayin
ang parusang kamatayan sa mga krimen na kahit sa langit ay hindi kayang patawarin?
Sana’y huwag magbingi-bingihan at huwag piliting baluktutin ang batas dahil lang sa
pera at impluwensya. Panagutin ang mga kriminal at pagbayarin ang may sala!

You might also like