You are on page 1of 15

LAYUNIN:

Ang mga mag-aaral ay inaasahang…

• Nauunawaan ang kahalagahan at gamit ng katitikan ng


pulong
• Malaman ang iba’t ibang elemento sa pagbuo ng isang
organisadong katitikan ng pulong.
• Mauri ang gabay na pag-sulat ng katitikan ng pulong.
• Nakapagtatala ng mahahalgang detalye sa napanood na
pulong
KATITIKAN
NG PULONG
Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag
na Katitikan ng pulong.

Kalimitang isinasagawa nang


•Pormal
•Obhetibo
•Komprehensibo
• Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na
kasulatan ng samahan, kompanya o
organisasyon
• Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng
samahan o organisasyon
MAHALAGANG BAHAGI NG
KATITIKAN NG PULONG
1. Heading
•Pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon
o kagawaran
•Petsa
•Lokasyon
•Oras ng pagsisimula ng pulong
2. MGA KALAHOK O DUMALO
• Sino ang nanguna
• Pangalan ng lahat ng dumalo kasama
ang mga panauhin (kung meron)
• Pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG
NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG
• Dito makikita kung ang nakalipas
nakatitikan ng pulong ay napagtibay o may
mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. ACTION ITEMS O USAPING
NAPAGKASUNDUAN
(kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o
nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong)

• Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa paksang


tinalakay
• Taong nanguna sa pagtalakay ng isyu
• Desisyong nabuo ukol dito
5. PABALITA O PATALASTAS

“maaaring”
suhestiyong adyenda
6. ISKEDYUL NG SUSUNOD
NA PULONG
• Kailan at saan gaganapin ang susunod
na pulong
7. PAGTATAPOS
• Kung anong oras nagwakas ang pulong

8. LAGDA
• Taong kumuha ng katitikan ng pulong
• Kailan ito isinumite
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG
KUMUHA NG
KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo (2014)
Dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng
pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-
interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa
halip, ang kanyang tanging Gawain ay itala at iulat
lamang ito.
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing
pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa
pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng pulong
ng nakaraaang pulong
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatakdang
adyenda
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay
nagtataglay ng tumpak at kumpletong heading
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang
maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng
koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan
pagkatpos ng pulong
MAY 3 URI NG ESTILO NG PAGSULAT
NG KATITIKAN NG PULONG
a. Ulat ng Katitikan
b. Salaysay ng Katitikan
c. Resolusyon ng Katitikan

You might also like