You are on page 1of 16

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Baytang: 8 Feedback
Markahan: Ikatlong Markahan

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 8
Heading
Nina: Eunice Ann P. Alano
John Karlo G. Delen

Kasanayang 10.1 Nakikilala ang:


Pampagkatuto b.  bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
DLC (No. & magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Statement)

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran: Nasusuri ang mga posibleng epekto ng hindi


pagsunod at pagpapakita ng paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad;

Mga Layunin b. Pandamdamin: Nakapagpapanatili ng paggalang sa magulang,


(Objectives)
nakatatanda at may awtoridad; at

c. Saykomotor: Nakabubuo ng isang panunumpa na naglalaman


ng tamang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad.

Paksa Epekto ng Kawalan ng Paggalang at Pagsunod sa Magulang,


(Topic) Nakatatanda at May Awtoridad

Dimension: Unibersal na Pagpapahalaga


Pagpapahalaga
(Value to be
developed)
Pagpapahalaga: Paggalang

Sanggunian Aquino, D. M., et al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Vibal


(APA 7th Edition Publishing House Inc. pp. 132-143
format)

Balingit, R. (2016). Ang Tamang Paraaan ng Paggalang.


HAMSFIL9L. Retrieved from
2

https://hamsfil9l.wordpress.com/2016/03/02/ang-tamang-paraaan-ng-
paggalang/

Blanco, J. C. (2006). PSN Opinyon: Disiplina. PhilStar News.


Retrieved from
https://www.philstar.com/opinyon/2006/03/31/329120/disiplina

Department of Education. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Modyul para sa mga Mag-aaral. Vibal Publishing House Inc.
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-
edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module pp. 256-289

Ong, F.A. (n.d.) Little Big Respect. Federation of World Peace and
Love. Retrieved from http://www.fowpal.org/peak-view/little-big-
respect-0
Salazar, A. (2019). Respect: What Is It, Types, Examples, Learn and
Teach Respect. CogniFit. Retrieved from
https://blog.cognifit.com/respect/

Mga ● Laptop
Kagamitan ● Zoom- https://us02web.zoom.us/j/86736370155?
(Materials) pwd=RTRNZ0JSR2FuOG5SaXVLOFd0R0R3Zz09
● Visme- https://my.visme.co/view/01pk4q70-preliminary-
presentation
● Jamboard-
https://jamboard.google.com/d/1dKUsvGvg2_WxTYpTT4H
U2Xb8Ei02fKa2Y4nTZ_tWMEg/edit?usp=sharing
● Classroom Screen-
https://classroomscreen.com/app/wv1/1c1939da-3044-4dd4-
a739-cb95c8a769d1
● Youtube- https://youtu.be/y7suxeypwCw
● Genial.ly-
https://view.genial.ly/61b1e6938e21db0dbef5829b/interactive
-content-copy-animated-chalkboard-quiz
● Canva-
https://www.canva.com/design/DAExvIwKgNg/share/previe
w?
token=huTXdxuLkIm_Wwrmc86D9w&role=EDITOR&utm_
content=DAExvIwKgNg&utm_campaign=designshare&utm_
3

medium=link&utm_source=sharebutton
● Padlet- https://padlet.com/delenjkg/6vexvp6xei3qnt8z
● Quizizz-
https://quizizz.com/admin/quiz/61b021454d8ac6001d465229
● Google Drive- https://drive.google.com/drive/folders/1bJGm-
kmd8WF8VMSpSb-qs6jnY9ExNp2I?usp=sharing
● Blendspace-
https://www.blendspace.com/lessons/H9aMrsSUElVJaQ/

Pangalan at Eunice Ann P. Alano


larawan ng
unang guro

Technology
Minuto na nakalaan: Apat (4) na minuto Integration

Pagbati App used: Visme


● Babatiin ng guro ang mga mag- Link:
aaral na dumalo sa klase. https://my.visme.co/vie
w/01pk4q70-
Panimula Panalangin preliminary-
(Preliminaries) ● Pangungunahan ng guro ang klase presentation
sa pagdarasal.
Picture:
Pagbanggit ng mga Layunin
● Iisa-isahing babanggitin ng guro
ang mga layunin sa aralin.

Panlinang Na Sratehiya: Self-disclosure Activity Technology Integration


Gawain Minuto na nakalaan: Sampung (10) minuto
(Motivation) App used: Jamboard
Panuto: Magbibigay ang bawat mag-aaral Link:
ng tatlong paraan kung paano nila https://
naipapakita ang paggalang sa magulang, jamboard.google.com/
nakatatanda at may awtoridad. d/
1dKUsvGvg2_WxTYp
TT4HU2Xb8Ei02fKa2
4

Y4nTZ_tWMEg/edit?
usp=sharing
Mga Tanong:
1. Mula sa resulta ng gawain, anong
Picture:
paraan ang madalas ginagamit ng
nakararami sa pagpapamalas ng
paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad?
2. Ano ang kahalagahan ng pagpapamalas
ng paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad?
3. Ano ang iyong nararamdaman sa
tuwing ikaw ay nakakapagpamalas ng
paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad?

Dulog: Values Clarification Technology Integration

Stratehiya: Value Position App used: YouTube


Link:
Minuto na nakalaan: Limang (5) minuto
https://youtu.be/y7suxey
pwCw (1:00 - 4:00)
Panuto: Magpapanood ang guro ng tatlong
Pangunahing minutong bidyo mula sa pelikulang
Picture:
Gawain “Anak”. Sa pamamagitan ng “reaction
(ACTIVITY)
button” ibabahagi ng mga mag-aaral kung
sila ay sumasang-ayon (thumbs up 👍 ) o ‘di
sumasang-ayon (thumbs down 👎) sa
ipinakitang kilos ng batang karakter sa
kanyang magulang.

Mga Minuto na nakalaan: Walong (8) minuto Technology Integration


Katanungan
(ANALYSIS) App used: Genial.ly
1. Mula sa bidyo, ano ang ipinakitang pag- Link:
uugali ng batang karakter sa kanyang https://view.genial.ly/6
magulang? (Cognitive) 1b1e6938e21db0dbef5
2. Anu-ano ang mga posibleng bunga ng 829b/interactive-
ipinakitang pag-uugali ng batang content-copy-
karakter sa relasyon nito sa kanyang animated-chalkboard-
5

magulang? (Cognitive) quiz


3. Ano ang iyong mararamdaman kung
nasa posisyon ka ng bidang nanay at  Picture:
ginawa sa iyo ang  hindi pagsunod at
paggalang ng iyong mismong anak?
(Affective)
4. Sa iyong palagay, naipamamalas mo ba
ang paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad? (Value
to be developed)
5. Bilang kabataan, anu-ano ang mga
hakbangin na iyong maimumungkahi
upang maipakita ang paggalang at
pagsunod sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad? (Psychomotor)
6. Paano mo mahihikayat ang iyong kapwa
mag-aaral na sumunod at magpakita ng
tamang paggalang at pagsunod sa
magulang, nakatatanda at may
awtoridad? (Psychomotor)

Pangalan at
larawan ng John Karlo G. Delen
pangalawang
guro

Pagtatalakay Minuto na nakalaan: Labinlimang (15) Technology Integration


(ABSTRACTION) minuto
App used: Canva
Balangkas o outline: Link:
https://www.canva.com
● Epekto ng Kawalan ng Paggalang at /design/DAExvIwKgN
Pagsunod sa: g/share/preview?
token=huTXdxuLkIm_
- Magulang
Wwrmc86D9w&role=
- Nakatatanda EDITOR&utm_content
=DAExvIwKgNg&utm
- May Awtoridad _campaign=designshar
e&utm_medium=link&
6

utm_source=sharebutto
● Kahalagahan ng Paggalang at n
Pagsunod sa Magulang, Nakatatanda
at Awtoridad Picture:

Nilalaman o content:

Ang paggalang ay ang pagbibigay-halaga at


hangarin sa ating kapwa at sarili. Ngunit
paano kung hindi mo maipapakita ang
paggalang at pagsunod sa iyong kapwa
tulad ng iyong magulang, nakatatanda at
may awtoriad  Narito ang mga posibleng
bunga ng kawalan ng paggalang at
pagsunod sa mga taong nabanggit.

MAGULANG

1. Maaaring mapahamak at maligaw ng


landas. Kapag ikaw ay sumuway sa
itinakdang mga hangganan at limitasyon sa
loob ng inyong tahanan at hindi
pakikinggan ang mga payo at utos ng iyong
magulang, ikaw ay maaari makagawa ng
mga desisyon na maaari mong ikapahamak
at pagsisihan sa huli.

2. Maaaring magresulta sa hindi


mabuting relasyon sa loob ng pamilya.
Maayos na komunikasyon ang susi sa isang
matagumpay na takbo ng buhay sa loob ng
pamilya. Tayo ay hindi lamang
nakikipagkomunika sa ating pamilya sa
pamamagitan ng pa-salita kundi sa paraan
din ng pagkilos at pag-uugali. Kung tayo ay
gumagamit ng mga insensitibong
pamamaraan ng pakikitungo sa ating
magulang, maging sa ating kapatid, ito ay
maaaring humantong sa magulong relasyon
at hindi pagkakaintindihan.
7

NAKATATANDA

1.Maaaring masaktan ang kanilang


damdamin.  Nararapat na igalang ang mga
taong nakakatanda sa atin sapagkat malaki
ang naging kontribusyon nila sa lipunan
noong kanilang kabataan, kaya’t nararapat
na sila ay pakitunguan at pagsilbihan nang
maayos.  Kung tayo ay nakapagbitaw ng
masasakit na salita, maaaring magdulot ito
ng tampo at pagkadismaya dahil sa
masamang pagtrato sa kanila.

2. Hindi ka aasahan kapag sila ay


nangangailangan ng tulong. Oras na sila
ay nakaramdam ng maling pakikitungo
mula sa kanilang apo o inaanak, posibleng
sila ay hindi na magtatangkang lumapit
kapag sila ay may kinakaharap na
problema. Dahil na rin sa kanilang edad,
sila ay maaaring maging sensitibo at
mabilis makaramdam ng kalungkutan.

MAY AWTORIDAD

1. Maaaring magdulot ng kapahamakan


sa sarili at sa kapwa. Nilikha tayo bilang
tao na may iba't ibang katungkulang
ginagampanan sa lipunan, ito ay upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
Ngunit kung ang isa ay hindi binibigyang
halaga ang mga batas at ipinagsasawalang-
bahala ang kapakanan ng kanyang kapwa,
ito ay maaaring magbunsod ng sariling
kapahamakan at makadamay ng ibang tao.

2. Kawalan ng kaunlaran sa lipunan.


Hindi makakamit ang tunay na kahulugan
ng pag-unlad kung walang responsibilidad
na ginagampanan ang bawat miyembro ng
komunidad. Kung walang kooperasyon at
8

hindi magpapakita ng pagpapahalaga sa


mga taong namumuno, mananatiling
lugmok sa katayuan ang ating lipunang
kinabibilangan.

Matapos natin malaman ang mga posibleng


epekto ng hindi pagpapakita ng paggalang
at pagsunod sa ating magulang, mga
nakatatanda at may awtoridad, mahihinuha
natin na ang kawalan ng respeto sa kapwa
ay maaaring magdadala ng hindi kaaya-
ayang resulta.

Tunay nga na ang pagkilala sa halaga ng


tao o bagay ang nakapagpapatibay sa
kahalagahan ng paggalang. Mahalagang
parte ng ating pagka-Pilipino ang
pagbibigay-galang sa kapwa. Ito ay ang
pagkilala sa sariling halaga at mga
karapatan ng mga indibidwal sa lipunan.

1. Sa paggalang nakasalalay ang maayos na


ugnayang pampamilya at pangkapwa.

2. Tayo rin ay gustong makakuha ng


paggalang mula sa ating kapwa.

3. Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang


paniniwala kaya’t respeto ang susi sa
pagkakaisa.

4. Nararapat na ibigay sa kapwa ang


paggalang sa kanyang dignidad dahil ito
ang nararapat at bilang bahagi ng
katarungan.

5. Mahalaga ang pagtalima o pagsunod sa


batas at sa mga itinalagang awtoridad na
nagpapatupad nito sapagkat ito ang
magiging susi upang makamit natin ang
kaayusan at kapayapaan na magreresulta sa
9

kabutihang panlahat.

Upang magsilbing paglalagom sa natalakay


na aralin, narito ang isang graphic
organizer na naglalaman ng mahahalagang
konseptong natutunan sa leskyong ito.

Paglalapat Stratehiya: Personal Development Plan Technology Integration


(APPLICATION) Minuto na nakalaan: Sampung (10) minuto
App used: Padlet
Panuto: Bubuo ang mga mag-aaral ng isang Link:
pangako ng paggalang sa magulang, https://padlet.com/dele
nakatatanda at awtoridad upang makagawa njkg/6vexvp6xei3qnt8z
ng isang digital respect pledge. Ipa-paskil
nila ito sa Padlet kalakip ng kanilang Picture:
larawan.

Ako si _________________ ay
nangangakong igagalang ko ang aking
magulang, mga nakatatanda at awtoridad.
Ipapakita ko ang paggalang na ito sa
pamamagitan ng:

1._______________________________
2._______________________________
3._______________________________

Halimbawa:
10

Rubrik/Pamantayan:

https://docs.google.com/document/d/
1Skf5jFNEGEwsBCTZkna0rTgpdZs6-
Dr6i7XaavvDvig/edit?usp=sharing

Pagsusulit Uri ng Pagsusulit: Multiple Choice at Technology Integration


(ASSESSMENT) Sanaysay
App used: Quizizz
Minuto na nakalaan: Limang (5) minuto Link:
https://quizizz.com/ad
Test I. Multiple Choice min/quiz/61b021454d8
Panuto: Ang mag-aaral ay inaasahang ac6001d465229
pipili ng wastong sagot sa bawat bilang. For testing the quiz,
click:
1. Sino sa iyong kapwa ang hindi mo https://quizizz.com/join
11

pinapakitaan ng paggalang at pagsunod ?gc=12126169


kung ikaw ay nagpapabaya at
ipinagsasawalang-bahala ang mga Picture:
alintuntunin sa  komunidad?

a. guro
b. awtoridad
c. magulang
d. nakatatanda

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon


ang nagpapakita ng pagpapanatili ng
paggalang sa pamilya at komunidad?

a. Inaalagaan ni Ryan ang kanyang


Lola Ising ngayong nagkaroon ito
ng karamdaman.
b. Nagmano si Julius sa kanyang
Ninong at Ninang nang
makasalubong niya ito sa
pamilihan.
c. Nagpasalamat si Rico sa Kapitan ng
kanilang baranggay matapos nitong
magbigay ng tulong sa kanilang
pamilya.
d. Nakapagtapos ng pag-aaral si Marie
dahil nakinig siya sa payo ng
kanyang magulang na magsumikap
nang mabuti.

3. Sa iyong palagay, bakit malapit sa


kapahamakan ang isang kabataan na tulad
mo kung hindi makikinig at susunod sa
inyong magulang?

a. Dahil ikaw ay madaling lapitan ng


tukso.
b. Dahil hindi pa sapat ang iyong
karanasan sa buhay.
c. Dahil ikaw ay maaaring makagawa
ng mga maling desisyon.
d. Dahil likas sa mga kabataang tulad
12

mo ang pagiging agresibo sa mga


bagay-bagay.

4. Paano mo maipapakita ang paggalang at


pagsunod sa iyong pamilya at komunidad?

a. Kung nakikinig ka sa sinasabi nila


b. Kung kinikilala mo ang kanilang
kahalagahan.
c. Kung nauunawaan mo ang
pakikipagkapwa.
d. Kung wala kang reklamo sa lahat
ng sasabihin nila.

5. Ano ang magiging bunga kung ikaw ay


kinakikitaan ng kilos ng pagiging magalang
at masunurin sa kapwa?

a. Maiiwas ka sa anumang kaguluhan


b. Pakikinggan at rerespetuhin ka rin
nila
c. Makakaranas ka ng kaginhawaan sa
pakiramdam.
d. Marami ang tutulong at aagapay sa
iyo sa oras ng kahirapan.

Test II. Sanaysay


Panuto: Ang mag-aaral ay inaasahang
makabubuo ng sanaysay ayon sa
hinihinging impormasyon at nilalaman.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng


pagpapanatili ng respeto at
pagsunod sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad.

Susi sa Pagwawasto:

Test I. Multiple Choice


1. B
2. D
3. C
13

4. B
5. B

Test II. Sanaysay


1. Tunay na mahalaga ang
pagpapanatili ng respeto at pagsunod sa
magulang, mga nakatatanda at may
awtoridad. Ang paggalang ng anak sa
kanyang magulang ay nararapat bunsod ng
kanyang pagmamahal sa mga ito bilang
mga natural na itinalagang awtoridad ng
Diyos dito sa lupa na siyang mag-aaruga,
magmamahal at huhubog sa kanyang
pagiging mabuting tao. Habang ang
pagbibigay-respeto sa nakakatanda ay
mahalaga dahil sa binibigay nilang
pagmamahal at sa mga naiambag nila sa
lipunan noong kanilang kabataan. Panghuli,
ang pagsunod sa awtoridad ay nararapat na
panatilihing isabuhay upang mapanatili ang
kapayaan at kaayusan sa komunidad.

Rubrik/Pamantayan:

https://docs.google.com/document/d/
1q0Q6s5xQ_zc6GhgkzXBMTDGOXDnN
uQ9izO_m6nuHu0E/edit?usp=sharing

Takdang- Technology Integration


Aralin Minuto: Tatlong (3) minuto
App used: Anchor App
(ASSIGNMENT) Panuto: Ang mag-aaral ay inaasahang or any sound recording
makagagawa ng isang 2-minute podcast na apps.
naglalaman ng panghihikayat sa kapwa nila
kabataan na gumalang at sumunod sa Link:
14

https://anchor.fm/
magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Picture:
Halimbawa:

https://open.spotify.com/episode/
1QviaEvvIz2bjaFku6Q5PI?
si=SMOs2sUbSDSrtePwCqBpmQ&utm_s
ource=copy-link&nd=1

Rubrik/Pamantayan:

https://docs.google.com/document/d/
176kGz5FJfFvZodekVGtqByGrDadoGq3R
/edit?
usp=sharing&ouid=1013389373990876140
13&rtpof=true&sd=true

Pagtatapos na Stratehiya: Lecturette Technology Integration


Gawain Minuto na nakalaan: Tatlong (3) minuto
(Closing Activity) App used: Blendspace
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng isang Link:https://
“One-Minute Quote” mula sa Bibliya. Sa www.blendspace.com/
pagtatapos, ibabahagi ng guro ang aral sa lessons/
likod ng isang partikular na batas ng Diyos H9aMrsSUElVJaQ/
at kung ano ang kinalaman nito sa
Picture:
15

itinalakay na leksyon.

"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong


ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal
sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng
Panginoon mong Diyos."

Rubriks

Paglalapat
(Application)
16

Pagsusulit
(Assessment)

Takdang-Aralin
(Assignment)

You might also like