You are on page 1of 6

Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng

Pahayag ng Kaalaman

Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos managalap at magbasa ng mga katunayan at datos para sa
binubuong pahayag ng kaalaman. Paghahanap ng mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa ng mga datos at
pagbuo ng buod.

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon

Sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis, kailangan ng mananaliksik ng


malinaw, matalas, metikuloso, at mapanuaring isipan.

Iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon

 Una, maaaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon kagaya ng
pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe , iba’ ibang anggulo at anyo/mukha,
pagtataguyod, pagsalungat/pagtutol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga hakbang sa
isang proseso at elaborasyon.
 Pangalawa, puwede ring tingnan ang tinatawag na spradley (1979) na mga semantikong
relasyon sa pagitan ng mga impormasyon.

Mga halimbawa ng sematikong relasyon

 Istriktong paglalakip (strict inclusion)


 Espasyal (spatial)
 Pagbibigay-katuwiran (rationale)
 Sanhi-bunga/kinalabasan (cause-effect)
 Lugar ng isang Kilos(place of action)
 Gamit (function)
 Paraan-kinayarian(means-end)
 Pagkakasunod-sunod (sequence)
 Atribusyon (attribution)

Istriktong paglalakip (strict inclusion)

“Ang X ay uri ng “Y”

Halimbawa”Ang komiks magasin ay isang uri ng publiksayon (Habito- Cadiz, 2008,p.50)

Espasyal (spatial)

“Ang X ay isang lugar/lunan sa Y”, “Ang X ay isang bahagi ng Y”.

Halimbawa “Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay-estudyante.

Pagbibigay-katuwiran (rationale):

“Ang X ay isang rason para gawin ang Y”. “Ang kawalan ng sapat na pagkaakitaan ang isang sapat na
pagkakakitaan ang isang dahilan kung bakit pinahinto ng magulang ang anak sap ag-aaral”.
Sanhi-bunga/kinalabasan (cause-effect):

“Ang X ay resulta ng Y”,”Ang X ay sanhi/dahilan ng Y”.

Halimbawa: “Batay sa napag-alaman ni De Vera (1982), sa panig ng kalalakihan, ang tuksuhan ng kapuwa
lalaki ay sanhi ng pakikiapid sa ibang babae”.

Lugar ng isang Kilos(place of action):

“Ang X ay isang lugar para gawin ang Y”.

Halimbawa “Sa panahon ngayon, ang sinehan ay isang lugar para sa romantikong ligawan”.

Gamit (function):

“Ang X ay ginagamit para sa Y”.

Halimbawa “Paliwanag ni Guieb (2014), ang edukasyon ay ginagamit ng estado bilang kasangkapang
ideolohikal(ideological state apparatus) para hu7bugin ang kaisipan ng mga Mamamayan” (Guieb,
2004,p.254).

Paraan-kinayarian(means-end):

“Ang X ay isang pamamaraan para gawin ang Y”

.Halimbawa, “Noong panahon ng panunungkulan ni Ferdinand E. Marcos, ang pagdeklara ng Martial Law
sa buong bansa ay isang paraan para makontrol ng pamahalaan ang midya at lahat ng sangay ng
gobyerno.”

Pagkakasunod-sunod (sequence).

“X is a step or a stage in Y”.

Halimbawa “Ang pakikipagpalagayang-loob ay isa sa mga unang hakbang sa pakikipanuluyan.”

Atribusyon (attribution):

“Ang X ay katangian ng Y”. Halimbawa “Ang pagkahumaling sa Ingles ay isang katangian ng kolonyal na
kamalayan.” (Spradley, 1979,p.111)

Iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon

 Pangatlo, maaaring gumamit ng pamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik. Ang


pagkokoda ay isang intensitibong proseso ng pagsusuri ng datos sa kwantitatibong dulog.
 Walang katarungan ang mga datos kung hindi ito masusuri gamit ang mga deskriptibo at
inferential na estadistika pagkatapos nito ay ang interpretasyon.

Dalawang pangunahing klasipikasyon ng pagkokoda na inihain si Saldana (2009)

 Unang sikulo, pinapalitaw ang mga kategorya ng impormasyon na makikita sa datos.


 Sa pangalawang sikulo, pinagtitibaypa ang mga kategorya at pinapalitaw din ang mga tema.
Ang tema ay tumutukoy sa dalawang bagay:

1) ang ugnayan ng ilang kategorya sa isa’t isa, at,


2) ang mas ma saklaw na diwa ng isa o higit pang kategorya.

Grounded Theory ( Strauss at corbin)

 open
 axial,
 Selective

(Baxter & Babbie, 2004, p.374).

Open Coding

 Ang bukas na pagkokoda (open coding) ay unang sikulo kung saan tinutukoy, pinapangalanan,
inuuri, at inilalarawan ang mga kategorya ng impormasyon na lumalabas o lumilitaw sa teksto
(Lindlof & Taylor, 2002,p.219).

Axial Coding

 Ito nagsisilbing pangalawang sikulo, hinahanap ang kaugnayan ng mga kategorya ng


impormasyong natukoy sa unang bahagi.

Selective Coding

 Ang pangatlong sikulo na tinutukoy ang isa o higit pang pangunahig temang nagbubukold sa
lahat ng mga tema ng kaalaman na nhapalitaw sa aaksiya na pagkokoda.

Pagbubuod ng Impormasyon

Sa pagbubuod ng teksto, pinapalitaw ang pangunahing punto ng makukuha sa mga pinag-ugnay-

ugnay at tinahi-tahing impormasyon—kung baga”sa madaling salita, ang sinasabi ng teksto ay

(ganito o ganiyan)”.

Ang kinukuha ditto ay ang pangunahing punto:

- Abstrak

- Lead o patnubay

Ilang Gabay na dapat antabayanan

 Una, sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga
susing salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema.
 Pangalawa, kahingian ng ilang uri ng material ang angkop na element at estruktura ng buod.
 Pangatlo, sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang
hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
 Pang-apat, iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong
(Jimenez, 1982,p. 27).

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Ito ay nakabatay sa mga pangunahing temang nakatukoy mula sa mga pinagugnay-ugnay at binuod
na impormasyon.

 Kailangan nang iorganisa at pagpasiyahan ang pangunahing tema at detalye ng pahayag.


 Ang tema ay dapat sasagot sa mga layon ng pananaliksik

May ilang gabay na kailangang ikonsidera ng mananaliksik sa paghahanda ng materyal na gagamitin


sa pagpapahayag ng kaalaman:

 Una, malinaw dapat sa kanya kung sa harapan o mediadong sitwasyon ngkomunikasyon niya
ipapahayag ang nabuong kaalaman mula sa pananaliksik.

Ang mga halimbawa ng harapang sitwasyon


 umpukan
 talakayan, debate
 pagsasanay
 worksyap
 poro,kumpernsya
 seremonya ng pagtatapos

Kabilang naman sa mediadong pagpapahayag

 ang paskil
 diyaryo
 polyeto
 bidyo
 dokumento
 pelikula
 komiks
 magasin
 journal,at iba pang midya.

 Pangalawa, pumili ng angkop na plataporma kung midya ang gagamitin sa pagpapahayag ng


kaalaman.

Halimbawa, kung ang pakay ng mananaliksik sa isasagawang komunikasyon ay ilahaad sa

kaniyang mga kababayanang kalakasan at kahinaan ng pagtatayo sa kanilang bayan ng planta ng

kuryente na ginagamitan ng karbon,


 Pangatlo: Gumawa ng balangkas ng nilalaman bago magsulat. Pagkatapos ng unang burador ,
basahin at pag-isipang mabuti ang kabuuan ng nasulat. I-edit ang gramatika sa bawat pangungusap
pagkatapos ng pinal na burador. Ikunsidera din ang sumusunod:
 pumili ng angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang
pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong pangkomunikasyon, at
makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.
 Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon.
 Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng kalituhan.
 Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.
 Gumamit ng angkop na paunang pananaw , una (ako, ko, akin, tayo, atin, natin, kami)
 Iwasan ang paglalahad ng mga impormasyon na makapagpahamak sa mga tagaapagbat
 Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto pata patotohanan at palakasin ang
mga punto, argumento, o pahayag.
 Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lao na kung kahingian (halimbawa: sa journal article)

Sintesis

Ang sintesis o buod ay ang pinakamahalagangkaisipan ng anumang teksto. Ito ay isang bersyon
ngpinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahadng anumang kaisipan at natutunang
impormasyongnakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari.

Sa puntong ito, iniisip natin marahil na mahirap ang magsaliksik para sa pagbuo ng malamang

pahayag na may kabuluhan at katuturan.

Sa unang tingin tila masalimuot ang gumawa ng pananalitang nakasandig sa masusing proseso

ng paghahanda sa pagsisiyasat, pagpili ng batis ng impormasyon, pangangalap at pagbabasa ng

impormasyon, pag-uugnay-ugnay at pagbubuod ng nakalap na impormasyon, at pagbuo ng sariling

pahayag ng kaalaman.

 Una, ito ay usaping ng kaugalian. Baka naiisip ng marami sa atinna mahirap gawin ang

pananaliksik dahil hindi natin nakaugalian, lalo na sa mga aktibidad natin sa araw-araw.

 Pangalawa, ito ay usaping ng responsableng pakikipagkapuwa. Sa lipunang Pilipino , ang

pakikipagkapuwa ay taal at mahalagang salik ng ating mga gawaing pangkomunikasyon.

 Pangatlo, ito ay usapihn ng kaayusan at kaunlaran ng lipunan. Ayaw nating mamayani ang

disinformation at mga kasinungalingan sa ating lipunan dahil hindi ito makatutulong sa pagbabago at

pag-unlad ng ating bansa. Sabi ni Almario (2016), nagsasaliksik tayo para sa pagbabago sa kapauwa-

tao at sa kaniyang daigdig.


 Una’y iugnay natin ang paksang sinusuri sa ating sa karanasan, kapaligiran, a t lipunan para ang

mga pahayag natin ay maging makabuluhan at kapaki-pakinabang hindi lamang sa sarili kundi sa

bayan at mga kababayan.

 Pangalawa, magandang gamitin natin ang bernakular at pambansang wika hindi lamang para sa

madaling magkaintindihan kundi para sa pagsasakonteksto ng pananaliksik sa lipunang Pilipino at

para mabasa’t mapakinabangan ito ng mga kapuwa Pilipino.

 Pangatlo, ibahagi natin ang mga nabuo nating kaalaman lalo na sa midya. Makikilahok tayo sa

pamamahayag bilang mga citizen journalist na nagbabahgi ng mga balitang binuo mula sa masinop

na pananaliksik ng mga impormasyon.

You might also like