You are on page 1of 8

Komunikasyong Pilipino

Araw -araw ay nasasangkot ang ang tao sa usapin na naibubulalas ang


kanilang naiisip at sabihin ay nilikha ang tao na parang isang sa entablado na
walang tigil sa pagkasa ng mapatawa kundi man ay mapaiyak o sa ilang at
makakuha ng simpatya mula sa kayang manonood.

Paglilinaw sa mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Tsismisan

Sa panunuring Ang Tsismis at papel ang Tunggalian na Kaya Nakikinig ang


Lupa at Lumilipad ang Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian ng Uri sa
Lipunang Pilipino ni Dela Cruz (2014) inilahad ang gampanin ng tsismis at
pagbabagong

tingin dito lalo, ginamit ito na mekanismo ng nagtutunggaliang antas ng


lipunan.

Itinala niya ang pagkakakilanlan sa salitang chimes mula Kastila na


nangangahulugang bali- balitang walang sapat na patunay, ngunit hindi masasabing
lubos na walang katotohanan, na kumakalat sa talikuran ng iba pang tao. Sa ating
wika, tiyak sa Tagalog, may katumbas ito na sabi- sabi,
bulong -bulungan, usap -usapan, kuwento -kuwento, alingasngas at bali- balita.
Patunay ito na may naiibang anyo ng pagkakilala rito na tunay na maka -
Pilipino.
Sa pagpapakahulugan, inuri ang tsismis mula sa banyagang klasipikasyon
na katulad ng m ga sumusunod: kumakalat bago ang pangyayari, positibong
tsismis na magbibigay -daan sa positibong pangyayari sa hinaharap, nagdudulot ng
pagkabalisa at may matinding epekto ng paninira.
Tinalakay rin ito bilang medyum ng nagtutunggaliang larang na mula sa itaas at
ibaba. Ito ay para sa pagkontrol gamit ang kapangyarihan ng mga nasa itaas.
Samantala, ito naman ay panangga ng mga nasa ibaba sa pwersa ng
makapangyarihan.
Samantala, sa talakay ni Maggay (2002), pinakamalapit nitong katumbas
ang gossip sa Ingle s at chisme sa barayti nito sa Espanyol. Ang mga ito ay
bali- balitang walang batayan o kung mayroon man ay dapat na sarilinin na
lamang.

Umpukan

May isang munting tindahan/ sa bukana ng ungguyan/ at sa kanto ng


kalye pitong gatang/ Dito ay nag -uumpukan/ ang ilang pilyong istambay/ na
walang hanapbuhay kundi ganyan.

Bahagi ng awit na Pitong Gatang ni Fred Panopio . Kinikilala sa awit ang di


pormal na ugnayan na kolektibong isinasakatuparan ng mga karan iwang
mamamayan na maaaring bahaging mga libreng oras o panahong walang
pinagkakaabalahan. Magkakasamang pinagsasaluhan ito. Katulad ng sa
tsismis, ito ay nangyayari din na kasabay ng iba- ibang pagtitipon. Halimbawa,
sa isang kaarawan, may umpukan ng batay sa kasarian (magkakaibang
pangkat sa mga babae, lalaki at o LGBTQIA), estado sa lipunan, edad at iba
pa. Ang umpukan dito ay maaaring nasa pormal ng pagbe beso -beso, chica-
chica at daldalan.
Sa mga ganitong sitwasyon, sa talakay ni Maggay (2002), ang sina unang
katungkulan ng umalahokan (town crier) ay mababakas sa sinasabing
bumabangka sa mga umpukan. Maaaring isagawa ito sa mga mataong lugar
tulad ng kanto, tapat ng tindahan, barberya at palengke.

IBA’T IBANG LUGAR KUNG SAAN KARANIWANG GINAGAWA ANG ISANG


UMPUKAN
Sa isang klase, nagbigay ng limang grupo ang isang guro para pag -usapan
ng mga estudyante and napapanahong isyu.
Sa isang barangay, nagpulong -pulong ang mga kasapi ng isang purok para pag -
usapan ang pwedeng gawin sa isang bayanihan.
Sa isang kanto, nag -iinuman ang mga kapit -bahay mong tambay at pinag
- uusapan nila ang bagong salta mong kapit -bahay.
Sa isang parke, isang umpukan ng mga bata ang naglalaro ng jack en poy .
Pagbabahay-bahay

May layon ang pagbabahay -bahay na gumamit sa pagpapahayag ng


tagapamagitan para sa pagpapaabot ng mga mensahe. May tinatawag na
pahatid na nakatuon sa akto ng pagpapadala sa pamamagitan ng isang
sugo. Katulad ng naunang paliwanag, maaari ding hugutin ang gampanin ng
umalahokan (town crier) sa kanyang tungkuling tagapaghatid ng
mahahalagang mensahe.
Sa karanasang Pilipino, may pagbabahay -bahay na may layuning
makapagpabatid ng mensahe, magtanong o kahit humingi ng anuman. Ito
ay nasa akto ng pagse- census, paghahatid impormasyon o ng liham, o
karanasang paghingi ng tulong o hiling tulad ng sa pamamasko o donasyon.

Oplan Tokhang

Sa konteksto ng programang War on Drugs ng Pangulong Duterte, itinampok


ang PNP Oplan Double Barrel Project Tokhang na anyo ng pagbabahay -
bahay. Ang salitang Tokhang ay salitang Bisaya na mula sa toktok at hangyu,
Nanga ngahulugang, pinagsama itong pagkatok sa tahanan ng gumagamit
ng droga at ipinakikiusapang sumuko. Mula sa Davao, itinampok ito bilang
pambansang programa at nakilala ng mas maraming Pilipino.

Census
Ito ay isang gawain kung saan isinasagawa ang pagbabahay -bahay
upang makakalap ng mga mahahalagang impor masyon. Halimbawa nito ay
ang 2015 Census of Population. Ito ay isinasagawa tuwing Agosto upang
magkaroon ng angkop na datos ng bolang populasyon sa bawat barangay
sa buong bansa.

Pulong-bayan

Isinasagawa ito sa karanasang Pilipino upang ihatid sa mas maraming miyembro


ng komunidad ang isang proposisyon, programa, adbokasi o planong inihihingi ng
pagsang -ayon at pulso.
Maaari itong pangunahan ng pinuno at mga kasamang may hawak din ng
kapangyar ihan na magpabatid. Maaari ding anyayahan ang
tagapàgsalitang eksperto sa paksa upang magbigay -linaw sa mga usapin at
isyung dapat na talakayin o linawin sa harap ng mga miyembro ng
komunidad. Matapos ang pagtalakay, binubuksan sa mga dumadalo ang
pagkakat aong magtanong. Sa huling bahagi, nililinaw sa pangkalahatan ang
paksang pinag -usapan.

URI NG PULONG -BAYAN


Connecticut
Ang ganitong uri ng pulong- bayan ay nagsasangkot ng pag -uusap tungkol sa
isang nai- publish na artikulo. Ito ay may piniling bilang ng mga taong
rehistradong botante. Kasama sa mga ito ang mga taong kumikita ng higit sa
1000 USD na maaaring pagbuwisan.

Alam mo ba?
Ang mga pulong- bayan ay higit nakilala sa pagkuha ng iba't ibang anyo.
Karaniwan, ang mga pulong ng bayan ay matatagpuan sa mga distrito ng Inglatera.
Ang iba't ibang mga pulong -bayan ay may magkakaibang mga
estruktura at nakaayos nang magkakaiba. Ang mga pulong- bayan ay walang
partikular na lugar na sinimulan ng mga ito. Ang mga pinaka- recordable na
mga pulong n g bayan ay nagsimula mahigit 300 daang taon na ang

nakakaraan. Ang isa sa mga pinakakapansin -pansin na starters ng mga pulong -


bayan ay tinukoy bilang Puritans.

Talakayan

Ang talakayan sa karanasang Pilipino ay nangyayari sa pagkakataong may


pangangailang an ng paglilinaw hinggil sa mga usaping nag lalaman ng mga
kabilang sa komunikasyon. Mahalagang kilalanin ang antas ng ugnayan sa
ganitong gawi.
Batay kina Santiago at Enriquez (1989), may antas ng pakikipag -ugnayan na
nagsisimula sa pakikitungo ( formal civility ) hanggang sa pakikiisa (full
identification).
Ibang Tao Di Ibang Tao

Pakikitungo Pakikipagpalagayang loob


Pakikisalamuha Pakikisangkot
Pakikilahok Pakikiisa
Pakikibagay
Pakikisama

May pagdadalawang isip pang magbahagi kapag nasa akto ng


pakikitungo hanggang pakikisama. Tunay nga, may mangyayari pa ring
talakayan kaya lamang may hanggahan ang buhos ng impormasyon. Kung
ito naman ay nagaganap sa antas ng pakikipagpalagayang loob hanggang
pakikiisa, maluwag na makapagsasabi at makapaglalahad ng tungkol sa
paksa.
Nakaayon ito sa konteksto ng ugnayan (lapit at layo) ng mga nagpapalitan
ng pahayag. Mahalagang nalalaman ang paksa upang makapagbahagi.
May tumatayo ring tagapagpadaloy upang maigiya ang usapan sa tiyak na
paksa at paglalagom sa huling bahagi.

Agenda

Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na nagpupulong.


Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng
pulong. Ito rin ay nagsisilbing gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon
kung paano mararating nang mabilisan ang patutunguhan.

Epekto ng Hindi Paghahanda ng Agenda

 Mawawala sa pokus ang mga kalahok na nagdudulot sa tila walang


katapusang pagpupulong.
 Umuunti ang bilang ng dumadalo sa pulon g.
 Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng
mga kalahok.

Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda

 Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng


kalahok ay patungo sa isang direksyon.
 Mas mabilis natatapos ang pagpupulon g kung alam ng lahat ang lugar
na pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga
kailangang talakayin, at ang maaaring kalabasan ng pulong.

Nilalaman ng Agenda
1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula
at matatapos?
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa
bahaging ito ng agenda, sinasagot nito ang tanong na: "Bakit tayo
magkakaroon ng pagpupulong?"
3. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
4. Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?

Katitikan ng Pulong

Ang katitikan ng pulong ay ang dokumentong nagtatala ng


mahahalagang diskusyon at desisyong ibinabatay sa adyendang unang
inihahanda ng Tagapangulo ng lupon. Ito ay maaaring gawin ng kalihim,
typist, o reporter sa korte a t karaniwang maikli at tuwiran o detalyado.

Kahalagahan ng Katitikan
 Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
 Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag -
uusapan o nangyari sa pulong.
 Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa
paglipas ng panahon.
 Ito ay magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong.
 Ito ay batayan ng kagalingan ng indibidwal.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG BAGO, HABANG AT PAGKATAPOS


NG PULONG

Bago ang Pulong


1. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
2. Ihanda ang sarili bilang tagatala.
3. Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong.

Habang Nagpupulong
1. Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito.
2. Magp okus sa pang -unawa sa pinag -uusapan at sa pagtala ng mga
desisyon o rekomendasyon.
NOT INTENDED FOR PUBLICATION. FOR CLASSROOM USE ONLY 79
Pagkatapos ng Pulong
1. Kung may mga bagay na hindi naintindihan, lapitan at tanungin
agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
2. Repasuhin ang isinulat.
3. Mas mainam na nag numero ang bawat linya at pahina ng katitikan
upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na
pulong.

You might also like