You are on page 1of 15

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Lesson Plan Heading Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 10
Unang Markahan

Kasanayang 1.2.
Pampagkatuto
DLC (No. & Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at
Statement) nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan
ang mga ito.

Dulog o Values Clarification


Approach

Panlahat na Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


(Objectives)
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C - Pangkabatiran: natutukoy ang sariling kahinaan sa


pagpapasya at ang mga paraan upang malagpasan ito;

A - Pandamdamin: nakapagpapatalas ng mapanuring pag-iisip


sa pagpapasya; at

B - Saykomotor: nakabubuo ng mga kongkretong hakbang


upang malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasya.

PAKSA
(TOPIC) Mga Kongkretong Hakbang upang Malagpasan ang mga
Kahinaan sa Pagpapasiya
Inaasahang
Pagpapahalaga
(Value to be
developed) Mapanuring Pag-iisip / Intelektuwal
Nakagagamit ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapasya upang
maiwasan ang mga kahinaan.

1. Ano ang Mga Kahinaan sa Pagpapasya? Brainly.


SANGGUNIAN https://brainly.ph/question/2779355
(APA 7 th Edition 2. Brizuela, M.B., Arnedo, P.S., Guevarra, G.A., Valdez,
format) E.P., Rivera, S.M., Celeste, E.G., Balona, R.V., et.al.
(References) (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul Para sa
Mag-aaral. PDF Slide.
Nakikilala ang kanyang mga https://pdfslide.tips/education/esp-grade-10-learners-mod
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga ule.html
kongkretong hakbang upang 3. Punsalan, T. G., Caberio, S. T., Nicolas, M. V. D., &
malagpasan ang mga ito. Reyes, W. S. (2019). Salik sa Mapanagutang Pagkilos at
Pagpapasiya. In Paano Magpakatao (pp. 115–135). REX
Book Store.
4. Dy, M. B. & Hidalgo, F. A. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral Yunit 2. 92-94.
https://www.slideshare.net/IanJurgenMagnaye/esp-learner
s-module-grade-10-unit-2
5. Dy, M. B. & Hidalgo, F. A. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral Yunit 3. 170-179.
https://www.slideshare.net/khikox/grade-10-esp-yunit-3
6. Lagsaan, J. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Unang
Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob.
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/ES
P10_Q1_W1.pdf

MGA KAGAMITAN ● Zoom


(Materials) https://us02web.zoom.us/j/5748588372?pwd=SXVjSEkw
T1o2QVQwdnczMTlCdXlJZz09
● Google Slides
https://docs.google.com/presentation/d/1GSb9S0h8KtIoP
ne44pGkfsajGi9YmK0LW_UOksb5afg/edit?usp=sharing
● Wordwall
https://wordwall.net/resource/27984204
● Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=OKE0tYmitvk
● Jamboard
https://jamboard.google.com/d/1qUWZby1MFfEvh7nbck
cKmRIA7GWLDkLh7mX3hMxZsAc/edit?usp=sharing
● Prezi
https://prezi.com/view/VF8ZcXMFCugANykMwWyu/
● Canva
https://www.canva.com/design/DAExvw_4AW0/ljvAwB
kpRhGJHVzg-omvaA/view?utm_content=DAExvw_4A
W0&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&ut
m_source=sharebutton
● Mural
https://app.mural.co/t/valuesed104678/m/valuesed104678
/1642991721725/b7c3a8ab8fd29a92a227890671f3fea73b
5b704a?sender=u65d2c4ff760afc53be417079
● Google Forms
https://forms.gle/bjShJoA58Gu6HppT7
● Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=AF2Cx50BKA4
● Google Documents
https://docs.google.com/document/d/1sd_0dAZPWJtS1L
Hzrg1RNkboTNkGJHpExsBYcJFZEVY/edit?usp=sharin
g
● Pinterest
https://i.pinimg.com/originals/71/d8/12/71d8121a242fadf
4be207c3d8b8243bb.jpg

Sratehiya: Sentence Completion WORDWA


PANLINANG NA LL
GAWAIN Panuto: Bubuuhin ng mga mag-aaral ang https://word
(Motivation) pangungusap na sinasabi sa likod ng mga larawan wall.net/res
batay sa kanilang ideya o opinyon. Ilalagay nila ource/27984
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at 204
ang kanilang sagot sagot sa Zoom Chatbox.
nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang Matapos ito ay tatawag ang guro ng mga
malagpasan ang mga ito. mag-aaral na sasagot sa mga tanong.

1. Mahalaga ang pag-iisip nang mabuti sa tuwing


nagpapasya upang ________.
2. Mabuting pagpapasya ang dapat pinaiiral upang
___________________.

3. Ang labis na emosyon sa pagpapasya ay


nakapagdudulot ng _____________.

4. Mahalagang iwasan ang mga maling


impormasyon sa tuwing nagpapasya dahil
______________.

5. Ang pagsusuri sa mga desisyong nagawa noon


ay daan tungo sa _______________.

Mga Tanong:

1. Ano ang nararamdaman mo sa gawain?


2. Ano ang nahinuha mo mula sa mga
pangungusap na inyong binuo?
3. Anong ideya ng pagpapasya ang nabuo mo
mula sa gawain?

PANGUNAHING Dulog: Values Analysis YOUTUBE


GAWAIN Sratehiya: Pagsusuri ng Balita https://www
(Activity) .youtube.co
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng m/watch?v=
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at isang balita. Matapos suriin ang balita, sasagutin OKE0tYmit
nakagagawa ng mga nila ang tanong gamit ang Jamboard. vk
kongkretong hakbang upang
malagpasan ang mga ito.
Tanong: JAMBOAR
1. Ano ang nangingibabaw na nararamdaman at D
reaksyon mo para sa babaeng lumabag sa https://jamb
COVID-19 protocol? Ipaliwanag. oard.google.
com/d/1qU
WZby1MFf
Evh7nbckc
KmRIA7G
WLDkLh7
mX3hMxZs
Ac/edit?usp
=sharing

1. Ano ang iyong opinyon tungkol sa ginawang PREZI


MGA pagpapasya ng babaeng lumabag sa COVID-19
KATANUNGAN protocol? (C) https://prezi
(Analysis) .com/view/
C-A-B 2. Sa iyong palagay, bakit kaya ito ang naging VF8ZcXM
desisyon ng babaeng lumabag sa COVID-19 FCugANyk
Nakikilala ang kanyang mga protocol? (C) MwWyu/
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang
3. Mabuti ba o masama ang naging resulta ng
malagpasan ang mga ito. pagpapasya ng babaeng lumabag sa COVID-19
protocol? Ipaliwanag. (A)
Mapanuring Pag-iisip
4. Anong uri ng kasanayan ang dapat mong
taglayin upang hindi ka humantong sa
pagpapasyang katulad ng ginawa ng babaeng
lumabag sa COVID-19 protocol? (A)

5. Kung ikaw ay mahaharap sa sitwasyong katulad


sa babaeng naibalita, ano ang iyong magiging
resolusyon matapos lumabag sa COVID-19
protocol? (B)

6. Kung ikaw ay isa sa mga kinauukulan,


nararapat bang mabigyan ng karampatang parusa
ang babaeng lumabag sa COVID-19 protocol?
Ipaliwanag. (B)
PAGTATALAKAY Balangkas o Outline: CANVA
(Abstraction)
I. Ang Pagpapasya https://www
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at II. Mga Sanhi ng Kahinaan sa Pagpapasya .canva.com/
nakagagawa ng mga 1. Kakulangan ng Sapat na Impormasyon at design/DAE
kongkretong hakbang upang xvw_4AW0
malagpasan ang mga ito. Kaalaman
/ljvAwBkp
2. Labis na Paggamit ng Emosyon RhGJHVzg-
3. Kayabangan omvaA/vie
4. Katamaran w?utm_cont
5. Impluwensiya ng Kapaligiran ent=DAExv
III. Mga Konkretong Hakbang Upang w_4AW0&
Malagpasan ang mga Kahinaan sa Pagpapasya utm_campai
gn=designs
1. Pagpapasya ayon sa Katotohanan at hare&utm_
Katarungan medium=lin
2. Paggamit ng Tamang Konsensya k&utm_sou
3. Pamimili ayon sa Katapangan at rce=sharebu
Kahinahunan tton
4. Paggamit ng Karunungang Praktikal
5. Pagiging Mapanuri sa mga bagay na
nakikita at nararanasan

Nilalaman o Content:

Ang Pagpapasiya

Ang pagpapasiya ay nararapat na pahalagahan at


sanayin ninuman, sapagkat, dito nakasalalay ang
kapalaran ng isang tao, maging ang mga taong
makahaharap natin. Ang mundo ay patuloy sa
pag-ikot, kaya naman wala ring tigil ang
pagpasiya ng mga tao. Kinakailangang maging
mapanuri sa kalayaang makapagpasiya upang
hindi mahila ng makamundong pagbabago.

Subalit, hindi madaling gawain ang pagpapasiya.


Makaeengkuwentro tayo ng mga kahinaang hindi
natin inaasahang maaaring makapagpabago ng
ating pagpapasiya. Narito ang mga iilan sa mga
kadahilanan ng kahinaan sa pagpapasiya:

Mga Sanhi ng Kahinaan sa Pagpapasiya


1. Kakulangan ng Sapat na Impormasyon at
Kaalaman - Hindi maingat na pagkilala kung ano
ang totoo at hindi totoong impormasyong nakikita
sa ating paligid gaya na lamang sa social media.

2. Labis na Paggamit ng Emosyon - Tumutukoy


sa pangunguna ng ating masidhing emosyon kaya
hindi na nakapag-iisip nang mapanuri sa tuwing
tayo ay magpapasiya.

3. Kayabangan - Pagmamalaking nakasentro


lamang sa sarili, at tanging ang pansariling
emosyon, interes, at kapakanan na lamang ang
iniisip at inuuna.

4. Katamaran - Kabigatan sa katawan, iniisip, at


pagkilos, at walang pagkukusang maaaring
humantong sa pagiging pabigat para sa iba.

5. Impluwensiya ng Kapaligiran - Pagkakaroon


ng ideya, suhestiyon, o paggawa mula sa mga tao,
bagay, o pangyayaring maaaring makasama sa
pagpapasiyang gagampanan.

Sa kabila ng mga kahinaan sa pagpapasya, ang


mga ito ay maaari nating malagpasan sa tulong ng
mga sumusunod na hakbang:

Mga Konkretong Hakbang Upang Malagpasan


ang mga Kahinaan sa Pagpapasya

1. Pagpapasya ayon sa Katotohanan at


Katarungan
Ang mga pagpapasiya at pagkilos ay nararapat na
panindigan at hindi magpatalo sa kamalian. Suriin
ang mga impormasyon kung ito ay tiyak at
nakabatay sa tamang pagpapahalaga at prinsipyo
sa buhay. Ito ay mahalaga upang makontrol ang
sarili at malutas ang mga suliranin.

2. Pamimili ayon sa Katapangan at


Kahinahunan
Isa rin sa hakbang upang malagpasan ang mga
kahinaan ay ang pagtugon nang angkop. Hindi
maduwag, ngunit matapang. Matapang, ngunit
maingat. At, hindi labis, ngunit hindi rin kulang.
Lakas ng loob at kahinahunan ang magbibigay ng
kalinawan at obhetibong pananaw sa iba’t ibang
sitwasyon na maaaring makapagdudulot ng
mabuting pagpapasiya.

3. Paggamit ng Tamang Konsensya


Ang tagahusga ng tama o mali ay ang ating
konsensya. Ito ang praktikal na paghuhusga ng
kaisipan. Kaya kinakailangang mahubog itong
malinaw sa kung ano ang dapat gawin at hindi.
Kaakibat din nito ang pag-impluwensiya sa
kapwang gamitin ang tamang konsiyensiya upang
laging manaig ang makataong pagkilos.

4. Paggamit ng Karunungang Praktikal


Sa bawat pagpapasiya, kinakailangang maging
maingat at iangkop ang natututuhan ng isip sa
pang-araw-araw na gawain. Ang tawag dito ay
phronesis. Ayon kay Aristoteles, ito ay
isinasagawang karunungan na kinikilala nating
birtud ng prudentia o karunungang praktikal
(practical wisdom). Sinasabi rito na kailangang
isaalang-alang din ang prinsipyo at kondisyon ng
sitwasyon hindi lamang ang mga ideyang tama o
mali.

5. Pagiging Mapanuri sa mga Bagay na


Nakikita at Nararanasan
Ang kapaligiran at karanasan ay dalawa sa
maraming impluwensiya sa ating desisyon. Base
sa mga sirkumstansyang ito, tayo ay
nakapagdedesisyon ayon sa mga resulta ng mga
pangyayari. Ipinaiigting ang mapanuring pag-iisip
upang makaiwas sa anumang kapahamakan,
kamalian, o kasamaan dahil sa hindi matalinong
pagpasiya.

Stratehiya: Repleksyon MURAL


PAGLALAPAT
(Application) Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbabalik- tanaw https://app.
sa mga nagawang pagpapasya noon. Gamit ang mural.co/t/v
Nakikilala ang kanyang mga website na Mural, sasagutin ng mga mag-aaral ang
aluesed1046
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga mga katanungan sa pamamagitan ng sticky notes, 78/m/values
kongkretong hakbang upang pictures, icons, o drawing. Narito ang panuto para
ed104678/1
malagpasan ang mga ito. sa mga mag-aaral at mga katanungan: 6429917217
Saykomotor: naisasabuhay 25/b7c3a8a
ang mga kongkretong Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay na b8fd29a92a
hakbang upang malagpasan 227890671f
ang mga kahinaan sa ikaw ay nagpakita ng kahinaan sa pagpapasya.
pagpapasya 3fea73b5b7
1. Anong kahinaan sa pagpapasya ang iyong 04a?sender
ipinakita sa nasabi mong sitwasyon? =u65d2c4ff
760afc53be
2. Kung mayroon kang pagkakataong bumalik sa 417079
pangyayaring iyon ngayong alam mo na ang mga
kongkretong hakbang upang maiwasan o
malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasya, ano
ang gagawin mo?

PAGSUSULIT Uri ng Pagsusulit: Tama o Mali, Multiple Choice GOOGLE


(Evaluation/ at Sanaysay FORMS
Assessment)
Panuto: Piliin ang salitang TAMA kung ang https://form
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at pahayag ay nagsasaad ng tamang kilos ang s.gle/bjShJo
nakagagawa ng mga salitang MALI naman kung hindi. A58Gu6Hp
kongkretong hakbang upang pT7
malagpasan ang mga ito.
1. Sinusuri ni Ronnie ang kanyang tamang
konsensya sa tuwing siya ay nagpapasya at
kumikilos.
TAMA
MALI
2. Naglalaan ng oras si Katrina upang masuri ang
kanyang pagpapasya at kilos nang sa gayon ay
makaiwas sa mali.
TAMA
MALI
3. Sumama si Neil sa pagbebenta ng
ipinagbabawal ng gamot upang makabayad sa
kanyang matrikula.
TAMA
MALI
4. Pinag-aralan muna ni Adam ang mga
impormasyon at ang kanyang pagpapahalaga bago
siya gumawa ng isang aksyon.
TAMA
MALI
5. Ginagamit ni Jane ang kanyang 'karunungang
praktikal' upang matimbang ang ideya ng tama at
mali sa kanyang pagpapasya.
TAMA
MALI

Test II. Multiple Choice

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at


piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagsagawa ng konkretong hakbang laban sa
kahinaan sa pagpapasya?

a. Tinago mo sa mga awtoridad ang pinsan mong


nagtutulak ng droga dahil ito na lang ang
bumubuhay sa kanilang pamilya.
b. Kahit ilang beses kang pigilan ng iyong mga
magulang sa pagsali sa mga protesta ay sinusuway
mo sila dahil mayroon kang pinaglalaban.
c. Nagpaalam ka na lamang na magpapaliban sa
pagpupulong ng inyong organisasyon dahil ayaw
mo nang marinig ang ginagawang tsismis
patungkol sa iyo.
d. Alam mo ang magiging reaksyon ng iyong mga
magulang sa pagtanan mo kasama ng iyong
nobyo, ngunit pinaninindigan mo rin ang sarili
mong bugso ng damdamin.

2. Paano mapaiigting ang mapanuring pag-iisip sa


pagpapasiya?

a. Isaalang-alang ang kondisyon ng sarili sa bawat


pagkakataon.
b. Maging mapagmatyag sa mga bagay na
naririnig, nababasa, nakikita at nararanasan.
c. Kumikilos at nagdedesisyon nang may labis na
kapanatagan, pagkakuntento, at kalayaan.
d. Isaisip ang isang alternatibong maghahatid ng
siguradong maayos, mabuti, at malinis na
kalalabasan.

3. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagpapasyang ayon sa katotohanan at katarungan?

a. Si Gab ay agad na sumali sa isang brotherhood


ng mga mag-aaral dahil isinama siya rito ng
kanyang matalik na kaibigan.
b. Si Kris ay kumuha ng kursong Nursing dahil
pangarap ng kanyang magulang na siya ay
makapunta sa Canada at doon magtrabaho bilang
nurse.
c. Si Eric ay nagpost sa facebook ng kanyang
pagkadismaya sa dalawang babaeng nag-aaway na
nakuhaan niya ng video noong siya ay nasa byahe
papunta ng opisina.
d. Si Ella ay nagpost sa facebook kung sino ang
mga pagpipilian niyang iboto bilang presidente at
ang mga impormasyong kanyang masusing
nasaliksik tungkol sa mga ito.

Para sa bilang 4-5, basahin ang sitwasyon at


sagutan ang mga tanong na nakaitala sa ibaba.

Nalalapit na ang deadline ng repleksyon ng grupo


nina Harry, ngunit mabigat ang katawan nito at
walang balak na agarang bumangon at kumilos
para sa nasabing gawain. Ilang araw na siyang
sinusubukang tawagan ng kanyang mga kagrupo
dahil hindi niya pa nagagawa ang kanyang parte.
Mas pinili na lamang niya ang manuod ng palabas
na kaniyang sinusubaybayan. Nag-aalala ang
grupo dahil ang marka ng isa ay marka ng lahat.

4. Alin sa mga sumusunod na mga sanhi ng


kahinaan sa pagpapasiya ang ipinakita ni Harry sa
sitwasyong iyong nabasa?

a. Inggit
b. Katamaran
c. Kayabangan
d. Impluwensiya ng Kapaligiran

5. Alin sa mga sumusunod na konkretong hakbang


ang may paggamit ng mapanuring pag-iisip na
makatutulong kay Harry upang malagpasan ang
kahinaang kanyang ipinakita?

a. Tapusin ang iniatas na gawain at punahin din


ang mga pagkukulang ng mga kagrupo.
b. Humingi ng pasensya sa grupo sa nagawang
pagpapabigat at magpaliwanag na hindi naman
iyon ang intensyon mo.
c. Aminin ang kasalanan, gawin ang parte, at
magtanong kung ano pa ang maaaring gawin
upang makabawi sa gawain.
d. Mabilisang gawin ang parte at humingi ng
tawad sa mga kagrupo upang makapanuod ulit ng
palabas na pinapanuod.

Test III. Sanaysay

Panuto: Sagutin ang mga tanong o sitwasyon sa


pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay na
mayroong tatlo (3) hanggang limang (5)
pangungusap. Ang bilang ay katumbas ng 5
puntos.
11. Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay
kung saan nalagpasan mo ang iyong kahinaan sa
pagpapasya at ipaliwanag kung anong
kongkretong hakbang ang iyong ginawa.

12. Bakit mahalaga ang pagpapatalas ng


mapanuring pag-iisip sa paggawa ng pagpapasya?
Magbigay ng isang kongkretong halimabawa.

Test I. Sagot:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Test II. Sagot:


6. C
7. B
8. D
9. B
10. C

Test III. Inaasahang sagot para sa sanaysay

11. Maraming pagkakataon sa aking buhay kung


saan masasabi kong nagpasya ako nang mayroong
kahinaan. Isa sa mga halimbawa ay noong
nagpasya akong umalis at tumira sa bahay ng
aking kaibigan dahil sa away namin ng aking
kapatid. Makalipas ang dalawang araw ay bumaba
ang lebel ng aking emosyon kaya't nasuri ko nang
maigi ang sitwasyon. Bumalik ako sa aming bahay
at humingi ng tawad sa aking magulang at sa
aking kapatid.
12. Mahalaga ang pagpapatalas ng ating
mapanuring pag-iisip sa bawat paggawa natin ng
pagpapasya, maliit man o malaking pagpapasya
ito. Makatutulong ang mapanuring pag-iisip upang
tayo ay makapagsuri nang maayos at matimbang
natin ang ating mga pagpapasya na siyang
magdidikta ng ating kilos. Halimbawa na lamang
sa pagpili ng ating kursong kukunin sa kolehiyo,
mahalagang pairalin natin ang ating mapanuring
pag-iisip upang hindi tayo magpasya nang
naaayon lamang sa bugso ng ating damdamin at
hindi tayo magsisi sa bandang huli.
Rubriks para sa Sanaysay:
https://docs.google.com/document/d/1jE9hHTB17
rQ-ctD44caFqvKdjD2fS2FRKvCQ7R5LSF8/edit?
usp=sharing

Stratehiya: Short Film Analysis YOUTUBE


TAKDANG-ARALIN Panuto: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa apat
(Assignment) (3) na grupo at panunuorin ang maikling https://www
pelikulang pinili ng guro. Matapos panuorin, .youtube.co
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at gagawa sila ng isang Short Film Analysis sa m/watch?v=
nakagagawa ng mga pamamagitan ng pagsusuri sa pagpapasya ng AF2Cx50B
kongkretong hakbang upang pangunahing tauhan sa napiling pelikula. KA4
malagpasan ang mga ito.
Gagamitin ng mga mag-aaral ang template sa na
ibabahagi ng guro. GOOGLE
Narito ang mga kailangang sagutan ng bawat DOCUME
pangkat. NTS

https://docs.
I. Pangunahing Tauhan (Paglalarawan sa
google.com/
pangunahing tauhan) document/d/
1sd_0dAZP
II. Buod ng Maikling Pelikula WJtS1LHzr
g1RNkboT
III. Mga Gabay na Tanong: NkGJHpEx
1. Anu-ano ang mga payong ibinigay ng mga sBYcJFZE
VY/edit?us
kaibigan ng pangunahing tauhan na p=sharing
maaaring maging kanyang kahinaan sa
pagpapasya?
2. 2. Sa iyong pagsusuri, nagsagawa ba ng
mga kongkretong hakbang ang
pangunahing tauhan upang malagpasan
niya ang maaaring maging kahinaan nito
sa pagpapasya?
2.a. Kung oo, anu-ano ang mga hakbang
na ito?
2.b. Kung hindi, anu-anong hakbang sa
iyong palagay ang makatutulong sana sa
kanya upang malagpasan niya ang mga
ipinakita niyang kahinaan?
3. Ano ang mahihinuha mo sa kinalabasan ng
mga pagpapasya at kilos ng pangunahing
tauhan?

IV. Konklusyon

Rubrics:
https://docs.google.com/document/d/16kZg0WKz
u90X6yhpKlhDzaAf95n5VQ0TDc5HdDgibss/edi
t?usp=sharing

Stratehiya: Teacher’s Input PINTERES


Pagtatapos na T
Gawain Minuto na nakalaan: 1 Minuto
(Closing Activity) https://i.pini
Panuto: Ang mga mag-aaral ay makikinig sa guro mg.com/ori
Nakikilala ang kanyang mga para sa huling mga salita at pagpapaalala. ginals/71/d8
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga /12/71d812
kongkretong hakbang upang Narito ang isang kasabihan mula kay Plato: 1a242fadf4
malagpasan ang mga ito. be207c3d8b
“Ang maButing pagpapasya ay nakabatay sa 8243bb.jpg
Pandamdamin: naipapakita
ang paggamit ng mapanuring
karunungan.”
pag-iisip sa pagpapasya upang
maiwasan ang mga kahinaan
sa pagpapasya;

You might also like