You are on page 1of 2

GREEN VALLEY COLLEGE FOUNDATION, INC.

SCHOOL OF EDUCATION
LESSON PLAN
MALASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Pangalan: CERILO JOHN P. DEFENSOR Guro: CERILO JOHN P. DEFENSOR, LPT


Subject Code: EDUC 230 Date: March 15, 2023
BAITANG: 9

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) nabibigyang-hinuha ang tungkol sa implasyon,
b) naiisa-isa ang sanhi at epekto ng implasyon; at
c) nakikiisa sa pagbibigay solusyon sa problema ng bansa na magagamit sa pang-araw araw na
pamumuhay.
II. Paksang Aralin
a) Paksa: Pag-unawa sa Implasyon.
b) Kagamitan sa Pagtuturo: Cartolina, chalk, blackboard, mga larawan, PPT
c) Sanggunian: Ekonomiks – Araling Panlipunan 9 - Pahina 287-301

III. Mga Pamamaraan

 Panalangin
 Pagbati
 Pagsisiyasat ng Atendansya
 Mga alituntunin sa loob ng silid-aralan
 Pagbabalik-aral

A. ACTIVITY (MULTIPLE CHOICE)

Magpapakita ang guro ng mga tanong na may apat na pagpipilian, ito ay may kinalaman sa konsepto
at palatandaan ng implasyon. Pipili ang guro ng mga mag-aaral na siyang sasagot sa mga katanungan na
ipapakita sa presentasyon at may limang (5) segundo lang upang sagutan.
Pamprosesong Tanong:

 Ano ang mga bagay na iyong hindi nabili dahilan sa pagtaas ng presyo sa panahon ng pandemya
(COVID-19)?
B. ANALYSIS (PICTURE ANALYSIS)
Ang guro ay magpapakita nang larawan ng mga bilihin na may pagbabago ng presyo. Pipili ang guro
ng mga mag-aaral na siyang sasagot sa mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:

 Ano ang nakitang pagbabago sa larawan?


 Bakit nangyayari ang ganoong pagbabago?
 Ano kaya ang magiging topiko natin ngayon araw?
C. INTEGRATION (Paglalahad ng Paksa sa Klase)

 Konsepto at palatandaan ng Implasyon.


Pamprosesong Tanong:

 Ano-ano ang mga palatandaan ng implasyon?


GREEN VALLEY COLLEGE FOUNDATION, INC.
SCHOOL OF EDUCATION
LESSON PLAN

D. APPLICATION (Group Reporting)


Hatiin ang klase sa anim na grupo. Ang bawat grupo ay may nakahandang paksa at ipapaliwanag ito.
Bibigyan ng limang (5) minuto ang mga mag-aaral upang makapaghanda ng kanilang gawain. Pipili ang guro
ng dalawang (2) representante sa bawat grupo at bibigyan sila ng dalawang (2) minuto upang ilahad ang
kanilang ginawa. Ang ginawa ng bawat grupo ay huhusgahan ayon sa sumusunod na pamantayan sa rubriks
na ipapakita ng guro.
Pamprosesong Tanong:

 Bilang isang mag-aaral ng GVC, paano mo mabibigyang kaalaman ang kapwa mo mag-aaral na
iwasan ang implasyon?

IV. EVALUATION (ESSAY)


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Kopyahin ang mga tanong at isulat ang
iyong sagot sa Activity/Assessment Notebook.
1. Bakit kailangang magtulungan ang pamahalaan, prodyuser at mga mamimili upang malabanan ang
implasyon?
2. Paano mo nararamdaman ang epekto ng implasyon sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

V. GENERALIZATION
Pamprosesong Tanong:

 Paano ka makakatulong upang labanan ang epekto ng implasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?


Ang implasyon ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng tao kaya, ang bawat isa ay may pananagutan
na dapat tuparin upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Inihanda ni:

CERILO JOHN P. DEFENSOR, LPT


BEED 2E-SS

You might also like