You are on page 1of 16

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK
Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Lesson Plan Heading Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 10
Unang Markahan

Kasanayang 1.2.
Pampagkatuto
DLC (No. & Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at
Statement) nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan
ang mga ito.

Dulog o Values Clarification


Approach
Panlahat na Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C - Pangkabatiran: natutukoy ang sariling kahinaan sa


pagpapasya at ang mga paraan upang malagpasan ito;

A - Pandamdamin: nakapagpapatalas ng mapanuring pag-iisip


sa pagpapasya; at

B - Saykomotor: nakabubuo ng mga kongkretong hakbang


upang malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasya.

PAKSA
(TOPIC) Mga Kongkretong Hakbang upang Malagpasan ang mga
Kahinaan sa Pagpapasiya

Inaasahang
Pagpapahalaga
(Value to be
developed) Mapanuring Pag-iisip / Intelektuwal
Nakagagamit ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapasya upang
maiwasan ang mga kahinaan.
1. Ano ang Mga Kahinaan sa Pagpapasya? Brainly.
SANGGUNIAN https://brainly.ph/question/2779355
(APA 7th Edition 2. Brizuela, M.B., Arnedo, P.S., Guevarra, G.A., Valdez,
format) E.P., Rivera, S.M., Celeste, E.G., Balona, R.V., et.al.
(References) (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul Para sa
Mag-aaral. PDF Slide. https://pdfslide.tips/education/esp-
Nakikilala ang kanyang mga grade-10-learners-module.html
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga
3. Punsalan, T. G., Caberio, S. T., Nicolas, M. V. D., &
kongkretong hakbang upang Reyes, W. S. (2019). Salik sa Mapanagutang Pagkilos at
malagpasan ang mga ito. Pagpapasiya. In Paano Magpakatao (pp. 115–135). REX
Book Store.
4. Dy, M. B. & Hidalgo, F. A. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral Yunit 2. 92-94.
https://www.slideshare.net/IanJurgenMagnaye/esp-
learners-module-grade-10-unit-2
5. Dy, M. B. & Hidalgo, F. A. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral Yunit 3. 170-179.
https://www.slideshare.net/khikox/grade-10-esp-yunit-3
6. Lagsaan, J. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Unang
Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob.
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/ES
P10_Q1_W1.pdf
MGA KAGAMITAN ● Zoom https://us02web.zoom.us/j/5748588372?
(Materials) pwd=SXVjSEkwT1o2QVQwdnczMTlCdXlJZz09
● Google Slides
https://docs.google.com/presentation/d/
1GSb9S0h8KtIoPne44pGkfsajGi9YmK0LW_UOksb5afg
/edit?usp=sharing
● Wordwall
https://wordwall.net/resource/27984204
● Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=OKE0tYmitvk
● Jamboard
https://jamboard.google.com/d/
1qUWZby1MFfEvh7nbckcKmRIA7GWLDkLh7mX3h
MxZsAc/edit?usp=sharing
● Prezi
https://prezi.com/view/VF8ZcXMFCugANykMwWyu/
● Canva
https://www.canva.com/design/DAExvw_4AW0/ljvAwB
kpRhGJHVzg-omvaA/view?
utm_content=DAExvw_4AW0&utm_campaign=designs
hare&utm_medium=link&utm_source=sharebutton
● Mural
https://app.mural.co/t/valuesed104678/m/valuesed104678
/1642991721725/
b7c3a8ab8fd29a92a227890671f3fea73b5b704a?
sender=u65d2c4ff760afc53be417079
● Google Forms
https://forms.gle/bjShJoA58Gu6HppT7
● Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=AF2Cx50BKA4
● Google Documents
https://docs.google.com/document/d/
1sd_0dAZPWJtS1LHzrg1RNkboTNkGJHpExsBYcJFZE
VY/edit?usp=sharing
● Pinterest
https://i.pinimg.com/originals/71/d8/12/71d8121a242fadf
4be207c3d8b8243bb.jpg
Sratehiya: Sentence Completion WORDWA
PANLINANG NA LL
GAWAIN Panuto: Bubuuhin ng mga mag-aaral ang https://
(Motivation) pangungusap na sinasabi sa likod ng mga larawan wordwall.ne
batay sa kanilang ideya o opinyon. Ilalagay nila t/resource/
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at
ang kanilang sagot sagot sa Zoom Chatbox. 27984204
nakagagawa ng mga Matapos ito ay tatawag ang guro ng mga mag-
kongkretong hakbang upang aaral na sasagot sa mga tanong.
malagpasan ang mga ito.

1. Mahalaga ang pag-iisip nang mabuti sa tuwing


nagpapasya upang ________.

2. Mabuting pagpapasya ang dapat pinaiiral upang


___________________.
3. Ang labis na emosyon sa pagpapasya ay
nakapagdudulot ng _____________.

4. Mahalagang iwasan ang mga maling


impormasyon sa tuwing nagpapasya dahil
______________.

5. Ang pagsusuri sa mga desisyong nagawa noon


ay daan tungo sa _______________.

Mga Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo sa gawain?


2. Ano ang nahinuha mo mula sa mga
pangungusap na inyong binuo?
3. Anong ideya ng pagpapasya ang nabuo mo
mula sa gawain?
PANGUNAHING Dulog: Values Analysis YOUTUBE
GAWAIN Sratehiya: Pagsusuri ng Balita https://
(Activity) www.youtu
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng be.com/
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at
isang balita. Matapos suriin ang balita, sasagutin watch?
nakagagawa ng mga nila ang tanong gamit ang Jamboard. v=OKE0tY
kongkretong hakbang upang mitvk
malagpasan ang mga ito.
Tanong:
1. Ano ang nangingibabaw na nararamdaman at JAMBOAR
reaksyon mo para sa babaeng lumabag sa COVID- D
19 protocol? Ipaliwanag. https://
jamboard.g
oogle.com/
d/
1qUWZby1
MFfEvh7nb
ckcKmRIA
7GWLDkL
h7mX3hMx
ZsAc/edit?
usp=sharing

PREZI
MGA 1. Ano ang iyong opinyon tungkol sa ginawang
KATANUNGAN pagpapasya ng babaeng lumabag sa COVID-19 https://
(Analysis) protocol? (C) prezi.com/
C-A-B view/
2. Sa iyong palagay, bakit kaya ito ang naging
VF8ZcXM
desisyon ng babaeng lumabag sa COVID-19
Nakikilala ang kanyang mga FCugANyk
kahinaan sa pagpapasya at protocol? (C)
nakagagawa ng mga
MwWyu/
kongkretong hakbang upang 3. Mabuti ba o masama ang naging resulta ng
malagpasan ang mga ito.
pagpapasya ng babaeng lumabag sa COVID-19
protocol? Ipaliwanag. (A)
Mapanuring Pag-iisip
4. Anong uri ng kasanayan ang dapat mong
taglayin upang hindi ka humantong sa
pagpapasyang katulad ng ginawa ng babaeng
lumabag sa COVID-19 protocol? (A)

5. Kung ikaw ay mahaharap sa sitwasyong katulad


sa babaeng naibalita, ano ang iyong magiging
resolusyon matapos lumabag sa COVID-19
protocol? (B)

6. Kung ikaw ay isa sa mga kinauukulan,


nararapat bang mabigyan ng karampatang parusa
ang babaeng lumabag sa COVID-19 protocol?
Ipaliwanag. (B)
PAGTATALAKAY Balangkas o Outline: CANVA
(Abstraction)
I. Ang Pagpapasya https://
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at
II. Mga Sanhi ng Kahinaan sa Pagpapasya www.canva.
nakagagawa ng mga 1. Kakulangan ng Sapat na Impormasyon at com/
kongkretong hakbang upang Kaalaman design/
malagpasan ang mga ito.
2. Labis na Paggamit ng Emosyon DAExvw_4
3. Kayabangan AW0/
4. Katamaran ljvAwBkpR
5. Impluwensiya ng Kapaligiran hGJHVzg-
III. Mga Konkretong Hakbang Upang omvaA/
Malagpasan ang mga Kahinaan sa Pagpapasya view?
1. Pagpapasya ayon sa Katotohanan at utm_content
Katarungan =DAExvw_
2. Paggamit ng Tamang Konsensya 4AW0&utm
3. Pamimili ayon sa Katapangan at _campaign=
Kahinahunan designshare
4. Paggamit ng Karunungang Praktikal &utm_medi
5. Pagiging Mapanuri sa mga bagay na um=link&ut
nakikita at nararanasan m_source=s
harebutton
Nilalaman o Content:

Ang Pagpapasiya

Ang pagpapasiya ay nararapat na pahalagahan at


sanayin ninuman, sapagkat, dito nakasalalay ang
kapalaran ng isang tao, maging ang mga taong
makahaharap natin. Ang mundo ay patuloy sa
pag-ikot, kaya naman wala ring tigil ang
pagpasiya ng mga tao. Kinakailangang maging
mapanuri sa kalayaang makapagpasiya upang
hindi mahila ng makamundong pagbabago.

Subalit, hindi madaling gawain ang pagpapasiya.


Makaeengkuwentro tayo ng mga kahinaang hindi
natin inaasahang maaaring makapagpabago ng
ating pagpapasiya. Narito ang mga iilan sa mga
kadahilanan ng kahinaan sa pagpapasiya:
Mga Sanhi ng Kahinaan sa Pagpapasiya

1. Kakulangan ng Sapat na Impormasyon at


Kaalaman - Hindi maingat na pagkilala kung ano
ang totoo at hindi totoong impormasyong nakikita
sa ating paligid gaya na lamang sa social media.

2. Labis na Paggamit ng Emosyon - Tumutukoy


sa pangunguna ng ating masidhing emosyon kaya
hindi na nakapag-iisip nang mapanuri sa tuwing
tayo ay magpapasiya.

3. Kayabangan - Pagmamalaking nakasentro


lamang sa sarili, at tanging ang pansariling
emosyon, interes, at kapakanan na lamang ang
iniisip at inuuna.

4. Katamaran - Kabigatan sa katawan, iniisip, at


pagkilos, at walang pagkukusang maaaring
humantong sa pagiging pabigat para sa iba.

5. Impluwensiya ng Kapaligiran - Pagkakaroon


ng ideya, suhestiyon, o paggawa mula sa mga tao,
bagay, o pangyayaring maaaring makasama sa
pagpapasiyang gagampanan.

Sa kabila ng mga kahinaan sa pagpapasya, ang


mga ito ay maaari nating malagpasan sa tulong ng
mga sumusunod na hakbang:

Mga Konkretong Hakbang Upang Malagpasan


ang mga Kahinaan sa Pagpapasya

1. Pagpapasya ayon sa Katotohanan at


Katarungan
Ang mga pagpapasiya at pagkilos ay nararapat na
panindigan at hindi magpatalo sa kamalian. Suriin
ang mga impormasyon kung ito ay tiyak at
nakabatay sa tamang pagpapahalaga at prinsipyo
sa buhay. Ito ay mahalaga upang makontrol ang
sarili at malutas ang mga suliranin.

2. Pamimili ayon sa Katapangan at


Kahinahunan
Isa rin sa hakbang upang malagpasan ang mga
kahinaan ay ang pagtugon nang angkop. Hindi
maduwag, ngunit matapang. Matapang, ngunit
maingat. At, hindi labis, ngunit hindi rin kulang.
Lakas ng loob at kahinahunan ang magbibigay ng
kalinawan at obhetibong pananaw sa iba’t ibang
sitwasyon na maaaring makapagdudulot ng
mabuting pagpapasiya.

3. Paggamit ng Tamang Konsensya


Ang tagahusga ng tama o mali ay ang ating
konsensya. Ito ang praktikal na paghuhusga ng
kaisipan. Kaya kinakailangang mahubog itong
malinaw sa kung ano ang dapat gawin at hindi.
Kaakibat din nito ang pag-impluwensiya sa
kapwang gamitin ang tamang konsiyensiya upang
laging manaig ang makataong pagkilos.

4. Paggamit ng Karunungang Praktikal


Sa bawat pagpapasiya, kinakailangang maging
maingat at iangkop ang natututuhan ng isip sa
pang-araw-araw na gawain. Ang tawag dito ay
phronesis. Ayon kay Aristoteles, ito ay
isinasagawang karunungan na kinikilala nating
birtud ng prudentia o karunungang praktikal
(practical wisdom). Sinasabi rito na kailangang
isaalang-alang din ang prinsipyo at kondisyon ng
sitwasyon hindi lamang ang mga ideyang tama o
mali.

5. Pagiging Mapanuri sa mga Bagay na


Nakikita at Nararanasan
Ang kapaligiran at karanasan ay dalawa sa
maraming impluwensiya sa ating desisyon. Base
sa mga sirkumstansyang ito, tayo ay
nakapagdedesisyon ayon sa mga resulta ng mga
pangyayari. Ipinaiigting ang mapanuring pag-iisip
upang makaiwas sa anumang kapahamakan,
kamalian, o kasamaan dahil sa hindi matalinong
pagpasiya.
Stratehiya: Repleksyon MURAL
PAGLALAPAT
(Application) Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbabalik- tanaw https://
sa mga nagawang pagpapasya noon. Gamit ang app.mural.c
Nakikilala ang kanyang mga website na Mural, sasagutin ng mga mag-aaral ang o/t/
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga
mga katanungan sa pamamagitan ng sticky notes, valuesed104
kongkretong hakbang upang pictures, icons, o drawing. Narito ang panuto para 678/m/
malagpasan ang mga ito. sa mga mag-aaral at mga katanungan: valuesed104
Saykomotor: naisasabuhay
678/164299
ang mga kongkretong Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay na 1721725/
hakbang upang malagpasan ikaw ay nagpakita ng kahinaan sa pagpapasya. b7c3a8ab8f
ang mga kahinaan sa
pagpapasya
d29a92a227
1. Anong kahinaan sa pagpapasya ang iyong 890671f3fe
ipinakita sa nasabi mong sitwasyon? a73b5b704a
?
2. Kung mayroon kang pagkakataong bumalik sa
sender=u65
pangyayaring iyon ngayong alam mo na ang mga
d2c4ff760af
kongkretong hakbang upang maiwasan o
c53be41707
malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasya, ano
9
ang gagawin mo?

PAGSUSULIT Uri ng Pagsusulit: Tama o Mali, Multiple Choice GOOGLE


(Evaluation/ at Sanaysay FORMS
Assessment)
Panuto: Piliin ang salitang TAMA kung ang https://
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at
pahayag ay nagsasaad ng tamang kilos ang forms.gle/
nakagagawa ng mga salitang MALI naman kung hindi. bjShJoA58
kongkretong hakbang upang Gu6HppT7
malagpasan ang mga ito.
1. Sinusuri ni Ronnie ang kanyang tamang
konsensya sa tuwing siya ay nagpapasya at
kumikilos.
● TAMA
● MALI
2. Naglalaan ng oras si Katrina upang masuri ang
kanyang pagpapasya at kilos nang sa gayon ay
makaiwas sa mali.
● TAMA
● MALI
3. Sumama si Neil sa pagbebenta ng
ipinagbabawal ng gamot upang makabayad sa
kanyang matrikula.
● TAMA
● MALI
4. Pinag-aralan muna ni Adam ang mga
impormasyon at ang kanyang pagpapahalaga bago
siya gumawa ng isang aksyon.
● TAMA
● MALI
5. Ginagamit ni Jane ang kanyang 'karunungang
praktikal' upang matimbang ang ideya ng tama at
mali sa kanyang pagpapasya.
● TAMA
● MALI

Test II. Multiple Choice

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at


piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagsagawa ng konkretong hakbang laban sa
kahinaan sa pagpapasya?

a. Tinago mo sa mga awtoridad ang pinsan mong


nagtutulak ng droga dahil ito na lang ang
bumubuhay sa kanilang pamilya.
b. Kahit ilang beses kang pigilan ng iyong mga
magulang sa pagsali sa mga protesta ay sinusuway
mo sila dahil mayroon kang pinaglalaban.
c. Nagpaalam ka na lamang na magpapaliban sa
pagpupulong ng inyong organisasyon dahil ayaw
mo nang marinig ang ginagawang tsismis
patungkol sa iyo.
d. Alam mo ang magiging reaksyon ng iyong mga
magulang sa pagtanan mo kasama ng iyong
nobyo, ngunit pinaninindigan mo rin ang sarili
mong bugso ng damdamin.

2. Paano mapaiigting ang mapanuring pag-iisip sa


pagpapasiya?

a. Isaalang-alang ang kondisyon ng sarili sa bawat


pagkakataon.
b. Maging mapagmatyag sa mga bagay na
naririnig, nababasa, nakikita at nararanasan.
c. Kumikilos at nagdedesisyon nang may labis na
kapanatagan, pagkakuntento, at kalayaan.
d. Isaisip ang isang alternatibong maghahatid ng
siguradong maayos, mabuti, at malinis na
kalalabasan.

3. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagpapasyang ayon sa katotohanan at katarungan?

a. Si Gab ay agad na sumali sa isang brotherhood


ng mga mag-aaral dahil isinama siya rito ng
kanyang matalik na kaibigan.
b. Si Kris ay kumuha ng kursong Nursing dahil
pangarap ng kanyang magulang na siya ay
makapunta sa Canada at doon magtrabaho bilang
nurse.
c. Si Eric ay nagpost sa facebook ng kanyang
pagkadismaya sa dalawang babaeng nag-aaway na
nakuhaan niya ng video noong siya ay nasa byahe
papunta ng opisina.
d. Si Ella ay nagpost sa facebook kung sino ang
mga pagpipilian niyang iboto bilang presidente at
ang mga impormasyong kanyang masusing
nasaliksik tungkol sa mga ito.

Para sa bilang 4-5, basahin ang sitwasyon at


sagutan ang mga tanong na nakaitala sa ibaba.
Nalalapit na ang deadline ng repleksyon ng grupo
nina Harry, ngunit mabigat ang katawan nito at
walang balak na agarang bumangon at kumilos
para sa nasabing gawain. Ilang araw na siyang
sinusubukang tawagan ng kanyang mga kagrupo
dahil hindi niya pa nagagawa ang kanyang parte.
Mas pinili na lamang niya ang manuod ng palabas
na kaniyang sinusubaybayan. Nag-aalala ang
grupo dahil ang marka ng isa ay marka ng lahat.

4. Alin sa mga sumusunod na mga sanhi ng


kahinaan sa pagpapasiya ang ipinakita ni Harry sa
sitwasyong iyong nabasa?

a. Inggit
b. Katamaran
c. Kayabangan
d. Impluwensiya ng Kapaligiran

5. Alin sa mga sumusunod na konkretong hakbang


ang may paggamit ng mapanuring pag-iisip na
makatutulong kay Harry upang malagpasan ang
kahinaang kanyang ipinakita?

a. Tapusin ang iniatas na gawain at punahin din


ang mga pagkukulang ng mga kagrupo.
b. Humingi ng pasensya sa grupo sa nagawang
pagpapabigat at magpaliwanag na hindi naman
iyon ang intensyon mo.
c. Aminin ang kasalanan, gawin ang parte, at
magtanong kung ano pa ang maaaring gawin
upang makabawi sa gawain.
d. Mabilisang gawin ang parte at humingi ng
tawad sa mga kagrupo upang makapanuod ulit ng
palabas na pinapanuod.

Test III. Sanaysay


Panuto: Sagutin ang mga tanong o sitwasyon sa
pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay na
mayroong tatlo (3) hanggang limang (5)
pangungusap. Ang bilang ay katumbas ng 5
puntos.

11. Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay


kung saan nalagpasan mo ang iyong kahinaan sa
pagpapasya at ipaliwanag kung anong
kongkretong hakbang ang iyong ginawa.

12. Bakit mahalaga ang pagpapatalas ng


mapanuring pag-iisip sa paggawa ng pagpapasya?
Magbigay ng isang kongkretong halimabawa.

Test I. Sagot:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Test II. Sagot:


6. C
7. B
8. D
9. B
10. C

Test III. Inaasahang sagot para sa sanaysay

11. Maraming pagkakataon sa aking buhay kung


saan masasabi kong nagpasya ako nang mayroong
kahinaan. Isa sa mga halimbawa ay noong
nagpasya akong umalis at tumira sa bahay ng
aking kaibigan dahil sa away namin ng aking
kapatid. Makalipas ang dalawang araw ay bumaba
ang lebel ng aking emosyon kaya't nasuri ko nang
maigi ang sitwasyon. Bumalik ako sa aming bahay
at humingi ng tawad sa aking magulang at sa
aking kapatid.
12. Mahalaga ang pagpapatalas ng ating
mapanuring pag-iisip sa bawat paggawa natin ng
pagpapasya, maliit man o malaking pagpapasya
ito. Makatutulong ang mapanuring pag-iisip upang
tayo ay makapagsuri nang maayos at matimbang
natin ang ating mga pagpapasya na siyang
magdidikta ng ating kilos. Halimbawa na lamang
sa pagpili ng ating kursong kukunin sa kolehiyo,
mahalagang pairalin natin ang ating mapanuring
pag-iisip upang hindi tayo magpasya nang
naaayon lamang sa bugso ng ating damdamin at
hindi tayo magsisi sa bandang huli.
Rubriks para sa Sanaysay:
https://docs.google.com/document/d/1jE9hHTB17
rQ-ctD44caFqvKdjD2fS2FRKvCQ7R5LSF8/edit?
usp=sharing
Stratehiya: Short Film Analysis YOUTUBE
TAKDANG-ARALIN Panuto: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa apat
(Assignment) (3) na grupo at panunuorin ang maikling https://
pelikulang pinili ng guro. Matapos panuorin, www.youtu
Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa pagpapasya at
gagawa sila ng isang Short Film Analysis sa be.com/
nakagagawa ng mga pamamagitan ng pagsusuri sa pagpapasya ng watch?
kongkretong hakbang upang pangunahing tauhan sa napiling pelikula. v=AF2Cx5
malagpasan ang mga ito.
Gagamitin ng mga mag-aaral ang template sa na 0BKA4
ibabahagi ng guro.
Narito ang mga kailangang sagutan ng bawat GOOGLE
pangkat. DOCUME
NTS
I. Pangunahing Tauhan (Paglalarawan sa
pangunahing tauhan) https://
docs.google
II. Buod ng Maikling Pelikula .com/
document/
III. Mga Gabay na Tanong: d/
1. Anu-ano ang mga payong ibinigay ng mga 1sd_0dAZP
kaibigan ng pangunahing tauhan na WJtS1LHzr
maaaring maging kanyang kahinaan sa g1RNkboT
pagpapasya? NkGJHpEx
2. 2. Sa iyong pagsusuri, nagsagawa ba ng sBYcJFZE
mga kongkretong hakbang ang VY/edit?
pangunahing tauhan upang malagpasan usp=sharing
niya ang maaaring maging kahinaan nito
sa pagpapasya?
2.a. Kung oo, anu-ano ang mga hakbang
na ito?
2.b. Kung hindi, anu-anong hakbang sa
iyong palagay ang makatutulong sana sa
kanya upang malagpasan niya ang mga
ipinakita niyang kahinaan?
3. Ano ang mahihinuha mo sa kinalabasan ng
mga pagpapasya at kilos ng pangunahing
tauhan?

IV. Konklusyon

Rubrics:
https://docs.google.com/document/d/16kZg0WKz
u90X6yhpKlhDzaAf95n5VQ0TDc5HdDgibss/
edit?usp=sharing

Stratehiya: Teacher’s Input PINTERES


Pagtatapos na T
Gawain Minuto na nakalaan: 1 Minuto
(Closing Activity) https://
Panuto: Ang mga mag-aaral ay makikinig sa guro i.pinimg.co
Nakikilala ang kanyang mga para sa huling mga salita at pagpapaalala. m/
kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga
originals/
kongkretong hakbang upang Narito ang isang kasabihan mula kay Plato: 71/
malagpasan ang mga ito. d8/12/71d8
“Ang maButing pagpapasya ay nakabatay sa 121a242fad
Pandamdamin: naipapakita karunungan.” f4be207c3d
ang paggamit ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapasya upang 8b8243bb.j
maiwasan ang mga kahinaan pg
sa pagpapasya;

You might also like