You are on page 1of 8

 Sa bahaging ito, kailangan nang pagpasiyahan at


iorganisa ng mananaliksik ang mga pangunahing
tema at karampatang detalye na lalamanin ng
kaniyang pahayag ng mga kaalamaan batay sa mga
pangunahing temang natukoy mula sa mga pinag-
ugnay ugnay at binuod na impormasyon na
nanggaling sa ibat ibang batis.

 Ang examplar na hinilaw sa datos, pati ng mga
analatikal na ideya at konseptong nagmula sa mga
eksperto

 So ang layunin ng Exemplar ay Nagbibigyang
kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng mga
mananaliksik ( Halimbawa: Balangkas konseptuwal,
Balangkas teorotical, Datos , Emprikal at iba pa )
 Natutukoy ang kahulugan ng mga konseptong
kaugnay sa pagbuo ng tentatibong balangkas.
 Naiisa isa ang kahalagahan ng pagbuo ng balangkas
sa pagsulat ng isang pananaliksik.
 Nakabubuo ng isang tentatibong balangkas.

 Tandaan din na bagama’t nasa panghuling bahagi na
ng pagsusuri, kailangan pa ring balik balikan ng
mananaliksik, hangga’t maari, ang orihinal na
katunayan at datos sa tekstong sinuri para
makasigurong ang binubuong bagong kaalaman ay
nakaangkla sa datos at hindi nagmula lang sa
imahinasyon niya.

 Sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman dapat sagutin
nang malinaw ng mananaliksik ang mga layon ng
pananaliksik gamit ang mga pangunahing temang
napalitaw mula sa pagpoproseso ng impormasyon
( Pangkalap, Pagbabasa , Pag uugnay ugnay, at
Pagbubuod ). Ang mga kasagutang ito ang
lalamanin ng mga materyal na kanyang susulatin o
ipoprodyus para sa isang sitwasyong
pangkumunikasyon .

 Sa pagsulat o pagprodyus ng materyal na nalalaman
ng pahayag ng kaalaman, dapat namang isaalang-
alang ng mananaliksik ang kaniyang pakay sa
paglahok sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
 May ilang gabay na kailangang ikonsidera ng
mananaliksik sa paghahanda ng materyal na
gagamitin sa pagpapahayag ng kaalaman.

 Una, malinaw dapat sa kanya kung sa harapan o
mediadong sitwasyon ng komunikasyon niya ipapahayag
ang nabuong kaalaman mula sa pananaliksik.
 Pangalawa, pumili ng angkop na plataporma kung midya
ang gagamitin sa pagpapahayag ng kaalaman.
 Pangatlo, pagsusulat ng iskrip para sa midya, iskrip ng
talumpati o pananalirta, o teksto ng publikasyon na
ibabahagi sa isang sitwasyong pangkomunikasyon,
tiyaking malinaw ang pahayag, wasto ang gramatika,
kawili-wili ang estilo at malaman ang sinasabi.

You might also like