You are on page 1of 2

SH1673

Ang Pagsusulat ng Teknikal-Bokasyunal na Lathalain (Bandril & Villanueva, 2016)


I. Ano ang Teknikal-Bokasyunal na Sulatin?

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya,


kalusugan, inhenyera, at iba pa. Karaniwan ng sulating teknikal ay may katiyakan sa nilalaman at
eksakto ang datos at impormasyon. Katulad ng nasasaad sa unang mga linggo ng ating talakayan,
ang mga sulating kagaya nito ay kinapapalooban ng mataimtimang pagsisiyasat at pagsasaliksik.
Dapat lang sakto at tama ang mga proseso na isinasaad dito lalo na pagdating sa mga manwal.
Mahalaga na malinaw na nailalarawan ang mga hakbang at alituntunin upang madali itong sundan.
Importante din na ang balarila ay tama, ang bantas ay akma, at gumagamit ng mga salitang
madaling maintindihan ng karamihan. Ang sulating teknikal-bokasyunal ay naglalayong magbigay
impormasyon sa mambabasa.

II. Layunin

Mayroong tatlong (3) layunin ang pagsusulat ng pangteknikal-bokasyunal na lathalain at ito ay ang
mga sumusunod:

1. Makapagbigay-kaalaman
- Ang pagsusulat ng mga lathalaing pangteknikal-bokasyunal ay nagpapaliwanag at
nagpapaunawa ng isang bagay, paniniwala, idilohiya, pagbibigay direksyon, at proseso.

2. Makapag-analisa at makapagisip ng mga pangyayari at ang maaring implikasyon nito


- Isa sa mga kagandahan ng pagsusulat ng teknikal-bokasyunal na lathalain ay ang
pagkakaroon nito ng isang matagalang pagsasaliksik. Sa ganitong paraan, nakakasigurado
tayo na ang datos ay tama at hindi minadali. Sinusubukan nitong ipaliwanag at bigyang
linaw ang mga sanhi kung bakit bigo ang isang plano, pag-aaral, disenyo, at iba pa. Sa pag-
aanalisa ay nalalaman natin na mayroong maaring ibang solusyon sa mga nakitang
problema.

3. Makaimpluwensiya
- Layunin din nito ang maimpluwensiyahan ang
karamihan, hindi sa maling paraan, kung hindi sa
pagtanggap ng bagong teknolohiya, bagong
paniniwala, na iboto ang isang kandidato sa
eleksyon, ipagbigay alam ang bagong tayong
restawran, o bumili ng bagong produkto.

Pic.1 Mga lumang brochure ng Mac Computers


(systemfolder.wordpress.com)

03 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 2
SH1673

III. Gamit

Maraming pwedeng paggamitan ang teknikal-bokasyunal na sulatin:

1. Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibo at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya.
2. Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibong pulitiko at mambabatas sa gobyerno.
3. Pagbibigay ng tagubilin at proseso.
4. Magpaliwanag ng pamamaraan ng paggamit.
5. Bilang anunsyo.
6. Ipagbigay alam ang makabagong produkto.
7. Ipagbigay alam ang mga serbisyo ng isang indibidwal, kumpanya, o gobyerno.
8. Makalikha ng proposal.

Sanggunian:

Bandril, L. & Villanueva, V. (2016). Pagsulat sa filipino sa piling larangan (isports at teknikal-
bokasyunal). Quezon City: Vibal Group Incorporated.

03 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 2

You might also like