You are on page 1of 4

MODYUL 3

Mga Gawaing Komunikasyon ng mga Pilipino

ARALIN 1
Kahalagahan ng Pakikipagkomunikasyon

Paandarin ang Kaalaman

Gawin natin ito!


Panuto: Gamit ang sariling kaalaman isulat sa loob ng mga bilog ang kahalagahan ng
pakikipagkomunikasyon.

(ATTACH PICTURE HERE NA NAAY 5 KA OBLONG JA NAAY word na pakikipagkomunikasyon sa box)

Paglalapat

Sagutan natin ito!

Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang malinaw na komunikasyon upang magkaroon ng


pagkakaunawaan ang mga tao? Batay sa iyong mga naging karanasan sa pakikisalamuha sa iyong
kapwa, maglahad ka ng tatlong pagkakataong naranasan mo na nagkaroon ng di
pagkakaunawaan dahil sa problema sa komunikasyon. Isulat ang mga insidenteng ito mga patlang
sa ibaba. Pagkatapos, ipaliwanag mo ang iyong ginawa upang malutas ang naging problema.

1. Nag-uusap kami ng aking kaklase at dumaan naman yung isa ko pang kaklase na akala niya ay
siya ang aming pinag-uusapan.
2. Nag-uusap kami kami ng aking mga kaklase sa messenger para sa aming gagawing proyekto
ngunit di kami nagkakaintindihan.
3. Nanunuod lang ako noon ng pelikula sa aking telepono, kinalabit lang ako bigla ng aking mga
kaibigan dahil tinanong nila ako kung may problema ba ako dahil na mumula pa ang aking mga
mata.
4. Nag-uusap kami ng aking mga kaibigan tungkol sa kung ano ang tawag sa taong nabubusog na
ngunit di parin umaawat sa pagkain. Magkakaiba pala kami ng salita kaya pinag didibatihan namin
kung ano talaga ang tawag.
5. Nag-uusap lang kami ng aking mga kaibigan ngunit laking gulat namin nang may sumulpot na
binata sa aming harapan at sabi pa niya na wag na lang naming pakialaman ang buhay niya.

Sa aking mga karanasan sa pakikipag komunikasyon mahalaga talaga ang may malinaw na
komunikasyon upang may pagkakaunawaan sa isa’t-isa at hindi mag karoon nang bangayan.
Katulad ng aking mga karasan ay na ayos lang din naman namin sa pamamagitan ng maayos at
malinaw na pagpapaliwanag. Sa susunod na kami ay maguusap ukol sa isang bagay ay nililinaw na
namin. Sa ngayon ay may roon paring di pagkakaunawaan pero palagi parin naming inaayos ng
aking mga kaibigan upang hindi kami masira dahil lang sa di pagkakaunawaan.
Pagtatasa

Panuto: Paano ka nakikipagkomunikasyon sa iyong kapwa mag-aaral, kapamilya, o mga tao sa


inyong pamayanan? Ano-ano ang isinasaalng-alang mo? Maglahad ng isang aktuwal na
pangyayari. Gawin ito sa pamamagitan ng “Slogan”.

(ATTACH PICTURE HERE)

ARALIN 2
“Mga Daluyan ng Pakikipagkomunkasyon”

Paandarin ang kaalaman!

Panuto: Ilarawan ang bagay na nasa larawan sa pamamagitan ng mga katanungan na nasa kahon.

Ano ang nasa larawan?


-ang nasa larawan ay tinatawag na radioactive o radio wave.
Saan ito ginagamit?
- Ginagamit ito sa pakikipag komunikasyon.
Kahalagahan
- Ang kahalagahan ng radio wave ay ito ang nagsisilbing tulay para sa pakikipagkomunikasyon ng
bawat antas sa lipunan at sa mundo na ating ginagalawan.

Paglalapat

Panuto:
A. Sagutan ang mga sumusunod:

1. Konteksto/Sitwasyon
2. Mensahe
3. Tsanel
4. Di-berbal
5. Balita

B. Ibigay ang mga hiningi at ipaliwanag ang bawat isa:


1. Kahalagahan ng balita:
- Ang kahalgahan ng balita ay nagbibigay ito ng dagdag na karunungan, nagpapayaman ito ng
talasalitaan, nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid, nagpapabatid ito sa takbo ng
panahon at kalagayan at nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na
kaalaman.

2. Pumili ng dalwang sangkap at proseso ng komunikasyon at ipaliwanag sa sariling


pagkakaunawa.
2.1 Encoder - tumutukoy sa tao na pinagmulan ng mensahe. Halimbawa, kapag nagdiriwang ng
kaarawan ang iyong mahal sa buhay at binati mo siya ng maligayang kaarawan, dahil doon ikaw
ang nagpadala o pinagmulan ng mensahe sa taong iyong binati.
2.2 Mensahe - Ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon,
ideya, pagpapahatid ng saloobin, damdamin o emosyong nabangit. Ang mensahe ay may
dalawang aspeto ito ay ang mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika at mensaheng
relasyunal o mensaheng di-berbal.

Pagtatasa

Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Sa pamamagitan ng larawan ibigay ang iyong natutunan sa
araling ito.

Ang aking natutunan sa araling ito ay ang pagpapahalaga sa komunikasyon, mga iba’t ibang uri ng
pakikipagkomunikasyon, paano makilatis kung sino ang iyong taga pakinig kung paano niya
paipahatid ang balita sa iba. Ang natutunan ko pa sa aralin na ito ay ang kahalagahan ng balita sa
mamamayan, mga potensyal na sagabal sa komunikasyon, mga hakbang kung paano maipahatid
ang komunikasyon at ang kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon.

ARALIN 3
Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

Paandarin ang kaalaman!

Panuto: Ibigay ang sariling opinyon sa larawan.


- Ang aking opinyon sa larawan ay mga empleyado na nag uusap siguro’y di sila nag
kakaintindihan dahil iba-iba ang kanilang mga ideya.

Paglalapat

Panuto: Mag-isip ng isang maganda at napapanahong paksa at sumulat ng isang detalyadong


artikulo. Isulat sa isang buong papel. (20 pts.)

Pagtatasa
Panuto: Manood ng isang napapanahong balita at hinuhain itong mabuti. Pagkatapos ay gumawa
ng sariling balita at ilahad ito sa pamamagitan pagbabalita na may kasamang video.

You might also like