You are on page 1of 24

6

Araling Panlipunan
Kwarter 3 - Modyul 2
Mga Hamon sa Kasarinlan Pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyul 2: Mga Hamon sa Kasarinlan Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Unang Edisyon 2020


Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ito ginawa kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng
naturang karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng
Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher)
at ng mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling


Panlipunan 6
Manunulat: Cristylen B. Del Rio, Myla A. Tomimbang,
Jun Mark I. Ontolan, Naise M. Niere
Illustrator and Layout Artist: Jun Mark I. Ontolan, Christine Melody Maramara
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Aida M. Alquilita

Management Team

Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Rosemarie T. Macesar, Ph.D.
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D., OCI-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr - ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMDS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D., Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D., Principal II
Aida M. Alquilita, Principal I
Ashlima L. Racmat, MT-II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Araling Panlipunan
Kwarter 3 - Modyul 2
Mga Hamon sa Kasarinlan
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
Talaan ng mga Nilalaman

Aralin 1 – “Parity Rights” at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos 1


Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 9
Susi ng Pagwawasto 10
Sanggunian 11

Aralin 2 – Epekto ng “Colonial Mentality” Pagkatapos ng Ikalawang


12
Digmaang Pandaigdig
Alamin 12
Subukin 13
Balikan 14
Tuklasin 15
Suriin 15
Pagyamanin 17
Isaisip 17
Isagawa 18
Tayahin 19
Karagdagang Gawain 20
Susi ng Pagwawasto 21
Sanggunian 22
Aralin
Parity Rights at ang
1 Ugnayang Kalakalan sa
Estados Unidos

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling


Panlipunan 6. Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter,
Ikalawang Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa
iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng
mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;


Natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados Unidos

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

Subukin 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano-ano ang mga pagbabagong ginawa ng mga Amerikano ukol sa
kalakalan?
A. Pag-aalis ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan at alak.
B. Pagkokolekta ng salapi at inilagak sa isang publikong tesorero.
C. Pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ano ang batas na naglagay ng mga limitasyon sa pagpasok ng mga
produktong Pilipino sa Amerika?
A. Batas Payne-Aldrich C. Parity Rights
B. Batas Underwood-Simmons D. Malayang Kalakalan
3. Anong taon ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas Payne-Aldrich?
A. 1909 B. 1990 C. 1809 D. 1890
4. Ano ang batas na nag-alis ng restriksiyon sa lahat ng produkto na
pumapasok sa dalawang bansa?
A. Batas Payne-Aldrich C. Parity Rights
B. Batas Underwood-Simmons D. Malayang Kalakalan
5. Base sa istatistika nang taong 1914-1920, ilang porsyento ang iniluwas na
produkto ng Pilipinas patungong Amerika?
A. 30%-60% B. 40%-60% C. 50%-70% D. 40%-70%

Balikan

Panuto: Napag-aralan na natin ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa isyung


pangmilitar. Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat ang salitang nabuo
sa iyong kwaderno.
1. Ano ang kasunduang nilagdaan ni Pangulong Manuel A. Roxas kasama ang
kanyang pangalawang Pangulo Elpidio Quirino at US Ambassador Paul V.
Mcnutt sa loob ng Malacañang Palace?
A. Bell Trade Act C. Batas Tydings-McDuffie
B. National Defense Act D. Military Bases Agreement
2. Kailan nalagdaan ang kasunduang Base Militar sa pagitan ng Pilipinas at
Amerika?
A. Mayo 21,1947 C. Agosto 30,1951
B. Mayo 14,1947 D. Abril 15,1948
3. Ilang taon ang bisa ng kasunduang Base Miltar ng Pilipinas at Amerikano
sa panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. 45 taon C. 99 taon
B. 87 taon D. 100 taon
2
4. Isa sa mga natatag na Base Militar ng Amerika dito sa Pilipinas na
matatagpuan sa Angeles, Pampangga na may 37 km. kwadrado. Ano ito?
A. Mariveles Military Reservation C. Apari Naval Air Base
B. Subic Bay D. Clark Airfield
5. Sino ang pangulo nang nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Manuel A. Roxas C. Elpidio Quirino
B. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo

Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling kwento sa ibaba upang masagot ang sumunod na tanong.
ANG DALAWANG MAGKAIBIGAN

https://www.google.com/search?q=two+
friends+playing+clipart&tbm=isch&ved=2
ahUKEwjLpe-
swoXrAhVDyZQKHQgbD9MQ2-
cCegQIABAA&oq=two+friends+playing+c
&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAA6
BAgAEB46BggAEAUQHlDhPVioQmCoUGg
AcAB4AIAB_QGIAYIDkgEFMC4xLjGYAQCg
AQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclien
May dalawang magkaibigan na sina Tita at Tina. Sila ay magkababata kaya
t=img&ei=LWkrX4vbA8OS0wSItryYDQ&bi
masaya at malapit sa isa’t isa. h=603&biw=1017&rlz=1C1RLNS_enPH90
3PH903&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=lEi
x-VJHhKzyWM
Isang araw, pumunta si Tita sa bahay ni Tina upang makipaglaro. Mabait ang
mga magulang ni Tina kaya malaya siyang pumili ng anumang laruan. Kung si Tina
naman ay pupunta sa bahay nila Tita limitado lang ang kanyang lalaruin dahil
magagalit ang kanyang ina na gamitin ang mamahaling laruan.
Tanong:
1. Sino ang dalawang magkaibigan?
2. Paano sila naging magkaibigan?
3. Sa iyong palagay, pantay ba ang kanilang karapatan sa paglalaro? Bakit?

3
Suriin

Ang karapatan ng isang tao ay napamakahalaga sapagkat malaya itong


gumawa ng mga bagay na ikabubuti at ikasasama niya. Kaya lang minsan ito ay
inabuso nang iba.
Ngayon ay malalaman natin sa araling ito ang Parity Rights at ang
ugnayang kalakalan sa Estados Unidos.
Basahin at unawaing mabuti ang araling ito upang matuto at makasagot sa
mga sumusunod na tanong.
PATAKARANG “PARITY RIGHTS” AT ANG UGNAYANG KALAKALAN SA
ESTADOS UNIDOS

Malayang Kalakalan
Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pamamaraan ng paniningil ng iba’t ibang
buwis na nasimulan noong panahon ng mga Kastila. Mayroong mga ginawang
pagbabago gaya ng pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta ($0.10) at pagaalis
ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan at alak. Ang mga salaping
nakokolekta ay inilalagak sa isang pampublikong tesorero na pinangasiwaan ng
Kagawaran ng Tesorero. Hindi naging malinaw ang nais na mangyari ng mga
Amerikano sa pangkabuhayan ng Pilipinas sa unang bahagi ng kanilang pananakop.
Ang pinakapangunahin nilang layunin ay ang pagpapalawak ng pakikipagkalakalan sa
bansang Tsina.

Batas Payne-Aldrich
Noong taong 1909 ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas
PayneAldrich. Ito’y naglalayong papasukin ang mga piling produkto ng Pilipinas sa
Estados Unidos. Naglagay ng limitasyon sa pagpasok ng bigas, asukal, niyog, langis

4
at tabako sa Estados Unidos dahil sa pagtutol ng mga magsasakang Amerikano. Ito’y
kanilang ginawa dahil sa posibleng malaking kompetisyon ang mangyayari sa mga
nabanggit na produkto. Samantalang ang produkto ng mga Amerikano ay malayang
makapapasok sa ating pamilihan ng walang limitasyon sa bilang o dami nito.

Batas Underwood-Simmons
Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa Kongreso ng
Amerika. Inalis ng batas na ito ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong
pumapasok sa dalawang bansa. Dahil dito, naging depende ang Pilipinas sa mga
kalakal na galing sa Estados Unidos. Naging positibo din ito sa pagdami ng mga
iniluluwas na produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang ng mga
iniluluwas na produkto. Batay sa istatistika noong taong 1914 at 1920 ay umabot ang
iniluluwas na produkto sa 50%-70%. Nang taon 1939 ay 85% ang ating nailuwas na
produkto sa Estados Unidos ngunit 65% naman ang ating inangkat. Nakinabang nang
malaki ang Estados Unidos sa nasabing patakaran dahil kahit hindi mahahalagang
produkto ay naipasok nila sa pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng mas malaking tubo
sa kanila. Naging mahilig kasi ang mga Pilipino sa anumang produktong “stateside”.

Parity Rights
Hindi lamang ang kalakalan ang pinakinabangan ng mga Amerikano sa
panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas kundi maging ang ating mga likas na
yaman. Bago pinagkaloob ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas ay itinali
muna tayo sa isa pang patakaran: ang Parity Rights. Ang patakarang ito inaprubahan
ng kongreso ng Pilipinas noong Hulyo 2, 1946. Ito ay nagbigay ng pantay na karapatan
sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng
Pilipinas. Madaling napaunlad nito ang pangangalakal at industriyang itinayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Ang pagtatatag ng mga industriyang Amerikano ay naging
daan ng pagdagsa ng mas maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa
pamilihan ng Pilipinas.

Pagyamanin

A. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng


bilang 1,2 at 3 sa patlang. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

______Parity Rights
______Batas Payne-Aldrich
______Batas Underwood-Simmons

B. Kopyahin sa iyong kwaderno at ilista sa graphic organizer ang mga produktong


iniluwas ng Pilipinas sa Amerika.

MGA
Isaisip

Tandaan!
Nagsimula ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at
________________nang panahon ng pamamahala ng mga Amerikano. Ang
pinakapangunahin nilang layunin ay ang pagpapalawak ng pakikipagkalakalan sa
bansang Tsina.
Ang ________________ay naipasa noong taong 1909 ng Kongreso ng
Amerika at naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa
________________, ________________l at ________________.
Ang Batas ________________ naman ay naipasa noong 1913 ng Kongreso
ng Amerika at naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong
pumapasok sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
Ang ________________ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga
Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga ________________ng
Pilipinas.

Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
A. Sa palagay ninyo, ano ang maaaring mangyari sa ating likas na yaman kung
hindi inalis o tinanggal ang patakarang “Parity Rights”?

6
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

B. Sa kasalukuyan, napapatupad pa ba ang patakarang “Parity Rights”?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Malalim at malawak ang pag-unawa sa tanong 5


Naaayon, wasto at makatotohanan ang mga
3
datos na ginamit.
Maayos ang pagkakasulat ng sagot. 2
Kabuuang Puntos 10

Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa
Estados Unidos?
A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya
B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya

2. Ang sumusunod ay mga batas ukol sa kalakalan at karapatan sa likas na yaman


ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?
A. Parity Rights C. Underwood-Simmons
B. Tydings-McDuffie D. Payne-Aldrich

3. Ano ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons?


A. Naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa bigas,
asukal at tabako.
B. Naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok

7
sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
C. Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin
at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
D. Nag-ambag ng mga makinarya para sa paggawa ng mga produkto ng
Amerika na ipagbibili sa Pilipinas at sa iba pang karatig bansa.

4. Bakit masasabi na malaki ang pakinabang ng Estados Unidos sa Batas


Underwood-Simmons?
A. Naging positibo ang mga Amerikano sa pagdami ng mga iniluluwas na
produkto ng Pilipinas.
B. Kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa pamilihan
C. Nagdulot ito ng mas malaking tubo sa kanilang kita.
D. Lahat na nabanggit ay tama.
5. Ano ang batas na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano
na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas?
A. Batas Payne-Aldrich C. Parity Rights
B. Batas Underwood-Simmons D. Malayang Kalakalan

B. Panuto: Punan ng salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng araling ito.
Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

Amerikano produkto
likas na yaman
stateside peseta
Pilipino

1. Mayroong mga ginawang pagbabago ang mga Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas


gaya ng pagpapalit sa cedula personal sa isang _____________________.
2. Ang pinakapangunahing layunin ng mga _____________________ sa bansa ay
ang pagpapalawak ng pakikipagkalakalan sa bansang Tsina.
3. Naging mahilig ang mga Pilipino sa anumang produktong
_____________________ galing Estados Unidos.
4. Hindi lamang ang kalakalan ang pinakinabangan ng mga Amerikano sa panahon
ng kanilang pamamahala sa Pilipinas kundi maging ang ating mga
_____________________.
5. Ang Batas Payne-Aldrich ay naglalayong papasukin ang mga piling
_____________________ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Karagdagang Gawain

8
Maglista ka ng limang produktong gusto mong mabili na galing sa Amerika.
Pagkatapos ay ipaliwanag mo kung bakit gusto mong magkaroon ng mga produktong
iyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

1.______________________________________________________________

2.______________________________________________________________

3.______________________________________________________________

4.______________________________________________________________

5. _____________________________________________________________

Susi ng Pagwawasto

9
Sanggunian

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6004

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6004 --

10
Aralin Ang Epekto ng “Colonial
Mentality” Pagkatapos ng
2 Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Araling


Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Ikalawang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin
na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa


at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga
suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay inaasahang Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon
ng mga nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at
hamon ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;
Naipapaliwanag ang epekto ng “colonial mentality” pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (P6SHK-IIIa-b-1)

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

11
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kwaderno.

1. Ang apatnapu’t walong taong pananakop ng mga _________________ sa


Pilipinas ay epektibong nakapagtanim ng isipang maka-dayuhan sa mga
Pilipino.
A. Indiano C. Tsino
B. Koreano D. Amerikano
2. Ang __________ay ang pagtangkilik ng kultura at produkto ng mga dayuhan.
A. Barter C. Sanduguan
B. Colonial Mentality D. Crab Mentality
3. Ang ilan sa mga epekto ng colonial mentality sa ating bansa maliban sa isa.
Ano ito?
A. Pagtaas ng importasyon
B. Pag -asenso ng mga dayuhang negosyante
C. Pagbuo ng mga lokal na negosyo
D. Pagbaba ng nasyonalismo
4. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang mga kabataang
Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?
A. Pagandahin ang kalidad ng produksyon
B. Dagdagan ang presyo ng mga produkto
C. Pagkakaroon ng kalabisan at kakulangan sa mga produkto
D. Kontrolin ang katangian ng ating produkto
5. Dapat bang pahalagahan ang mga produkto ng ibang bansa?
A. Oo C. Ewan
B. Hindi D. Wala

Panuto: Napag-aralan na natin ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa isyung


pangmilitar. Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat ang salitang nabuo
sa iyong kwaderno.
1. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa
Estados Unidos?
A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya
B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya
2. Bakit masasabi na malaki ang pakinabang ng Estados Unidos sa Batas
Underwood-Simmons?

12
A. Naging positibo ang mga Amerikano sa pagdami ng mga iniluluwas na
produkto ng Pilipinas.
B. Kahit hindi mahahalagang produkto ay naipasok nila sa pamilihan ng
Pilipinas.
C. Nagdulot ito ng mas malaking tubo sa kanilang kita.
D. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang batas na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas?
A. Batas Payne-Aldrich C. Parity Rights
B. Batas Underwood-Simmons D. Malayang Kalakalan
4. Ano ang ibig sabihin ng patakarang Parity Rights?
A. Bawal makikipagkalakalan sa ibang bansa.
B. Malayang pakikipagkalakalan ng dalawang bansa.
C. Pilipino lamang ang may karapatan sa paggamit ng mga likas na yaman.
D. Patas na paglinang at paggamit ng mga Pilipino at Amerikano sa lahat
na likas na yaman ng bansa.

5. Ano ang maaaring mangyari sa ating likas na yaman kung hindi inalis o
tinanggal ang patakarang “Parity Rights”?
A. Mauubos ang mga likas na yaman at mahihirapan ang mga Pilipino sa
kanilang ikinabubuhay.
B. Kikita ng malaki ang Pilipinas at makamit na nito ang kalayaan.
C. Magkakaunawaan ang mga Amerikano at Pilipino.
D. Uunlad ang bansang Pilipinas at Estados Unidos.

Panuto: Lagyan mo ng tsek () ang hanay na angkop sa iyo. Kopyahin mo ito sa
iyong kwaderno at sagutan.

Paminsan-
Oo Hindi
minsan
1. Bumibili ako ng produktong Pilipino
2. Higit kong tinatangkilik ang produkto
na galing sa ibang bansa
3. Mas paborito ko ang artistang
Amerikano kaysa Pinoy.
4. Hot dog ang pipiliin ko kaysa sa
gulay
5. Mas maganda pakinggan ang
pangalang Ingles kaysa sa Filipino

13
Balikan muna natin ang balitang iyong binasa.
1. Sa iyong palagay, bakit kaya kadalasan produkto sa ibang bansa ang pinipili
ng mga Pilipino?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit karaniwan sa ating mga Filipino ay mas masigasig bumili kapag gawa o
galing sa ibang bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ngayon ay malalaman natin sa araling ito ang Colonial Mentality at ang


epekto nito sa ating mga Pilipino.
Basahin at unawaing mabuti ang araling ito upang matuto at makasagot
ang mga sumusunod na tanong.

Colonial Mentality o Isip-Kolonyal

Nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na yari sa United
States. Naging ugali ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa United States at
napabayaan ang sariling atin. Inisip nila na ang mga bagay na yari sa United States,
pati na mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa maputing lahi ay higit na
maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Sa madaling sabi, nagkaroon sila ng colonial

14
mentality. Kaya ang mga Pilipino ay nakilala bilang mga maliit na kayumangging
Amerikano (Little Brown Americans).

Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino, naiba


ang pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang
pagbati ng “Hi!” ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na
Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.
Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng mga
babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag. Amerikana,
polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki. Ang ilan sa ating mga
pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang
ilan sa mga pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang steak, hotdog, corned beef, at soft
drinks.

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Ang mga Pilipino ay nakilala bilang Little Brown Americans.
2. Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang sariling produkto kaysa galing Estados
Unidos.
3. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino ay binago ng idelohiyang Amerikano.
4. Naging patok sa mga Pilipino ang mga pakaing galing Estados Unidos gaya
ng corned beef, hot dog, at softfrinks.
5. Ang Colonial Mentality ay kaisipang banyaga na itinuro ng mga Pilipino sa
mga dayuhang mananakop sa bansa.

Panuto: Punan ang patlang ng salita o pangkat ng salitang naaangkop sa


pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Tandaan!

Naging ugali ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ____________ at


napabayaan ang sariling atin. Inisip nila na ang mga bagay na yari sa United States,
pati na mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa maputing lahi ay higit na

15
_______ at _______ kaysa sa sariling atin. Sa madaling sabi, nagkaroon sila ng
_________________. Kaya ang mga Pilipino ay nakilala bilang mga maliit na
kayumangging Amerikano (_________________).
Dahil sa mga _________, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino, naiba
ang pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang ________ sa nakatatanda. Ang
pagbati ng “Hi!” ang ipinalit nila sa pagmamano. _______ ang naging kasuotan ng
mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may _____.
__________, _______, at ________ naman ang naging kasuotan ng mga lalaki. Ang
ilan sa mga pagkain ay nabago rin tulad ng _____, _____, ________, at ________.

Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang kahalagahan ng pagtangkilik ng ating sariling produkto? Ano ang
magiging epekto sa ating ekonomiya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit karaniwan sa ating mga Filipino ay mas masigasig bumili kapag gawa o
galing sa ibang bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bilang isang mamamayang Filipino, Ano ang dapat nating gawin upang
mapabago ang kolonyal na pag-iisip?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Bilang makabagong henerasyon, sa anong paraan malinang natin ang sariling


atin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral paano maiiwasan ang colonial mentality?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

16
Panuto: Basahin mo at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Sino ang nagpailalim sa bansa sa loob ng apat-napu’t walong taon na


naging dahilan sa isip-kolonyal ng mga Pilipino?
A. Amerikano C. Tsino
B. Koreano D. Espanyol
2. Ano ang tawag sa pag-uugali ng mga Pilipino na nagtatangkilik sa mga kultura
ng ibang bansa?
A. Barter C. Colonial Mentality
C. Sanduguan D. Crab Mentality
3. Ang ilan sa mga epekto ng colonial mentality sa ating bansa maliban sa isa.
Ano ito?
A. Pag -asenso ng mga dayuhang negosya
B. Pagbuo ng mga lokal na negosyo
C. Pagbaba ng nasyonalismo
D. Pagtaas ng importasyon
4. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang mga kabataang
Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?
A. Pagandahin ang kalidad ng produksyon
B. Dagdagan ang presyo ng mga produkto
C. Kontrolin ang katangian ng ating produkto
D. Pagkakaroon ng kalabisan at kakulangan sa mga produkto
5. Anu-ano ang mga produktong dala ng mga Amerikano?
A. Corned beef, hotdog, softdrinks
B. Pansit, bola-bola
C. Noodles, kimchi, bibimbap

17
Panuto: Gumawa ng maikling dayalogo tungkol sa epekto ng “colonial mentality”

18
Sanggunian

Antonio, Eleanor D., Emilia L. Banlaygas & Evangeline M. Dallo. Kayamanan 6.


Rex Book Store. 2017.

19
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

20

You might also like